Saturday , January 11 2025

News

5-M Katoliko bubuhos sa Luneta sa misa ni Pope Francis

INAASAHANG aabot sa 5 milyong Filipino Catholic ang dadagsa sa misa ni Pope Francis sa Luneta sa kanyang pagbisita sa Enero. Sinabi ni Fr. Emmanuel “Nono” Alfonso SJ, ganito karami ang dumalo sa World Youth Day noong 1995. Ang misa sa Luneta ang huli sa tatlong misa na pangungunahan ni Pope Francis sa bansa. Sa pagbisita niya sa Leyte, tinatayang …

Read More »

Probe vs RAC sa Maynila iniutos ng DSWD (Sa ulat na malnutrition)

PAIIMBESTIGAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kondisyon sa Reception and Action Center (RAC) sa Maynila makaraan kumalat sa social media ang retrato ng isang sobrang malnourished na hubo’t hubad na batang lalaki sa loob ng pasi-lidad. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., isang fact-finding team ang binuo at inatasan ni DSWD Secretary Corazon Soliman para …

Read More »

‘Imposibleng mandaya sa PCOS’ — Macalintal

07PINASUBALIAN ng pangunahing election lawyer na si Romulo Macalintal ang mga haka-haka na maaaring gamitin sa malawakang pandaraya ang may 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines sa halalaan sa 2016. Tiniyak ni Macalintal na halos imposibleng mangyari ang sabi-sabi na ikinakalat ng ilang nagpakilalang mga “advocates of clean and honest elections” at nagtutulak sa Commission on Elections (Comelec) na …

Read More »

P2-M shabu kompiskado sa bigtime tulak

UMAABOT sa P2 milyong halaga ng shabu ang nakompiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nadakip na bigtime drug pusher sa Guinobatan, Albay kamakalawa. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., umaabot sa 400 gramo ng high grade shabu ang nakompiska sa suspek na si Romeo Nozares Sr., nasa hustong gulang. Nasakote ang suspek sa Brgy. San …

Read More »

‘Outsiders’ sa Veterans Bank, kinuwestiyon ni Montano

KINUWESTIYON ni retired Maj. Gen. Ramon Montano ang pagpayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr. sa maanomalyang pag-iisyu ng shares of stocks sa mga hindi kuwalipikadong indibidwal at pagkakahalal nila sa Board of Directors ng Philippine Veterans Bank (PVB). Nilinaw ni Montano na dapat pangalagaan ni Tetangco ang nakasaad sa batas na tanging ang mga beterano at …

Read More »

Bombay todas sa ambush

PATAY ang isang Indian national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi na umabot nang buhay sa Commonwealth Hospital ang biktimang si Sukhdev Singh, 53, ng Kulambo St., Brgy. 174 Urduja, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang …

Read More »

7-anyos totoy nagbigti?

PALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagbibigti ng isang 7-anyos batang lalaki sa loob ng inuupahang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Hindi nagawang isalba ng mga manggagamot ng Caloocan City Medical Center ang buhay ng biktimang kinilalang si GJ Lance Neil Gamayon, Grade 2 pupil, ng L. Nadurata St., Brgy. 50 ng nasabing lungsod. Base sa imbestigas-yon nina PO2 …

Read More »

Bonus, cash gift, 13th month pay matatanggap na ng gov’t workers (Tiniyak ng DBM)

MATATANGGAP na ng mga kawani ng pamahalaan sa linggong ito ang kanilang year-end bonus, ang last tranche ng kanilang 13th month pay, at cash gift na P5,000, pahayag ng Department of Budget and Management kahapon. Sa ilalim ng Budget Circular 2010-1, ang government personnel ay tatanggap ng year-end bonus katumbas ng isang buwan sahod, gayondin ang cash gift na P5,000, …

Read More »

Mag-utol kinatay ng secret lover ni nanay

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang batang magkapatid ng isang lalaking sinabing secret lover ng kanilang ina sa Rizal, Laguna kamakalawa. Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP), pasado 2 a.m. nitong Sabado nang puntahan ng suspek na kinilalang si Allan Ted Aquino ang mga biktimang natutulog noon sa kanilang bahay. Pinagsasaksak ni Aquino hanggang mapa-tay ang magkapatid na …

Read More »

7-anyos kritikal sa boga ng senglot

Agaw-buhay sa pagamutan ang isang 7-anyos batang lalaki makaraan barilin ng isang lasing sa Lucena City, Quezon kamakalawa. Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa impluwensiya ng alak ang 40-anyos suspek nang biglang paputukan ang bata sa kanang dibdib. Makaraan ang pang-yayari, agad tumakas ang suspek bitbit ang improvised air soft gun na ginamit sa krimen. Patuloy na ginagamot ang biktima …

Read More »

Amang sumunog sa anak, nagbigti

NAGBIGTI ang suspek sa tangkang pagsunog sa kanyang 11-anyos anak na babae sa Manila South Cemetery nitong Martes. Kinompirma ni Dr. Jess Sison, Director ng Santa Ana Hospital, hindi na umabot nang buhay sa kanilang pagamutan ang 39-anyos suspek na si Emmanuel Santos. Isinugod si Santos sa ospital ng mga kawani ng sementeryo nang makitang nakabigti sa isang musoleo, pasado …

Read More »

Eskedyul ni Pope Francis inilatag na

INILATAG na ng Vatican sa pamamagitan ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa Filipinas, ang opisyal at detalyadong mga aktibidad ni Pope Francis sa pagbisita niya sa bansa mula Enero 15 hanggang 19, 2015. Humarap sa isang press conference nitong Biyernes ng gabi ang mga opisyal ng Simbahan sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle kasama rin sina …

Read More »

Fiscal tiklo sa extortion

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang piskal na sinasabing nangikil ng pera sa isang abogado na may hawak ng kasong nakabinbin sa kanyang tanggapan. Kinilala ang suspek na si Assistant City Prosecutor Raul Desembrana ng Quezon City Prosecutors Office. Pasado 11 a.m. kahapon sa loob ng isang restaurant sa Quezon Memorial Circle nang madakip ng …

Read More »

Peacekeeper na nilagnat positibo sa malaria (Negatibo sa Ebola)

NEGATIBO sa Ebola virus ang Filipino peacekeeper galing Liberia na nagkaroon ng lagnat habang naka-quarantine sa Caballo island. Sinabi ni Health Acting Secretary Janette Garin, nagpositibo sa malaria ang nasabing peacekeeper. Tiniyak ni Garin, masusi ang ginawang pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) upang matiyak kung ano ang sakit ng peacekeeper at wala siyang Ebola virus. Sa ngayon …

Read More »

Bagong silang na baka iisa tenga

GENERAL SANTOS CITY – Pinagkakaguluhan ng mga residente sa Park. 8, Tinagacan, General Santos ang bagong silang na baka na iisa lamang ang tenga. Ayon kay Maria Corazon Hinayon, noong isang araw ay nanganak ang kanilang alagang baka ngunit laking gulat nila kinaumagahan nang makita na isa lamang ang tenga ng anak ng baka. Aniya, walang kanan na tenga ang …

Read More »

2 pulis utas sa pagsilbi ng search warrant

CEBU CITY – Patay ang dalawang pulis makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang nagsisilbi ng search warrant sa Moalboal, Cebu. Ang mga biktima ay kinilalang sina PO3 Fabi Fernandez, 53; at PO1 Alrazid Gimlani, pawang mga miyembro ng Moalboal Police Station. Ayon kay PO3 Ramon Tsinel, dakong 8 p.m. kamakalawa nang hinalughog ng Moalboal pulis ang bahay ni …

Read More »

Tsunami alert sa PH itinanggi ng Phivolcs

ITINANGGI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na may banta ng tsunami sa alin mang bahagi ng Filipinas kasunod ng magnitude 7.1 lindol na tumama sa Indonesia. Bago ito, mismong ang Phivolcs ang nagbalita ng tsunami warning na itinaas ng Pacific Tsunami Warning Center kaya pinayuhan ang mga nakatira sa eastern seabord ng bansa partikular sa Mindanao, na …

