Tuesday , November 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis patay, anak kritikal sa saksak ng erpat

BACOLOD CITY – Patay ang isang misis habang kritikal ang kondisyon ng 9-buwan gulang na sanggol makaraan saksakin ng padre de pamilya dakong 6:45 a.m. kahapon sa kanilang bahay sa Sitio Paradise, Brgy. Rizal, Lungsod ng Silay, Negros Occidental.

Binawian ng buhay bunsod ng saksak sa kaliwang dibdib at kaliwang kamay ang biktimang kinilalang si Sakura Hanna Jimenea, 20, sinaksak ng kanyang mister na si Ed Agustin Ortilla, 21-anyos.

Agad isinailalim sa operasyon ang sanggol dahil lumuwa ang bituka makaraan saksakin ng ama sa tiyan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Silay City Police Station, nagalit ang mister dahil nagseselos kaya agad sinaksak ang kanyang misis pati ang kanilang walang muwang na sanggol na lalaki.

Sinasabing nasa impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek nang mangyari ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw

Check Also

Zaldy Co Goitia

Goitia sa mga Pahayag ni Zaldy Co: “Part 2 na, Wala Pa Ring Matibay na Ebidensya”

Ang ikalawang video ni Rep. Zaldy Co ay halatang idinisenyo upang makalikha muli ng ingay. …

FPJ Youth 4000 biktima bagyong Uwan

Sa kanilang 2-relief drive
FPJ Youth namahagi ng mainit na pagkain sa 4,000 biktima ng bagyong Uwan

NAGHATID ang FPJ Youth ng mainit na pagkain sa mahigit 4,000 indibiduwal sa walong probinsiya …

DOST DICT FMOGH

Cybersecurity Essentials Workshop for First Misamis Oriental General Hospital

#YourDICTRegionX continues to champion a cyber-secure Northern Mindanao! On October 16, 2025, the DICT Region …

DOST RIC Citronella

Citronella Convention Culminates with a Call for Collaboration and Action

LAL-LO, CAGAYAN — The 1st Regional Citronella Convention held in Lal-lo, Cagayan concluded on a …

Vince Dizon PBBM Zaldy Co Ping Lacson

Akusasyon ni Co vs PBBM imposible — Lacson, Dizon

TINAWAG na imposible nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Department of Public Works and Highways …