Monday , June 24 2024

Lomachenko umaming nayanig sa suntok ni Lopez

BINIGYAN ng palayaw na “High-Tech” at “The Matrix” si Vasiliy Lomachenko—dahil napakahirap niyang tamaan  ng suntok sa loob ng ring.

Ngunit  sa huling laban  niya kontra kay Teofimo Lopez, hindi pinansin ang moniker ni Loma­chenko. Sa kanyang talento sa loob ng ring ay tipong mas madali para sa kanya na patamaan ng lehiti­mong suntok ang Russian fighter.

Umabot sa 183 total shots ang pinadapo ni Lopez sa Russian fighter kasama roon ang career-high 50 sa final round.

Dama  ni Lomachenko ang taglay na lakas ni Lopez, na inamin niya pero tuwirang sinabi na ang lakas ay hindi maka-pagsasabi ng kabuuan  sa sport ng boxing.

“He is a strong guy,” pahayag ni  Lomachenko sa interbyu ng Snow-QueenLA on YouTube.

“But I can’t say he has some vicious punches that could knock you out cold. Yes, he does hit hard. But, you understand it’s not about how hard you hit. It’s about how accurate your punches land in certain parts of the head. Then, it could end up bad.”

Sa mga balita, pina­niniwalaan ng karamihan na si Lopez ang pinaka­malakas sumuntok sa lahat ng nakalaban ni Lomachenko.   Pero sa katotohanan, minsang bumagsak sa lona si Loma sa kamao ni Jorge Linares noong 2018 matchup.

Ang kasagutan ni Lomachenko sa katanu­ngan kung sino ang mas malakas sumuntok sa dalawang nabanggit na naging katunggali.

Bumagsak man sa canvas si Loma sa 6th round, sinabi niyang hindi niya naramdaman ang yanig sa buong katawan at wala siyang naramdaman na panganib na tuluyan siyang luluhod sa laban. Tumayo siya nang may bagsik at dinomina ang kalaban para pata-ubin nang tuluyan sa 10th round.

Pahayag niya sa na-ging laban kay Lopez:

“He did land some punches. It didn’t hurt me, maybe because he didn’t land them right or maybe he is not as strong as he seems to be.”

Bagama’t sinasabi niyang hindi siya naka-ramdam ng seryosong panganib sa naging bakbakan nila, inamin niyang kinapos siya.

Nang ianunsiyo ang verdict ng tatlong hurado na pumabor kay Lopez, iniungot agad ni Loma ang isang rematch.

About hataw tabloid

Check Also

2nd Gov Henry S Oaminal chessfest

2nd Gov. Henry S. Oaminal chessfest sumusulong na

Clarin, Misamis Occidental — Susubukan muli ng mga nangungunang manlalaro ng chess ng bansa ang …

Eric Buhain Chito Rivera Jamesray Mishael Ajido

PAI National Age-Group Championships sisimulan sa pagpupugay kay Rivera

NAKATAKDANG lumarga ngayong araw, Biyernes, 21 Hunyo, ang Philippine Aquatics, Inc. (PAI) 1st National Age …

VINNY Marcos Volleyball FIVB men’s worlds

Vinny Marcos nanguna sa ceremonial launch ng 2025 FIVB men’s worlds

IPINAKITA ng anak ng Pangulo na si William Vincent “Vinny” Araneta Marcos ang pagmamalaki at …

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

Brazil nanaig vs Netherlands sa VNL Week 3

PASAY CITY – Bumangon ang Brazil mula sa first-set loss para talunin ang Netherlands sa …

Team Seirin JCI Senate Lipa Open Rapid chess

Team Seirin dinala ni Cu sa tagumpay

Lipa City, Batangas — Nanguna ang Team Seirin sa open division ng JCI Senate Lipa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *