Friday , November 22 2024

Sports

Castro, Romeo hinangaan ni Parker

NABIGO ang Gilas Pilipinas sa France noong Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City pero pinuri ni NBA veteran Tony Parker ang ipinakitang kagitingan ng mga Pinoy dribblers sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament. Bumilib si San Antonio Spurs point guard Parker kina Jayson Castro at Terrence Romeo na naghalinhinan bantayan siya. “They …

Read More »

Radio Active babawi kay Dewey Boulevard

NAKATAKDANG sumigwada ang 3rd Leg Triple Crown Stakes Race sa July 10, 2016 sa pista ng San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Ito ang magiging ikatlong beses na paghaharap nina Radio Active at Dewey Boulevard sa prestihiyosong stakes race.   Matatandaan na dinomina ni Racio Active ang unang Leg pero agad na nakabawi si Dewey Boulevard sa 2nd Leg. Inaasahan na …

Read More »

Blu Girls palaban sa World Cup

UMARANGKADA na  ang Philippine Blu Girls kahapon para sa World Cup of Softball XI laban sa US sa Oklahoma City. Nakatakdang harapin ng Pinays ang China ngayong araw. “I am very confident that our girls will give other teams a run for their money in this tournament. I have been challenging them not just to be competitive but to win …

Read More »

Blush of Rose hahalimuyak na

SA naganap na unang karera nitong nagdaang Martes sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ay eksaktong bitaw lang sa may tres oktabos (600 meters) ang ginawa ni Miles Vacal Pilapil sa dala niyang si Simply Elegant, kaya naman pagdating sa rektahan ay may natira pa silang lakas laban sa mga rumemateng sina Townsend at Paytobesmart na dumating na segunda …

Read More »

ISINAGAWA ang ceremonial toss ni Presidente Rodrigo Duterte sa pagitan nina Joffrey Lauvergne ng team France at Andray Blatche ng team Philippines sa pagsisimula ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginaganap sa MOA  Arena sa Pasay City. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Gilas vs new Zealand

MATAPOS kasahan ng Gilas Pilipinas ang France, susubukan naman nila ang tikas ng New Zealand sa pagtutuos nila mamayang alas-nuweve ng gabi sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Kailangang manalo ng nationals para makasampa sa susunod na elimination at magkaroon ng tsansa na makahirit ng ticket para sa 31st Summer …

Read More »

Durant lumipat sa bakuran ng Warriors

KOMPIRMADONG jersey na ng Golden State Warriors ang isusuot ni former scoring champion Kevin Durant sa susunod na season ng National Basketball Association, (NBA). Inanunsyo kahapon sa The Players Tribune na lalaro sa Golden State ang free agent at Oklahoma City Thunder star player Durant. Pumayag si Durant sa two-year, $54 million deal at player option sa second year na …

Read More »

Isang batman na lang ang natira sa OKC

TINULDUKAN na ang pag-asa ng Oklahoma City Thunder na maging kampeon pa ng NBA. Dahil kahapon ay putok sa lahat ng balita sa internet na pumirma na ng bagong kontrata ang free agent na si Kevin Durant sa Golden State Warriors. Kaya doon sa mga fans ni Durant, tiyak na lipat na rin sila ng itsi-cheer sa susunod na season …

Read More »

PH lalahok sa Rio 2016 Summer Olympics

MAAARING sabihin na patapos na ang panahon ni Manny Pacquiao sa loob ng ring dahil sa kanyang pagreretiro. Ngunit hindi maitatanggi na siya ang mukha ng sports sa Filipinas. Ang kanyang hindi mapantayang tagumpay sa larangan ng boxing ang nagtaas ng pamantayan sa kalidad ng mga atletang Filipino – ito ang kakayahang mapag-isa ang bawat Filipino tuwing tatapak sa bawat …

Read More »

Gilas haharapin si Parker

KULANG ang France dahil paparating pa lang si NBA player Nicolas Batum pero paniguradong dehado pa rin ang Gilas Pilipinas sa salpukan nila ngayong gabi sa simula ng 2016 International Basketball Federation Olympic Qualifying Tournament sa SM MOA Arena sa Pasay City. Nasa Group B ang Philippine Team at France na pinamumunuan ni San Antonio Spurs star point guard Tony …

Read More »

PacMan walang balak lumaban sa Oktubre

KATEGORIKAL na sinabi ni Eric Pineda, business manager ni Manny Pacquiao na todo-pokus ngayon ang Pambansang Kamao sa kanyang trabaho bilang Senador ng bansa at walang balak na lumaban sa Oktubre gaya nang kumakalat na balita. Matatandaan na may reserbasyon si Bob Arum ng Top Rank sa Mandalay para sa Oktubre 15 ng posibleng comeback ni Pacman kontra umano sa …

Read More »

Golovkin vs Alvarez ‘di mangyayari

ISANG malaking katanungan ngayon sa sirkulo ng boksing kung magkakaroon nga ba ng realisasyon ang bakbakang Gennady Golovkin at Canelo Alvarez? Sa isang panayam kay dating middleweight boxing champion Sergio Martinez, walang kagatul-gatol ang kasagutan nito na hindi mangyayari ang nasabing dream fight sa pagitan nina Golovkin at Alvarez sa dekadong ito. Sa isang interbiyu ng FightHub, tinanong si Martinez …

Read More »

DINUMOG ng mga siklistang kalahok sa pedalan ang ginanap na 5th Fil-Am Criterium Grand Prix sa Quezon City circle. ( HENRY T. VARGAS )

Read More »

Gilas suki ng Turkey

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang pangalawang kabiguan sa kamay ng Turkey. Pero ipinakita ng Gilas ang malaking improvement sa kanilang trainings matapos matalo lang ng walong puntos sa Turkey, 76-84 sa final tuneup nila sa MOA Arena para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin dito sa bansa sa Hulyo 5-10. Sa unang tuneup, kinawawa ng Turkey ang mga Pinoys, …

Read More »

Araw ng Maynila Racing Festival

NAKATAKDANG sumigwada ang Araw ng Maynila Racing Festival sa July 10 sa pista ng San Lazaro. Ang pinakatampok na karerang bibitawan sa araw na iyon ay ang 2nd Erap Cup Open Championship na ilalarga sa mahabang distansiyang 2,000 meters. Ang nominadong kalahok sa nasabing stakes race ay ang mga kabayong Dixie Gold, Don Albertini, Gentle Strength, Hayleys Rainbow, Kanlaon, Messi, …

Read More »

Wind Factor napabor ang laban

HINDI  na napigilan pa ni Tanya Navarosa ang kanyang dala na si Sky Jet nang makasipat ng kaluwagan sa may tabing balya papasok sa ultimo kuwarto, kaya pagsungaw sa rektahan ay nagtuloy-tuloy ang kanilang pagremate hanggang sa mametahan ang kamuntik ng makadehadong si Kay Inday. Ang kalaban nilang si Pati Dilema sakay ng kabayong si Neversaygoodbye ay tila nabantayan ang …

Read More »

PSC: Change the Game

MALAKI man ang hamon para palaguin ang sports sa bansa, nagkaisa ang bagong liderato ng Philippine Sports Commission (PSC) para magbago ang kalaga-yan ng mga atletang Pinoy at magkaroon nang mas malaking pag-asang umani pa ng karangalan sa pandaigdigang entablado, kundi man sa Olimpiyada at Asian Games. Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, inihayag ni incoming PSC …

Read More »

Mapua target solo liderato

IKATLONG sunod na panalo at solo liderato ang habol ng Mapua Cardinals kontra Lyceum Pirates sa 92nd NCAA Men’s Basketball Tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Puntirya naman ng Arellano Chiefs ang ikalawang tagumpay laban sa College of St, Benilde Blazers sa unang laro sa ganap na 2 pm. Ang Cardinals ni coach Atoy Co ay …

Read More »

KAMPEON si Grandmaster Rogelio Antonio Jr. (gitna), 2nd place ( pangalawa mula kaliwa ) Grandmaster Jayson Gonzales, 3rd place si International Master Paolo Bersamina na iginawad ang tropeo nina  Atty. Ruel V. Canobas, NCFP Vice President for Luzon at  NCFP Treasurer / Deputy secretary general Red Dumuk , sa ginanap na awarding ceremony ng Battle of the Grandmasters 2016 Grand …

Read More »

Aklat sa Plaridel elementary school pinapa-xerox na lang

Kurot Sundot ni Alex Cruz

KAMAKAILAN ay nagbigay ng paniniguro ang dating  DepEd secretary Armin Luistro na handa ang kagawaran sa pagpasok ng GRADE 11 ngayong taon. May sapat daw na classrooms, teachers, mga gagamiting libro,  etc., etc  sa nasabing grade.  Siyempre, kasama na sa assurance na iyon ang Kinder hanggang Grade 6 at ang Junior High School. Bagama’t maraming report na nagkakagulo ang enrolment …

Read More »

Reaksiyon nina klasmeyts

MAY mga reaksiyon akong natanggap sa mga klasmeyts natin na nakausap ko hinggil sa nabasa nila dito sa ating kolum kahapon na naglalaman ng kasagutan mula sa tanggapan ng PHILRACOM (Philippine Racing Commission). Ang laman ng liham ay wala silang nakitang pagkakamaling nagawa ni apprentice rider M.B. Pilapil nang matalo ang sinakyan niyang outstanding favorite na si Ariston nung Hunyo …

Read More »

Magbabalik sa ring si Pacquiao? (Sa Las Vegas sa Oktubre)

ITINUTULAK ng kontrobersiyal na boxing trainer Freddie Roach na magkaroon ng showdown sina dating world champion Adrien Broner at Pinoy boxing icon Manny Pacquiao, kahit retirado na ang Pambansang Kamao at ngayo’y isa nang senador. Nagretiro si Pacquiao mula sa boxing matapos ang unanimous decision win kontra kay Timothy Bradley nitong nakaraang Abril at nahalal bilang miyembro ng Philippine Senate …

Read More »

Antonio kampeon sa “Battle of The Grandmasters”

Chess

SINIKWAT ni Grandmaster Rogelio Antonio, Jr. ang titulo sa katatapos na Battle of the Grandmasters 2016 Chess Championships-Grand Finals sa Philippine Sports Commission National Athletes Dining Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. Nakalikom si 53-year-old Antonio ng 18 points para makopo ang kanyang 13th National Championship. Tabla sa top spot sina Antonio at GM Jayson Gonzales pero …

Read More »

Dodson bumalik sa ‘Pinas

Bumisita sa bansa si half-Filipino UFC fighter John “The Magician” Dodson para sa three-day tour, pero hindi pa natatapos ang kanyang mga aktibidades ay nakatuon na agad ito sa kanyang pagbabalik sa Pinas. Isiniwalat ni Dodson na magkakaroon muli ng UFC Fight Night dito sa Pilipinas. “Are you guys ready to see more people here? Do you guys want to …

Read More »