Wednesday , October 27 2021

Marcial handa nang sumalang sa training  

LUMAPAG na sa  US si middleweight Eumir Felix Marcial kaya anumang oras ay maaari na siyang magsimula ng kanyang trainings.

Pahayag ni 24-year-old Marcial na magsisimula na siyang  mag-ensayo  para paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at ang debut niya bilang professional boxer sa United States.

Matagal na walang pormal na ensayo si Marcial dahil sa pagsasailalim sa quarantine ang bansa dulot ng coronavirus (COVID-19).

Nitong Marso ay lumaganap ang COVID-19 pandemic kaya itinigil lahat ng sporting events.

Nagpapasalamat ang tubong Zamboanga City Marcial sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez sa pagtulong na makapunta siya sa US para paghandaan ang Olympics.

Si Hall of Fame trainer Freddie Roach, assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune ang makakasama ni Marcial sa trainings.

“He will start preparing for many, many things,” saad ni Sean Gibbons ang pangulo ng MP Promotions ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.”

Target na  gawin sa November o Decemeber ang pro debut ni Marcial sa isang non-title bout.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

 

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PSC Rise Up Shape Up

Sports Officiating sa PSC Rise Up Shape Up tinalakay

TINALAKAY  ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tungkol sa Filipino International sports officials sa webisode …

Ben Simmons

Ben Simmons hindi pa handang maglaro sa Sixers

AMDEN, N.J. — Napasama si Ben Simmons sa shootaround ng  Philadelphia 76ers teammates nung biyernes …

Anthony Davis, Dwight Howard, LA Lakers, NBA

Howard umaming nakabulyawan si AD

NAGING malaking balita sa social media ang naging sigawan nina Anthony Davis at Dwight Howard sa …

Vietnam SEA Games

Vietnam SEA Games tuloy sa Mayo 2022

PAGKARAANG ma-postponed ang Vietnam SEA Games na mangya­yari sana mula 21 Nobyem­bre hanggang 2 Disyembre ng  …

James Yap, CoC, San Juan, Francis Zamora

James sinabon agad ng netizens (Sa pag-file pa lang ng COC)

FACT SHEETni Reggee Bonoan GRABE, ngayong Oktubre 5 pa lang magpa-file ng Certificate of Candidacy …

Leave a Reply