NAGA CITY – Hindi na makaga-graduate ang isang estudyante nang mamatay sa freak accident habang pauwi mula sa dinaluhang JS Prom sa Libmanan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Jasmine Augusto, 16-anyos. Ayon kay PO2 Emirose Organes, pasado 1:50 a.m. nang makauwi mula sa JS Prom sa Naga City si Augusto kasama ang 16-anyos kaklaseng si Bernadette Abainza. Minabuti …
Read More »Pemberton tumangging magpasok ng plea (Sa murder vs Laude)
TUMANGGI si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton na magpasok ng ano mang plea sa kinakaharap na kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude. Sa kanyang arraignment nitong Lunes ng umaga sa Olongapo Regional Trial Court (RTC), ang korte na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa Amerikanong sundalo. Nang makapanayam ng media ang …
Read More »Kidapawan City red alert vs BIFF
NAKATAAS sa red alert status ng Kidapawan City, Cotabato province dahil sa banta ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang red alert ang pinakamataas na security alert status sa military at police. Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagbanta ang BIFF na maglulunsad sila ng pag-atake sa Kidapawan dahil humingi ng tulong si Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa Moro Islamic …
Read More »3 patay, 11 sugatan sa sumabog na landmine
KORONADAL CITY – Tatlo ang patay makaraan pangha-harass ng grupong New People’s Army (NPA) sa isang detachment na sinundan nang pagpapasabog ng landmine dakong 2 p.m. kamakalawa sa Sitio Datalbiao, Brgy. Danlag, Tampakan. Kinilala ang mga namatay na sina Pfc. Arnel Inonaria at Cpl. Mark Casipe, kapwa mga miyembro ng 27th Infanrtry Battalion ng Philippine Army, at ang CAFGU na …
Read More »Cancer patient namatay sa ere
ISANG 35-anyos babae na sinabing cancer patient ang namatay habang lulan ng eroplano pabalik sa Maynila mula Osaka, Japan, iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) kahapon. Kinilala ang pasahero na si Loida Barrantes Miyaoka, natagpuang walang buhay sa dulo ng upuan ng Jetstar flight 3K764, ng flight attendants nitong Linggo ng hapon. Ang pasyente ay nagpunta sa Japan para …
Read More »OFW mula China pumanaw sa bird flu – DOH
ISANG Filipino mula sa China ang namatay nitong Pebrero 14 dahil sa hinihinalang Avian flu o bird flu. Sa pahayag na inilabas nitong Lunes ng hapon, inianunsyo ng Department of Health (DoH) na Pebrero 9 nang dumating sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na anim taon nang nagtatrabaho sa China. Nang sumunod na araw, nagkaroon siya ng ubo, lagnat, …
Read More »Overpriced P70B-LRT Cavitex ipatitigil sa SC
ISA na namang proyekto ng administrasyon ang nanganganib na hindi matuloy dahil sa anomalya. Isang petisyon ngayon ang humihiling sa Korte Suprema na ipahinto ang nakatakdang pagpapatayo ng P70-bilyong Cavite Extension (CavitEx) Project na nakapaloob sa kontratang pinasok ng gobyerno at ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) noong Oktubre lamang. Hinihingi sa Kataastaasang Hukuman ng nasabing petisyon ang isang temporary …
Read More »DTR dinoktor ng 2 BI official sa Clark (Pinakakasuhan sa Ombudsman)
HINILING ng concerned employees ng Bureau of Immigration (BI) kay Ombudsman Conchita Carpio Morales na imbestigahan at kasuhan ang dalawang opisyal ng Bureau of Immigration sa Clark International Airport, Clark Free Port Zone, Pampanga, bunsod ng pagdoktor sa daily time records. Batay sa inihain ng reklamo ng ilang mga empleyado ng BI, kinilala ang mga inireklamo na sina Ma. Angelica …
Read More »Pasimuno ng ‘Oust PNoy’ ‘di sasantuhin (Banta ng Palasyo)
