MAGHIHIWALAY ng landas ang mga baguhang Flying V at Gamboa Coffee Mix na magtutuos para sa solo liderato sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 10 am Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa ikalawang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay target ng Cignal HD ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Zark’s Burgers. Kapwa nagwagi ang Flying V …
Read More »Stevenson giniba si Fonfara sa round 2
DINIMOLIS ni Adonis Stevenson si Andrzej Fonfara sa Round Two para mapanatili ang korona sa WBC light heavyweight na ginanap sa Bell Centre sa Montreal. Pinabagsak ni Stevenson sa unang round si Fonfara sa pamamagitan ng matinding kaliwa. Sa nasabing yugto ay gahibla nang nakasalba si Fonfara sa uumulang suntok ng kampeon. Sa Round Two ay lalong naging mabalasik si …
Read More »Hinete, Sota dapat din magpaliwanag
HUGANDONG nagwagi sa laban ang kalahok na si Rochelle na nirendahan ni Jeff Zarate sa Race 1 nung Biyernes sa karerahan ng Sta. Ana Park matapos biguin ang kalaban sanang mahigpit na si Mount Pulag na sa hindi malamang dahilan ay nahuli sa alisan mula sa aparato gayong gamay naman ni Mark Alvarez ? Pero ayon sa mga beteranong klasmeyts …
Read More »Cavs babawi sa game 2
SISIKAPIN ng defending champion Cleveland Cavaliers na makabawi sa Game 2 sa finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) ngayong araw upang hindi mabaon sa serye. Pero pihadong mahihirapan ang Cavaliers dahil sa lugar pa rin ng Golden State Warriors ang labanan. Hawak ng Warriors ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series, puntirya nila na ikasa ang 2-0 para lumapit …
Read More »Cavs reresbak, Warriors lalayo sa 2-0
TATANGKAING bumalikwas ng Cleveland Cavaliers habang susubukang lumayo ng Golden State Warrior sa kanilang muling harapan sa Game 2 ng best-of-7 NBA Finals ngayon sa Oracle Arena sa Bay Area. Ibinaon ng Warrios ang Cavs sa Game 1 para sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa playoffs. Buhat nang magsimula ang post-season, hindi pa nadudungisan ang Warriors. Muli silang sasandal …
Read More »Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon
MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area. Ito ang kauna-unahang pagkakataon …
Read More »Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP
NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench. Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang …
Read More »Tamaraws dinungisan ng Maroons
GINUHITAN ng UP Fighting Maroons ang dati’y malinis na kartada ng FEU Tamaraws nang manggulat sila sa 71-68 panalo kamakalawa sa Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa San Juan City. Inakyat ng UP ang 10 puntos na pagkakatambak sa huling mga minuto upang itarak sa FEU ang una nitong talo sa torneo. Tinablahan ng Fighitng Maroons ang kanilang biktima …
Read More »Federer kampeon sa Indian Wells, Kerber, #1 ulit
PINALO ni Roger Federer ang kanyang ika-lawang sunod na kampeonato buhat nang hamigin ang Australian Open nitong Enero nang angkinin ang BNP Paribas Open title sa Indian Wells, California kamakalawa. Ginapi niya ang kababayan sa Switzerland na si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5 upang kolektahin ang kanyang ikalimang titulo sa natu-rang torneo at maging pinakamatandang kam-peon sa Indian Wells sa edad …
Read More »PacMan, tila bilasang isda na inilalako ni Arum (Wala na nga bang patol?)
NITONG nagdaang dekada, tila paborito ng bayan kung pilahan ang putaheng may sahog ni Manny “Pacman” Pacquiao. Kabi-kabila, kaliwa’t kanan, ano mang isla sa arkipelago ng Filipinas o saan mang sulok ng bilog na mundo, patok na patok, walang palya, swak na swak si Pacman sa panlasang pang-karinderia man o mamahaling restaurant. Sino bang mahihirapang i-market ang Fighter of the …
Read More »Blue Eaglets humirit ng do-or-die
MAYROON pang bukas para sa Ateneo Blue Eaglets. Ito ay matapos nilang pupugin ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 75-56 na may twice-to-beat advantage sa kanilang duwelo sa UAAP Juniors Basketball Final Four sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City kahapon. Dahil sa panalo, nakahirit ang Blue Eaglets ng rubber match na nakataya ang isang silya sa UAAP …
Read More »NBA players of the week: James, naghari sa East; Griffin, West inangkin
PINANGALANANG National Basketball Association (NBA) Players of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers para sa nakalipas na linggo. Kinarga ni James sa kanyang mga numerong 25.5 puntos at 11.3 assists at 5.3 rebounds ang Cavaliers tungo sa 3-1 baraha upang isubi ang parangal na Eastern Conference Player of the Week. Kinatampukan …
Read More »Pacquiao vs Horn sa UAE, kasado na
“SEE you in UAE for my next fight.” Iyan ang mismong mga kataga ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang personal na twitter account na @mannypacquiao kamakalawa upang kumpirmahin ang susu-nod na laban sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kontra undefeated Australian Jeff Horn sa darating na 23 Abril. Salungat sa mga naunang ulat na sa hometown ni Horn sa …
