Wednesday , March 22 2023

Tanduay kontra Marinerong Pilipino

MATAPOS makaba-ngon sa kanilang inisyal na pagkatalo ay target ng Marinerong Pilipino at Tanduay Rhum na maiposte ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang duwelo sa  PBA D-League Foundation Cup 2:00 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang laro, ganap na 12:00 ng tanghali, hahanapin ng AMA Online Education at Zark’s Burger ang kanilang unang panalo.

Na-upset ng Marine-rong Pilipino ang Cignal HD, 66-65 na nakabawi sa 92-82 pagkatalo sa Team Batangas.

Ang Tanduay Rhum ay natalo sa Cignal HD, 89-63 nitong 1 Hunyo at nagwagi laban sa  CEU, 75-60.

Si dating Phoenix coach Koy Banal ang may hawak ng Marine-rong Pilipino at siya ay tutulungan ng assistant na si Chiqui Reyes. Ang team manager ay si Molet Otayzo.

Pinakabeteranong miyembro ng koponan ang ex-pro na si Mark Isip, ang iba pang ina-asahan ni Banal ay sina Ralph Salcedo, John Rey Alabanza, Zach Ni-chols, Julian Sargent at John Derico Lopez.

Ang Rhum Masters ni coach Lawrence Chongson ay pinamumunuan ng ex-pros na sina Dennis Villamor, Jerwin Gaco, Lester Alvarez, Paul Sanga at Jay-R Taganas.

Ang AMA Online Education  ay nabigo Kontra sa Racal Motors (118-100) at Cignal HD (86-76).

Ang Zark’s Jawbreakers ay natalo naman sa Gamboa Coffee Mix (85-84), Cignal HD (107-69) at Racal Motors (140-90).

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply