Wednesday , July 24 2024

Austria inalok maging coach ng SMB

KINOMPIRMA ng isang source mula sa kampo ng San Miguel Corporation na si Leo Austria ay pangunahing kandidato para maging bagong coach ng San Miguel Beer sa PBA.

Sinabi ng source na may karanasan na si Austria sa paghawak ng Beermen sa ASEAN Basketball League kung saan sila’y nagkampeon noong isang taon.

Inaasahang papalitan ni Austria si Biboy Ravanes na babalik bilang assistant coach habang magiging consultant na lang ang first assistant ng Beermen na si Todd Purves.

Kahit malakas ang lineup ng Beermen sa pangunguna ng 2014 PBA MVP na si Junmar Fajardo ay hindi sila umabot sa semifinals sa lahat ng tatlong torneo sa huling PBA season.

Dating coach si Austria ng Welcoat at Shell sa PBA at ang Adamson University sa UAAP.

Sa ngayon ay nagsisilbi si Austria bilang assistant athletic director ng Ateneo de Manila University.           (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

PBA draft 2024 Justine Baltazar

Justin Baltazar, no.1 pick sa PBA Season 49 Draft

PINILI ng Converge Fiberxers team si Justine Baltazar, 27 anyos, 6-foot-9 UAAP Champion noong 2016, …

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

Shakey’s Super League National Invitational inilunsad

INIHAYAG ni Vicente L. Gregorio, Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. (SPAVI) President/CEO (may mikropono) ang …

Tristan Jared Cervero Chess

Cervero naghari sa Marikina chess tournament

Marikina City — Naghari si Tristan Jared Cervero, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Ateneo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *