Friday , November 22 2024

Sports

Happy Birthday Jun Magpayo

SI Amir Khan na nga ba ang mapalad na boksingero na makakaharap ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod nitong laban sa May? Ayon sa takbo ng mga pangyayari, mukhang si Khan na nga ang makakalaban ni Floyd. Kamakailan lang ay putok sa lahat ng boxing websites sa internet na humihiling ng isang rematch si Adrien Broner kay Marcos Maidana na …

Read More »

PBA binatikos ng opisyal ng FIBA Asia

ISANG opisyal ng FIBA Asia ang nagpasaring sa Philippine Basketball Association tungkol sa hindi pag-aksyon tungkol sa paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup sa Espanya sa Agosto ng taong ito. Ayon kay Magesh Mageshwaran na nagsisilibing Head of Communications ng FIBA Asia, dapat ay kanselahin na lang ng PBA ang Governors’ Cup para may sapat na panahon …

Read More »

Parks ‘di pa sigurado sa NU

WALA pang pahayag si Bobby Ray Parks kung lalaro pa rin siya sa National University sa darating na UAAP Season 77. Sinabi ng board representative ng NU na si Nilo Ocampo na hindi pa niya kinakausap si Parks tungkol dito. “That is a big question. I honestly don’t know. He is graduating but I don’t know what his plans are. …

Read More »

James lupaypay kay Anthony

MULING bumanat si Carmelo Anthony upang buhatin ang New York Knicks sa 102-92 panalo kontra two-time defending champions Miami Heat kahapon sa 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season. Kumana ng 29 puntos, walong rebounds at limang assists si 2003 first round third pick Anthony para itarak ang three-game winning streak at ipinta ang 13-22 win-loss slate. Si Raymond Felton …

Read More »

Magsanoc assistant coach ng Ateneo

ISINAMA na ni Ateneo coach Bo Perasol si Ronnie Magsanoc bilang bagong assistant coach ng mga Agila para sa UAAP men’s basketball Season 77. Makakasama ni Magsanoc ang dating coach ng UP Maroons na si Ricky Dandan na sinibak ng huli at pinalitan ni Rey Madrid. “I am still trying to observe how I can fit in,” wika ni Magsanoc …

Read More »

TNT kontra RoS

SISIKAPIN ng Rain or Shine na makaganti sa Talk N Text upang mapahaba ang winning streak at manatili sa ikalawang puwesto sa kanilang pagtatagpo sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 5:45 pm sa  Mall of Asia Arena sa Pasay City . Pagbawi din ang pakay ng Air 21 sa SanMig Coffee sa 3:45 pm opener at ito’y upang hindi …

Read More »

Petron, TNT llamado sa laban

KAPWA pinapaboran ang Talk N Text at Petron Blaze na makaulit kontra magkahwalay na kalaban sa double header ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Makakatagpo ng defending champion na Tropang Texters ang Air 21 sa ganap na 5:45 pm at magtutunggali ang Boosters at Barako Bull sa ganap na 8 pm. Kapwa …

Read More »

Hindi pa tuluyang nasunog ang tulay

SO talagang natuldukan na ang chapter ng buhay ni Danilo Ildefonso sa Petron Blaze o San Miguel Corporation nang lumipat siya sa Meralco Bolts. Well, okay na rin iyon dahil sa nabigyan ng huling pagkakataon ang two-time Most Valuable Player na maipakitang mayroon pa siyang maibubuga. Marahil ang nangyaring hindi nila pagkakaunawaan ng SMC group ay magsilbing isang hamon sa …

Read More »

2 pang jockeys iimbestigahan ng PHILRACOM

Dalawa pang hinete ang ipinatawag ng Philippine Racing Commission (Philracom) dahil sa pagiging unprofessional matapos abandonahin ang kanilang mga sakay noong Disyembre 29, 2013. Bukod kina Jockey Jonathan B. Hernandez, at Jeff Zarate, kabilang sa pinatawag sina Kevin Abobo at Fernando M. Raquel Jr. na pawang mga class A jockey. Ayon kay Commissioner Jesus B. Cantos, ipinatawag niya ang mga …

Read More »

Fajardo ‘di agad makalalaro — Abanilla

HINDI masasabi ni Petron Blaze coach Gee Abanilla kung kailan talaga babalik sa court ang sentro ng Boosters na si Junmar Fajardo. Sinabi ni Abanila na magiging dahan-dahan ang paggaling ni Fajardo mula sa kanyang pilay sa tuhod. “Hindi pa natin masabi kung kailan,” wika ni Abanilla. “He’s still day to day. His capacity to practice will depend on his …

Read More »

Ok lang kung ‘di ako kasama sa World Cup — David

WALANG problema para kay Gary David kung hindi siya isasama ni coach Chot Reyes sa lineup ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA World Cup sa Espanya ngayong Agosto ng Bagong Taong 2014. May opsyon kasi si Reyes na baguhin ang lineup ng Gilas para mapasok ang maraming magagaling na manlalaro mula sa PBA. “Ready naman ako sa ganun,” wika …

Read More »

Nasa ayre ang puwersa ng Ginebra

TANGGAP na rin marahil ng mga dating Most Valuable Player awardees na sina mark Caguioa at Jayjay Heltebrand na hindi na sila ang main men ng Barangay Ginebra San Miguel sa kasalukuyang season ng Philippne Basketball Association. Umikot na ang gulong at ang focal point ng Gin Kings ay ang twin tower combination nina Japhet Aguilar at Gregory Slaughter. Hindi …

Read More »

