Wednesday , December 11 2024

PH no. 2 sa ‘most dangerous place’ para sa media (Sa IFJ report)

PINALAGAN ng Malacañang ang ulat ng International Federation of Journalists (IFJ), nagsasabing pumapangalawa ang Filipinas sa Iraq bilang pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Sa nasabing report, lumalabas na mas ligtas pa sa mga journalists ang mga bansang halos araw-araw ay may bombahan o karahasan at mga bansang may ‘restriction’ o pagbabawal sa malayang pamamahayag.

Bukod sa pagpalag, naghugas-kamay din ang Malacañang sa naitalang media killings sa bansa.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, ang mataas na bilang ng patayang naitala sa Filipinas ay galing sa Maguindanao massacre noong 2009.

Ayon kay Coloma, binuwag na ng Aquino administration ang makinarya ng ‘impunity’ o kawalan ng pananagutan sa pamamagitan ng mga reporma at paglilitis sa mga sangkot sa masaker.

Makaraan aniya ang EDSA People Power Revolution, naging bagong ‘bastion’ o balwarte ng kalayaan sa pamamahayag at press freedom ang Filipinas, na walang ipinaiiral na prior restraint o internal security regulations na sagabal sa trabaho ng mga mamamahayag.

“The high number of killings attributed to the Philippines includes those slain in the Maguindanao massacre in 2009. The Aquino administration has dismantled the machinery for impunity by putting in place governance reforms and prosecuting those implicated in the massacre. Since the triumph of the EDSA People Power revolution, the Philippines has become anew a bastion of freedom expression and of the press where there is no prior restraint or internal security regulations that hinder the work of journalists,” ani Coloma.

About Hataw News Team

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *