Friday , November 22 2024

News

Star Magic coordinator kritikal sa taxi driver/holdaper

KRITIKAL ang kalagayan ng isang program coordinator ng Star Magic ng ABS CBN Channel 2 makaraan holdapin at saksakin ng taxi driver sa Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Julia Ballesteros, 38-anyos. Habang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3) laban sa suspek …

Read More »

Fallen 44 ipinanghihingi ng donasyon

NAGBABALA ang Palasyo sa publiko laban sa mga pangkat na nangangalap ng donasyon gamit ang Fallen 44. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakatanggap ng impormasyon ang Malacañang na ipinanghihingi ng donasyon ng ilang walang konsensiyang tao ang Fallen 44. Binigyang-diin ni Valte, kumikilos na ang mga awtoridad para ipataw ang nararapat na aksiyon at mapanagot ang mga nanloloko …

Read More »

BIFF ‘di natinag sa all-out offensive ng AFP

HINDI natitinag ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa idineklarang all-out defensive na iniutos ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Gregorio Catapang laban sa kanila. Giit ni BIFF spokesperson Abu Misry Mama, nakahanda sila sa puwersa ng militar. “Para silang mga aso na tahol nang tahol hindi naman kumakagat. Marami na silang sinabi na opensiba, all out …

Read More »

Collateral damage iwasan sa opensiba (Utos ni PNoy sa AFP)

  TINIYAK ng Malacañang na malinaw ang direktiba ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa AFP na pangalagaan ang seguridad ng mga komunidad at iwasan ang pagkakaroon ng collateral damage sa civilian communities habang nagsasagawa ng opensiba laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, mayroon nang na-displace na 3,000 pamilya o katumbas ng humigit-kumulang …

Read More »

Jinggoy bisita sa B-day ni Enrile

DUMALO si Sen. Jinggoy Estrada sa birthday celebration ni Sen. Juan Ponce Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital noong Pebrero 14. Kinompirma ito ng anak ng 91-anyos senador na si dating Congressman Jack Enrile sabay banggit na hindi niya nakita si Sen. Bong Revilla. “I was there and I saw Sen. Jinggoy. I did not see Sen. Bong. …

Read More »

Papa ni Jack bumubuti na

BUMUBUTI na ang kondisyon ni Senador Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center. Ito ang ibinalita ni Jack Enrile sabay banggit na patuloy ang paggagamot sa ama sa sakit na pneumonia. “He’s getting better. His fever is gone for today. He was just checked by his doctors. He’s under massive intravenous antibiotics. That’s to be expected given the level of …

Read More »

62-anyos ina tinangkang halayin ng anak

DETENIDO sa piitan ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ang isang 27-anyos lalaki makaraan tangkaing halayin ang kanyang 62-anyos ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Gumaok Central sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. kamakalawa habang mahimbing na natututog sa kanyang silid ang biktimang si Emily Lozada nang pumasok ang suspek …

Read More »

Dalagita napatay ng 14-anyos tiyuhin

CAUAYAN CITY, Isabela – Tinamaan ng 23 saksak sa katawan ang isang 2nd year high school student makaraan paslangin ng kanyang tiyuhin na kapwa niya 14-anyos sa Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Risa Faye Galiguis, 14, at 2nd year high school sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS), habang ang suspek na itinago …

Read More »

Mister tiklo ni misis sa ibabaw ng anak

DAGUPAN CITY – Labis ang pasasalamat ng 18-anyos dalagita na hindi natuloy ang panghahalay sa kanya ng sariling ama sa bayan ng Bayambang, sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa ng gabi. Ayon sa impormasyon, dakong 10 p.m. nang maalimpungatan ang ina nang mapansing wala na sa tabi niya ang kanyang asawa. Nang imulat ang kanyang mata, nakitang nakakubabaw na ang mister …

Read More »

Mister, kabit ipinakulong ni misis

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki at ang sinasabing kanyang kalaguyo makaraan ireklamo ng kanyang misis sa pulisya sa Lucban, Quezon. Nabatid na dinadala ng 32-anyos mister ang kanyang 23-anyos kalaguyo sa kanilang bahay nang makailang beses kahit naroroon ang tunay niyang misis na si Ana, 27-anyos. Madalas ay doon natutulog ang babae at siyang katabi ni …

Read More »

Roxas, hangad ang maayos na kalagayan ni Enrile

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang paglipat ng 91-anyos na detenidong senador na si Juan Ponce Enrile mula sa Philippine National Police (PNP) General Hospital tungo sa Makati Medical Center kamakalawa ng madaling araw dahil sa pneumonia. “Hangad namin ang kanyang agarang paggaling,” ani Roxas. “Since Tuesday, mayroon siyang high grade fever, 39 degrees. Celsius, kaya …

Read More »

3 suspek sa La Union massacre timbog sa Bulacan

KINOMPIRMA ng Bulacan police, kabilang ang tatlong suspek sa naganap na masaker sa bayan ng Agoo, La Union, sa 70 katao na kanilang naaresto sa police operation sa Brgy. Lumang Bayan sakop ng City of San Jose del Monte kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga naaresto sa kampanya ng pulisya na “Oplan Lambat-Sibat” si Eduardo Gayo, 65, ang dalawa niyang …

Read More »

Riding in tandem sinita, sekyu utas

NAPATAY ang isang security guard makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo na kanyang sinita nang hindi huminto sa main entrance ng subdibisyon sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Antonio Diaz, 39, ng JNB Security Agency, at nakatira sa Lakeview Homes, Putatan, Muntinlupa. Isinugod ang biktima sa Medical …

Read More »

Bebot todas sa tingga

PATAY ang isang babae makaraan barilin ng isa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marielle Jurado, alyas Ella, 34, residente ng Block 10, Pama Sawata, Brgy. 28 ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang tatlong hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Utang ng PH lumobo sa P5.664-T (P2.5-B loan sa France tinanggap ni PNoy)

UMABOT na sa P5.664 trilyon ang utang ng Filipinas makaraan tanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang 50-M euro o P2.5-B loan na inialok ni French President Francois Hollande para ipantustos sa kampanya ng bansa kontra climate change. Kinompirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang 50-M euro loan mula France bilang pondo para …

Read More »

Enrile isinugod sa Makati Med (Umuubong may kasamang dugo)

INILIPAT si Senador Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center dakong 3 a.m. kahapon. Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) chief Generoso Cerbo, batay na rin sa impormasyon mula sa PNP Health Services, kinailangang ilipat ng ospital ang mambabatas mula sa PNP General Hospital dahil sa pneumonia. Binanggit ni Cerbo, may standing resolution ang Sandiganbayan na kung emergency …

Read More »

3 pusakal todas sa CSJDM cops (Sa Oplan Lambat Sibat)

BUMAGSAK na walang buhay ang tatlong lalaking sinasabing sangkot isa iba’t ibang criminal activities, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang inaaresto sa sinalakay na isang bahay sa hangga-nan ng bayan ng Norzagaray at ng Lungsod ng San Jose del Monte, sa Bulacan kahapon. Ang pagsalakay ay isinagawa dakong 5 a.m. bilang bahagi ng ipinatutupad na …

Read More »

16 patay, 35 sugatan sa operasyon vs ASG — AFP

ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga namatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG) habang nasa 35 ang napaulat na sugatan sa sagupaan mula pa kamakalawa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Tanum sa munisipyo ng Patikul sa lalawigan ng Sulu. Ito ay base sa pinakabagong ulat na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) …

Read More »

BIFF target pilayan ng AFP

TARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan. Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. makaraan ilunsad ang all-out war defensive kontra sa armadong grupo. ‘’In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.’’ Partikular na …

Read More »

Misis ni Enzo Pastor swak sa parricide

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DoJ) ang maybahay ng pinatay na car racer na si Enzo Pastor. Sa 13-pahinang resolusyon ng panel of prosecutors, nakakita ng probable cause para kasuhan ng parricide si Dahlia Guererro Pastor, at murder sa negosyanteng si Domingo “Sandy” De Guzman.  Sinasabing may relasyon si De Guzman sa misis ng biktima. Una nang kinasuhan ng DoJ …

Read More »

Buwis ipinaalala ni Kim kay Pacman (Sa mega fight vs Floyd)

IPINAALALA ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kay Manny Pacquiao na iulat sa kanila ang babayarang buwis sa Amerika kaugnay ng nalalapit na megabout kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.  Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), inulit ng BIR chief na dapat magsumite ang Sarangani congressman ng dokumentong authenticated ng Embahada ng Filipinas sa …

Read More »

Resolusyon sa Mamasapano Truth Commission inihain na sa Kamara

PORMAL nang naghain sa Kamara ang ilang mambabatas para sa pagbubuo ng Fact-Finding Commission kaugnay sa Mamasapano incident. Iniakda ang House Bill 5462 nina Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Party-list Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Party-list Rep. AntonioTinio; ANAKPAWIS Party-list Rep. Fernando Hicap, at Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. “Therefore, …

Read More »

P25-M shabu kompiskado sa Cotabato

TINATAYANG aabot sa dalawang kilo ng hininihalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa raid sa Brgy. Ambalgan, Sto. Nino, Cotabato nitong Miyerkoles.  Tinatayang nasa P25 milyon ang street value ng nakuhang droga.  Ngunit nakatakas ang target na si Johnny Mantawil at asawang si Fatima, ilang minuto bago sumalakay ang mga awtoridad sa kanilang bahay.  Narekober din mula sa tahanan …

Read More »

1 patay, 3 sugatan sa jailbreak sa Sarangani

PATAY ang isang preso habang sugatan ang tatlong iba pa sa jailbreak sa Malapatan District Jail sa Sarangani nitong Miyerkoles. Dakong 7:30 p.m. nang agawin ng dalawang trustee prisoner na kinilalang sina Ronald Uppos at Roberto Caratayco ang baril at susi mula kay Jail Officer 1 Sofreme Autor. Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga pulis na naka-estasyon malapit …

Read More »