NAGBABALA ang Palasyo na hindi sasantuhin ang mga nagpapakana nang pagpapatalsik sa administrasyong Aquino para palitan ng transition government bunsod ng Mamasapano incident. Ipinamahagi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. ang kalatas ni Justice Secretary Leila de Lima na tumalakay sa mga isasampang kaso laban sa mga pasimuno ng National Transformation Council (NTC), gaya ni dating National Security Adviser Norberto …
Read More »MR sa DQ reso pabor kay Erap inihain ng Atty ni Lim
NAGHARAP ng motion for reconsideration (MR) ang abogado ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim kung saan hinihiling nito sa Korte Suprema na baguhin ang desisyon nitong pag-dismiss sa disqualification case ni dating Pangulong Joseph Estrada. Si Lim ay intervenor sa disqualification case na isinampa kay Estrada ng abogadang si Alicia Risos-Vidal. Sa isang 43-pahinang MR, tatlong basehan ang binanggit …
Read More »7 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa EDSA
PITONG pasahero ang sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa EDSA southbound, ilalim ng MRT Ortigas Station, bago mag-5 a.m. kahapon. Sangkot ang mga bus na mula sa Nova at Roval bus companies. Reklamo ng mga nasugatan, biglang huminto ang Nova bus sa ilalim ng MRT station kaya bumangga ang nakabuntot na Roval bus na matulin din ang takbo bago …
Read More »P23-M ng 6/42 lotto napanalunan ng taga E. Samar
MAIUUWI ng isang lotto bettor ang P23,683,644 jackpot prize ng 6/42 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ayon kay PCSO head Ferdinand Rojas II, nakuha ng maswerteng mananaya mula sa Borongan, Eastern Samar ang number combination na 27-13-10-26-02-41. Nabatid na nakuha ang naturang numero sa pamamagitan lamang ng lucky pick. Samantala, ang 6/55 Grand Lotto na may P31 million …
Read More »1 week protest vs PNoy nagsimula na
NAGSIMULA na kahapon ang isang linggong pagtitipon ng iba’t ibang grupong nananawagan sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III. Bandang 12 p.m. nang mag-umpisa ang programa ng EDSA II Beinte Dos (2.22.15) Coalition ng 60 nagsanib-pwersang civil society groups, sa isang improvised stage gamit ang isang 10-wheeler truck sa ilalim ng Ortigas Flyover northbound. Ito’y makaraan mabigo ang …
Read More »Lola ni Pacquiao pumanaw na
NAGLULUKSA ang pamilya ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao dahil sa pagpanaw ng lola niya sa General Santos City. Miyerkoles, Pebrero 18, nang pumanaw si Cristina Dapidpiran, ang ina ni Mommy Dionesia Pacquiao, sa edad na 92 dahil sa pulmonya. Dagsa na ang mga nakikiramay sa pamilya habang hinihintay pa ang pagdating doon ng Filipino boxing icon. Matatandaan, sumabak pa si …
Read More »Lider na hindi magnanakaw kailangan ng PH
IDINIIN ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) na kailangan ng Filipinas ang isang lider na may kakayahang disiplinahin ang pulisya at militar at hindi kailanman nasangkot sa pagnanakaw. Ayon sa grupong nanawagan din sa sambayanan, sundin ang kahilingan ni Pope Francis na iwaksi ang mga lider na nasangkot sa pangungurakot at pagnanakaw, panahon na upang magkaroon tayo ng lider …
Read More »Brownout 2-oras sa Luzon at Visaya (Kahit magtaas ng singil)
MAKARARANAS ng init sa Luzon at Visayas dahil sa nagbabadyang 2-hour rotating brownout bukod sa napipintong taas-singil sa koryente. Inihayag ni Department of Energy (DoE) Secretary Jericho Petilla, posibleng mangyari ito sa summer dahil ang buwan ng Marso at Abril ang itinuturing na critical months. Bagama’t target nila ang best case scenario na zero brownout sa summer ay hindi maiiwasang …
Read More »Apo ni Abalos, kaibigan pinatay ng dyowa
NATAGPUANG patay ang dalawang babae sa loob ng kanilang inuupahang bahay sa Angeles City, Pampanga. Kapwa ginilitan ang mga biktimang sina Ely Rose Abalos at Princess Ellaine Costales, parehong estudyante. Kinompirma ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan na si Ely Rose ay apo ni dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos. Dating kasintahan ni Ely Rose ang suspek na …
