This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY ang isang 26 anyos lalaking ex-convict makaraang barilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek habang natutulog sa burol ng patay sa Parola, Compound, Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Raymond Rongcales, miyembro ng ย Batang City Jail, at residente ng Gate 1, Parola Compound, Tondo.
Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang suspek na mabilis na tumakas makaraan ang insidente.
Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, dakong 2:30 a.m. nang maganap ang insidente sa Gate 2 ng Parola Compound.