This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PATAY na nang matagpuan ng kanyang kaanak ang isang 60-anyos barker na hinihinalang inatake sa puso sa Malabon City kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Bernardo Bionas, residente ng 386 Custodio St., Brgy. Santulan ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ni SPO3 Benedicto Zafra, dakong 3 p.m. nang matagpuan ang wala nang buhay na biktima ng kanyang tiyuhin na si Sofronio Castillo, 65-anyos, habang nakahandusay sa tapat ng Victoria’s Commercial Building sa M.H. Del Pilar St., Tatawid Market, Brgy. Panghulo ng nasabing lungsod.
Napag-alaman, matagal nang iniinda ng biktima ang sakit sa puso ngunit kailangan magtrabaho bilang barker upang may makain.