Read More »Armas ng SAF ibinalik ng MILF
BILANG pagtupad sa pangako sa Senado, ibinalik na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kinuhang armas mula sa naka-enkwentrong mga miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano. Sa joint press conference sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kahapon ng umaga, iprinesenta ng MILF peace panel ang mga narekober na baril sa Government of the …
Read More »Playground niratrat (Vendor patay, 1 pa sugatan)
PATAY ang isang vendor habang nilalapatan ng lunas sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang isang tinedyer makaraan paulanan ng bala ng hindi nakilalang lalaki ang isang public playground sa Baseco Compound, Tondo, Maynila kamakalawa Kinilala ni PO2 Dennis Turla ng MPD Homicide Section, ang biktimang namatay na si Louie Adion, 43, ng Block 15, Baseco, Compond, habang isinugod sa pagamutan si Christopher …
Read More »Pangasinan mayor sinibak sa dual citizenship
DAGUPAN CITY – Iniutos ng Second Division ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggal sa puwesto kay Basista Pangasinan Mayor Manolito de Leon makaraan aprobahan ang kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) niya sa pagtakbo sa puwesto noong 2013 dahil sa pagiging American citizen. Sa resolusyong ipinalabas noong Enero 27, inihayag ng Comelec na si De Leon ay diskwalipikado at …
Read More »21 Pinoy nasagip sa sumadsad na barko sa Greece
ATHENS – Nasagip ang 22 tripulante ng Cyprus-flagged bulk carrier na sumadsad sa isang isla ng Greece. Ang mga tripulante ng MV Good Faith ay kinabibilangan ng 21 Filipino seafarers at isang Romanian. Ang 11 sa mga crew ay na-rescue sa pamamagitan ng helicopter habang ang iba pa ay tinulungan ng firefighters na makalapit sa dalampasigan. Nakaranas ng malalaking alon …
Read More »Uploader ng video ng Mamasapano lumantad sa NBI
LUMANTAD na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang nag-upload sa Internet ng video na nagpapakita sa malapitang pagbaril sa isang sugatang PNP Special Action Force (SAF) sa Mamamasapano, Maguindanao. Dumating sa tanggapan ng NBI-Region 11 sa Davao City ang lalaking itinago sa pangalang “Yang-yang” dakong 9 a.m. kahapon. Ayon kay NBI Cybercrime Division executive officer Victor Lorenzo, nabatid sa online …
Read More »Totoy naligis ng tren patay, 1 pa kritikal
PATAY ang isang 12 anyos batang lalaki at krtikal ang isa pa makaraan mahagip nang rumaragasang tren habang naglalaro sa Paco, Maynila kahapon. Lasog ang katawan ng biktimang si Boboy Balan, nakatira sa tabing riles, hindi na umabot nang buhay sa Philipines General Hospital. Habang si Stephano Fernandez, 13-anyos, residente ng Brgy. 800, Zone 87, sa Paco, ay kritikal ang …
Read More »Lanao Del Norte vice mayor nagbaril sa sarili (Pinasasagot ng Ombudsman)
CAGAYAN DE ORO CITY – Bunsod nang sobrang pagkabalisa at kalungkutan, nagbaril sa sarili ang isang bise-mayor mula sa bayan ng Maigo, Lanao del Norte kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Elmer Ramos, nasa pangalawang termino na sana bilang vice mayor sa kanilang bayan. Inihayag ni Lanao del Norte Provincial Police Office director, Senior Supt. Madid Paitao, batay sa inisyal na …
Read More »Palasyo aminado sa US participation sa Oplan Exodus
AMINADO ang Palasyo na may partisipasyon ang Estados Unidos sa Oplan Exodus o operasyon laban kay international terrorist Zulkifli Bin hir alyas Marwan. Sinabi ni Communicastions Secretary Herminio Coloma Jr., ang krimen na kinasasangkutan ni Marwan ay isang transnational crime at ang paglaban dito’y pinagtutulungan ng iba’t ibang bansa, gaya ng US at Filipinas. “Hinanap si Marwan, Marwan is an …
Read More »