Read More »Sonsona brothers magpapakitang-gilas
SUMUMPA ang magkapatid na Eden at Lolito Sonsona ng General Santos City na pareho nilang duduplikahin ang naging tagumpay ng pinsan nilang si dating WBO world super flyweight champion Marvin “Marvelous” Sonsona sa magiging laban nila sa February 26 sa Lagao Gym. Si Eden na dating WBC international Silver super featherweight champion ay haharapin si Jovany Rota para sa bakanteng …
Read More »UE kampeon sa fencing
NAKAMIT ng University of the East ang kanilang inaasam na championship double matapos hablutin ang korona sa men’s at women’s division ng UAAP Season 79 fencing tournament kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena. Kinalawit ng Red Warriors ang gold sa men’s team epee event sa nakulektang 4-2-2 gold-silver-bronze upang kompletuhin ang five-peat at 11th overall. Giniba ng UE ang University …
Read More »Indian warrior muntik masubo
PINAG-UUSAPAN pa rin ng mga karerista ang nangyaring takbuhan nung isang gabi sa pista ng Metro Turf kung saan ay hindi naging katanggap-tanggap sa mga BKs ang nagawa sa kabayong si Indian Warrior ni jockey Mart Gonzales. Ayon sa mga beteranong klasmeyts na rin natin na nakapanood ay sadyang malaki sana ang panalo ni Indian Warrior kung sa una ay …
Read More »Pacquiao-Marquez V, posible sa dulo ng taon
POSIBLENG maganap ang ikalimang pagtatagpo ng mapait na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, ayon mismo sa Pambansang Kamao. Inamin ni Pacquiao na hiniling niya sa Department of Tourism ang P3 bilyon upang tulungan siyang pondohan ang naturang laban na gaganapin mismo sa Filipinas. Nauna nang sinabi ng DOT na kung prominente at ibang lebel ang makakalaban …
Read More »Alab rumekta sa ikatlong sunod na panalo sa ABL
PATULOY ang pag-akyat ng Alab Pilipinas sa pedestal ng Asean Basketball League. At isa sa mga ginawa nilang dantayan ang nagdedepensang kampeon na Westports Malaysia Dragons, 65-54, kamakalawa sa mismong bahay nila na House of Champions, Gem-in Mall in Cyberjaya, Malaysia. Bagamat hindi nakakuha ng karaniwang numero mula sa pambatong Rayray Parks Jr., na nagkasya sa 9 puntos, sinalo ni …
Read More »Wesley So wala pang talo sa 44 salang
HINDI pa natatalo si Wesley So sa 44 salang simula noong nakaraang taon matapos makakuha ng tabla kay world champion Magnus Carlsen sa ginaganap na Tata Steel tournament sa Netherlands. Dahil sa patuloy na pagratsada, mula sa ika-sampu noong nakaraang taon ay umakyat sa ikaapat na ranggo si Grand Master So sa pinakabagong World Chess Federation Rankings (FIDE). Matatandaang nakasungkit …
Read More »Lady Pirates luhod sa Lady Altas
PUMITAS ng players sa bench si Perpetual Help coach Sammy Acaylar upang pagpagin ang Lyceum of the Philippines, 25-21, 29-27, 25-23 sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City. Malamya sa kaagahan ng laro sina team captain Cindy Imbo at Ma. Lourdes Clemente kaya napilitang dukutin ni Acaylar sa bench sina …
Read More »Cabagnot hataw pa rin maglaro kahit basag ang ilong
INAKALA ng lahat na sa pagsisimula ng taong 2017 ay malalagay muna sa injured list si Alex Cabagnot dahil sa nagkaron ito ng injury noong Disyembre 28 sa laro ng San Miguel Beer kontra sa Meralco Bolts. Nasiko kasi ni Cliff Hodge sa mukha si Cabagnot. Bunga ng insidenteng iyon ay nabali ang ilong ng San Miguel point guard at …
Read More »Manalig ka nakagawa ng Upset
NAKAGAWA nang malaking upset win ang kalahok ni Ginoong Hermie Esguerra na si Manalig Ka na nirendahan ni Mart Gonzales sa naganap na 2017 “PHILRACOM Commissioner’s Cup” nung isang hapon sa pista ng San Lazaro. Sa largahan ay agad na kinuha mula sa labas ng kabayong si Skyway ni Apoy Asuncion ang harapan, na sinundan naman ni Low Profile ni …
Read More »Pacquiao itinumba si Vargas
NANATILI ang bilis, lakas at kara-nasan ni Manny “Pacman” Pacquiao kaya naitukma niya si American fighter Jessie Vargas at makuha muli ang WBO welterweight belt sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, kahapon. Nabawi ng 37-anyos na si Pacquiao ang titulo kay Vargas matapos ilista ng tatlong hurado ang 114-113, 118-109, 118-109 unanimous victory ng Pambansang kamao ng Filipinas. …
Read More »PacMan tumimbang ng 144.8 pounds (Vargas 146.5 lbs)
SAPOL ni Philippine senator Manny “Pacman” Pacquiao ang ideyal na timbang na 144.8 pounds sa opis-yal na weigh-in kahapon sa Encore Theatre sa Wynn Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA. Samantalang si Jessie Vargas ay may bigat na 146.5 pounds. Hahamunin ni Pacman ang kampeon ng WBO welterweight para sa korona ngayong linggo sa Thomas & Mack Center …
Read More »Pacquiao iiskor ng KO
MALAKI ang tiwala ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na uupak si eight-division world champion Manny Pacquiao ng knockout win laban kay WBO welterweight champion Jessie Vargas. Sa interview ng ‘On the Ropes’ boxing radio sinabi ni Roach kahit kampeon si Vargas wala siya sa ka-lingkingan ni Pacquiao. “I know he’s won a couple of world titles and so …
Read More »