Drama sa Barangay Lico

KALIMITAN, magkasangga ang Barangay at Pulis sa pagpapatino ng isang komunidad. Pero dito sa amin sa Barangay Lico, sakop ng District 2, iba ang nangyari noong Enero 2.   Medyo naging ASTIG itong pulis na si Elmer Cruz. Madaling araw nang gisingin ang inyong lingkod ni Kagawad Zaldy Vicencio dahil umano’y minura siya ng isang pulis na nagngangalang Elmer Cruz. Ayon …

Read More »

Taon ng kabayo papasok ang suwerte

Maganda ang naging salubong ng 2014 sa ating mga klasmeyts, dahil bago pumasok ang taon ay nakatama ang nakararami sa huling pakarera ng nakaraang taon. Kaya ngayong taon ng kabayo ay papasok ang suwerte sa ating mga karerista. Pero siyempre ay nariyan pa rin ang ating pormula na lamangan ang pagtuon sa pangalan ng mga koneksiyon kaysa sa kabayong tatayaan, …

Read More »

P225-Milyon ang  itinaas ng benta sa 2013 Hindi naging balakid ang mga pagsubok na kinaharap ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni Chairman Angel L. Castaño at sa tulong ng kanyang board of directors, umakyat ang benta ng karera sa nakaraang taon 2013. Nakalululang P225-Milyon ang kinita sa kabila ng mga naganap na  bagyo, ang pagbubukas ng Metro Manila …

Read More »

RoS Llamado vs SanMig

PINAPABORAN ang Rain Or Shine na makaulit kontra SanMig Cffee sa kanilang rebanse sa PLDT myDSL PBA PHilippine Cup mamayang 5:15 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Halos parehas naman ang laban sa pagitan ng Globalport at Barako Bull sa unang laro sa ganap na 3 pm. Naungusan ng Elasto Painters ang Mixers, 86-83 sa kanilang unang …

Read More »

Pingris sisikaping makalaro ngayon

MALAKING dahilan ang pilay ni Marc Pingris sa pagkatalo ng San Mig Coffee kontra Alaska noong isang gabi sa PBA MyDSL Philippine Cup. Namaga ang kanang tuhod ni Pingris kaya hindi siya naglaro at hindi nahirapan ang Aces na tambakan ang Coffee Mixers, 88-75. “Namamaga yung tuhod ko, hindi ko alam saan galing. Nakita sa MRI may maga sa tuhod,” …

Read More »

Thunder kinoryente ang Bobcats

SINABI ni Kevin Durant na hindi niya kayang ipanalo ang Oklahoma City Thunder ng nag-iisa. Ayon pa sa star player Durant na kailangan nito ng makakatulong dahil may injury na naman si All-Star member Russell Westbrook. ‘’I need Reggie Jackson. I need Serge Ibaka. I need Kendrick Perkins. I’m not afraid to say that,’’ sambit ni Durant. ‘’I need to …

Read More »

Paragua kampeon sa Gokak Blitz Chess for a Cause

MANILA, Philippines—IDINAGDAG ni Grandmaster (GM) Mark Paragua ang “Chess for a Cause”: 6th Gathering of Knights and Kings Inc ( GOKAK) blitz chess tournament sa kanyang growing list of victories matapos talunin ng former Filipino child prodigy mula Quezon City  si National Master (NM) Alcon John Datu ng Caloocan City sa fifth at final round nitong Biyernes na ginanap sa …

Read More »

Sino ang tatanghaling Juvenile Champion?

Ito ang sasagutin ngayong araw sa pag-alagwa ng 2013 Philracom Juvenile Championship na gaganapin sa bakuran ng Metro Manila Turf Club, sa Malvar, Batangas. Magsusukatan ng bilis at lakas ng hininga ang 14 na kalahok na 2 year old na mananakbong lokal sa 1,600 meter na karera mula sa matigas na pista ng MMTC. Maglalaban-laban ang limang fillies at 9 …

Read More »

Taon ng tagumpay at pagkakaisa (2013 Basketball Yearender)

PARA sa sambayanang Pilipino na mahilig sa basketball, masasabi nating ang 2013 ay isang taong punum-puno ng magandang alaala. At ang pinakamagandang alaala ng taong malapit nang matapos ay ang pagratsada ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Championships na dito pa sa ating bansa ginanap noong Agosto. Sa ilalim ni coach Chot Reyes at sa pangunguna ng mga pangunahing manlalaro …

Read More »

Urbiztondo pakakawalan ng Ginebra

BALAK ng Barangay Ginebra San Miguel na pakawalan na ang back up point guard na si Josh Urbiztondo. Isang source ng Gin Kings ang nagsabing ipapasa  nila si Urbiztondo sa Air21 na kailangan ng point guard para makatulong si Wynne Arboleda. Marami nang mga point guards ang Ginebra tulad nina LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Emman Monfort kaya kailangan nilang …

Read More »

Air21 papasok sa trade

DESIDIDO si Air21 head coach Franz Pumaren na palakasin ang kanyang koponan sa pagpasok ng Bagong Taon. Ibinunyag ni Pumaren ang plano niyang gawin ang ilang mga trades upang tulungan ang Express na makahabol pa sa huling puwesto sa quarterfinals ng PBA MyDSL Philippine Cup. Sa ngayon ay may dalawang panalo at walong talo ang tropa ni Pumaren sa torneo …

Read More »

Bata tutumbok sa Ynares 10-ball

SASARGO si Filipino cue master Efren “The Magician” Reyes ngayong araw sa magaganap na Mayor Boyet Ynares men’s 10-ball billiards championship sa Binangonan Recreation and Conference Center sa Binangonan, Rizal. Makakatumbukan ni Reyes na kilala rin sa tawag na “Bata” si Victor Arpilleda sa event  na ayon kay tournament director Ramon Mistica ay layunin na mai-promote ang billiards sa grassroots-level …

Read More »