Read More »

11-anyos nene sinilaban ng tatay na adik (Binuhusan muna ng thinner)

NALAPNOS ang katawan ng 11-anyos batang babae makaraan buhusan ng thinner at silaban ng ama habang natutulog sa kanilang bahay sa loob ng Manila South Cemetery sa Makati City. Kwento ng pinsan ng biktima, bumisita ang bata sa amang nakatira sa loob ng sementeryo ngunit habang natutulog ay binuhusan siya ng thinner saka sinilaban. Naapula ng pinsan ang apoy ngunit …

Read More »

Mag-utol na paslit patay sa Pasig fire

PATAY ang magkapatid na paslit nang matupok ng apoy ang bahay ng pamilya Alvarez sa Brgy. Kalawaan, Pasig City kahapon. Pagkalanghap ng usok ang ikinamatay ng 5-anyos na si Arlene at kapatid na si Richie Anne, 4. Ayon sa Pasig City Fire Station, natagpuang wala nang buhay ang dalawang bata makaraan ang 15 minutong sunog. Ayon kay Brgy. Kalawaan Sec. …

Read More »

P10-M thinner, pintura natupok sa Valenzuela

PUSPUSAN ang pag-aapula ng apoy ng mga bombero sa nasusunog na imbakan ng mga pintura at iba pang mga kemikal sa Pearl Island Phase II, Brgy. Punturin, Valenzuela City. (RIC ROLDAN) AABOT sa mahigit P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy nang masunong ang isang warehouse kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City. Naabo ang malaking bahagi ng …

Read More »

Trigger happy, 2 araw nagtago sa imburnal, arestado (Killer ng salon manager at taxi driver sa QC)

NAARESTO na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang trigger happy na dalawang nagtago sa imburnal ng isang kilalang subdivision na pumaslang sa salon manager at taxi driver nitong Miyerkoles sa Fairview. Inihayag ni Sr. Supt. Joel D. Pagdilao, QCPD Director, ang pagkakadakip kay Larry Benuya, 38, ng Brgy. Minabuyok, Nueva Ecija sa isang pulong balitaan kahapon. …

Read More »

Sit-down strike ng titsers inismol ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang inilunsad na ‘sit-down strike’ ng public school teachers para sa umento ng kanilang sahod kahapon. Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, hindi pwedeng ang sektor lang ng mga guro sa pampublikong paaralan ang bibigyan ng dagdag na sahod o ituring na espesyal kompara sa ibang mga obrero sa gobyerno. Dagdag niya, maliban sa ang pagtaas sa …

Read More »

Traffic enforcer itinumba sa Maynila

BLANKO pa ang mga imbestigador sa motibo ng pagpaslang kay PO3 Ronald Flores, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU). Si Flores ay pinagbabaril habang nakatayo sa tapat ng isang lodging house sa Legarda St., malapit sa kanto ng C.M. Recto, Sampaloc, Maynila. (ALEX MENDOZA)   AGAD binawian ng buhay ang isang pulis makaraan pagbabarilin sa kanto ng …

Read More »

Mexican president ipinasalubong kay Kris Aquino

SINALUBONG ni Presidential sister Kris Aquino si Mexican President Enrique Peña Nieto nang lumapag ang sinasakyan niyang eroplano sa Villamor Airbase. Nanatili ang pangulo ng dalawang oras para magkarga ng langis sa kanilang eroplano bago tumulak pa-Australia para dumalo sa G20 Summit. Si Kris ang inatasan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na mag-asikaso sa Pangulo ng Mexico dahil nasa …

Read More »

Union prexy ng JAC Liner arestado sa shabu (Tulak ng droga sa drivers?)

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drug (QCPD) ang terminal master at presidente ng JAC Liner’s Drivers and Conductors Union, sa drug bust operation kahapon ng hapon sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Sr. Supt. Joel Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang nadakip na si Noel Falorina, terminal master ng JAC Liner sa EDSA, Brgy. …

Read More »