Wednesday , January 19 2022

NLEX itinapon si Yeo sa Ginebra

PORMAL na nagsimula ang North Luzon Expressway (NLEX) ang paghahanda nito para maging maganda ang unang season nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Itinapon na ng Road Warriors si Joseph Yeo sa Barangay Ginebra San Miguel kapalit ng isang first round draft pick sa taong 2015.

Bukod dito, nakuha ng NLEX ang isang first round draft pick ng San Miguel Beer sa 2015 kapalit ng isang first round draft pick sa 2016.

Aprubado na ng PBA Commissioner’s Office ang dalawang trade deals na ito kung saan tatlong picks ang nakuha ng Road Warriors sa susunod na PBA draft.

Inaasahang makukuha ng NLEX ang isang magandang draft pick sa susunod na taon tulad nina Kiefer Ravena, Jeron Teng o Kevin Ferrer.

Nakuha ng NLEX ang prangkisa ng Air21 kamakailan lang.

Inaayos na rin ngayon ng Road Warriors ang mga kontrata ng ilang mga manlalaro tulad nina Asi Taulava, Sean Anthony, Mac Cardona at Aldrech Ramos.

Si Boyet Fernandez ay magiging coach ng NLEX sa pagsabak nito sa PBA.

Sa panig ng Ginebra, lalong lalakas ang opensa ng Kings dahil sa pagdating ni Yeo na nag-average ng 12.4 puntos, 4.1 rebounds at 4.3 assists bawat laro para sa Air21 noong huling PBA season.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Mayweather umamin walang babaeng pinakasalan

ISA sa pinakamagaling na boksingero si Floyd Mayweather sa mundo ng boksing sa lahat ng …

Sen. Pimentel Thanksgiving Online Chess Tournament

PABORITO sa laban sina International Master Barlo Nadera ng Mandaue City, International Master Ricardo De …

Terrence Romeo Beatrice Pia White

Terrence Romeo unfair na makaladkad sa kaso ng dating asawang si White

HATAWANni Ed de Leon EWAN kung bakit pinalalabas pang animo blind item ang pagkaka-aresto sa …

Dennis Orcollo

Dennis Orcollo na-deport mula sa US

IPINATAPON ng Estados Unidos ang isa sa pinakamagaling  na manlalaro ng bilyar sa Filipinas na …

EJ Obiena PATAFA

EJ Obiena magsasampa ng kaso sa mga nanira sa kanyang ina

NAGHAHANDA ang legal team ni pole vaulter EJ Obiena para linisin ang kanyang pangalan at …

Leave a Reply