Tuesday , October 3 2023

PH powerlifting team kulang sa suporta

NANGHIHINAYANG sa isa pang oportunidad ang mga atleta ng Philippine Powerlifting Team sa pangunguna ni 18-year old Joan Masangkay – 43kg Junior division at 16-year old Veronica Ompod – 43 kg sub-junior division na pawang world record holder ng Filipinas sa larangan ng sports na Powerlifting dahil hindi sila pinondohan ng PSC (Philippine Sports Commission) para maipadala sa bansang Belarus sa gaganaping 2017 World Classic Powerlifting Championships.

Sinabi ni Masangkay tubong Masbate na nga-yon ay residente sa Quezon City,  malaki ang tsansang  maiuwi nila ni Veronica Ompod ng Leyte ang kampeonato sa world championships.

“Nalulungkot po kami ni Veronica kasi sa category po namin tig-apat na medalya po ang maiuuwi po namin, ‘yun pong sa Squat competition, Bench Press competition, Deadlift competition, at ‘yun pong sa Total.   Malaki po ang tsansa na makapag-uwi  kami ng gold medal e talagang pinaghandaan  namin nang husto ang laban na ito para  sa ating bansa,  para  kahit paano po ay maibsan din ang lungkot ni President Duterte sa nangyayari ngayon sa ating bansa tulad po ng nangyayaring gulo sa Marawi City.  At least po kung makapag-uuwi po kami ng kara-ngalan dito po sa Filipinas ay matutuwa po si President Duterte,”  pahayag ni Masangkay.

Nalungkot ang iba pa nilang teammates na sina 17-year old Jeremy Reign Bautista, 57kg sub-junior; 14-year old Jessa Mae Tabuan, 43kg sub-junior; at Leslie Evangelista, 47kg open division na puspusan din ang paghahanda para sa nasabing competition.

Hindi makakaila na isa sa pinakamagaling na sports ng Filipinas sa ngayon ang Powerlifting na noong nakaraang taon ay nakapagtala ng World Record si Masangkay sa 43kg sub-junior division at nakapag-uwi ng isang gold medal sa deadlift at isang Bronze medal sa Squat at ganoon din si Ompod na tumangay  rin ng gold medal sa Squat competition at ito lamang nakaraang Abril sa Asian Championships ay  nakapag-uwi ang Philippine Powerlifting team ng 18 Golds, 15 Silvers, 25 Bronzes, sa kabuuang  58 medals.

About hataw tabloid

Check Also

BUBOY Chess

Kuya Buboy Abalos chessfest tutulak sa 8 Oktubre 2023

MAYNILA — Tutulak ang Kuya Buboy Abalos Limbas Mandaragit Eagles Club Chess Tournament 2023 sa …

Philippine ROTC Games Luzon Leg

Philippine ROTC Games Luzon Leg simula na

TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC …

Emi Cup Pro-Am golf

Emi Cup Pro-Am golf papalo sa Sept. 21-22

KABUUANG 285 golfers, kabilang ang mahigit 100 professional golfers mula sa Professional Golfers Association of …

Daniel Fernando Singkaban Football Festival Bulacan

Ika-2 Singkaban Football Festival humataw sa Bulacan

SA ikalawang pagkakataon, muling nagsaya sa paglalaro ang mga Bulakenyong manlalaro ng football na may edad na …

Jose Efren Bagamasbad Martin Binky Gaticales Angelo Abundo Young Henry Roger Lopez

Int’l Master Angelo Abundo Young naghari sa Grandparents Day Celebration Open Rapid Chess Tournament

Final Standings and tournament payouts: (7 Round Swiss System, 15 minutes plus 5 seconds increment …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *