Wednesday , April 23 2025

Lola binaril ni lolo dahil sa P22K water bill

CEBU CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 66-anyos misis makaraang barilin ng mister niyang 73-anyos kawani ng munisipyo dahil sa malaking bayarin sa tubig kamakalawa.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng kanilang bahay sa Sitio Luknay, Brgy. South Poblacion, bayan ng San Fernando, probinsiya ng Cebu.

Ayon kay SPO1 Francisco Salubre, nangyari ang pag-aaway ng dalawa nang malaman ng suspek na umabot sa P22,000 ang bayarin nila sa tubig.

Dagdag ng pulis, mayroong pinauupahang kuwarto ang mag-asawa at ang biktima ang tumatanggap ng bayad ng mga nangungupahan.

Sinasabing nagalit ang suspek dahil hindi nabayaran ng biktima ang kanilang bayarin at halos maputulan na sila ng suplay ng tubig.

Samantala, itinanggi ng suspek na binaril niya ang kanyang asawa.

Aksidente aniya ang nangyari dahil nahulog ang bag na pinaglalagyan ng kanyang armas.

Nakakulong na ang suspek sa San Fernando Police Station dahil sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections habang hinihintay pa ng pulisya kung magsasampa ng kaso ang misis laban sa kanyang mister.

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *