Saturday , December 6 2025

News

Sen. Hontiveros inasunto ng wire tapping ni Aguirre

NAGHAIN ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law sa Pasay City Prosecutor’s Office si Justice Secretary  Vitaliano Aguirre II laban kay Senadora Risa Hontiveros sa Pasay City, kahapon ng umaga. Dumating si Aguirre sa Hall of Justice ng Pasay dakong 8:00 am upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4200 o Anti-Wire Tapping Law si Hontiveros. Nanumpa si …

Read More »

LP-Morales-Sereno, tactical alliance para pabagsakin si Duterte (Bistado ng Palasyo)

MAY tactical alliance ang Liberal Party, at sina Ombudsman Conchita Carpio-Morales at  Chief Justice Ma. Lourdes Sereno para pabagsakin ang administrasyong Duterte, ayon sa Palasyo. “Maybe, in effect, that seems to be the implication,” tugon ni Presidential Spokesman Ernesto Abella hinggil sa sinasabing sabwatang LP-Morales-Sereno na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Abella, naniniwala ang …

Read More »

Arrest warrant vs misis ni Enzo Pastor pinagtibay ng CA

PINAGTIBAY ng Court of Appeals (C) ang arrest warrant na inisyu ng Que-zon City court laban kay Dalia Guerrero-Pastor kaugnay sa pagpatay sa kanyang mister, si international race car driver Ferdinand “Enzo” Pastor noong 2014. Sa resolusyon na may petsang 14 Setyembre, ibinasura ng CA Seventh Division ang apela ni Dalia na pigilan ang arrest warrant na inilabas ng Quezon …

Read More »

10 armadong lalaki tinangkang pasukin si Sec. Lorenzana

NAPIGILAN ang sampung lalaki sa pagpasok sa Gate 6 ng Camp Agui-naldo makaraan makitang may mga baril, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office chief, Col. Edgard Arevalo, dinampot ang mga miyembro ng Southeast Asia Collective Defense Treaty bunsod nang ipinaiiral na election gun ban. Papunta umano sa opisina ni Defense Secretary …

Read More »

Opensiba vs NPA isusunod ng AFP (Matapos sa Marawi)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Oct 2, 2017 at 8:56pm PDT BUBUHUSAN ng opensiba ng militar ang New People’s Army (NPA) matapos ang krisis sa Marawi City. Sa kanyang talumpati sa ika-anim na pagbisita sa Marawi City kahapon, tiniyak ng Pangulo na ang NPA naman ang pagbabalingan ng operasyong militar dahil sa pinaigting ng …

Read More »

Ombudsman ‘kino-Corona’ si Duterte (Sabwatang anti-Duterte hinamon ng resignation)

HINDI matanggap ng mga dilawan ang pagkatalo sa 2016 presidential election kaya ginagawa ang lahat ultimo pakikipagsabwatan sa Ombudsman at kaliwa para pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mga bagong opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) Davao City Chapter kamakalawa ng gabi sa Davao City, ibinulalas ni Duterte ang aniya’y mga pakana ng …

Read More »

DPWH official, Chinese nat’l patay sa ratrat (Sa unang araw ng Comelec gun ban)

PATAY ang isang 59-anyos opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kanyang bakuran sa Tanauan, Batangas, habang hindi umabot nang buhay ang isang Chinese national sa San Juan de Dios Hospital makaraan pagbabarilin ng limang naka-motorsiklong mga suspek sa Pasay City, nitong madaling-araw ng Linggo, sa unang araw na pagpapatupad ng …

Read More »

Frat’s library sinuyod para sa ebidensiya (Solano laya sa hoyo)

SINUYOD ng mga awtoridad sa Manila Police District (MPD) ang Frat Library ng Aegis Juris na pinaniniwalaang pinangyarihan ng hazing sa namatay na 22-anyos UST freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III nitong Huwebes, 28 Setyembre. Ayon kay Supt. Erwin Margarejo, ang mga nakolekta nilang ebidensiya ay “object evidence” at “forensic evidences” na malaking tulong sa pagpapatuloy ng …

Read More »

US nakabawi na sa atraso sa PH — Duterte

ANG dalawa sa Balangiga bells na nasa Fort D.A. Russel, ngayon ay F.E. Warren Air Force Base at ang pangatlong Balangiga bell na nasa Madison Barracks sa Sackets Harbor, New York, ang dating estasyon ng 9th US Infantry Regiment sa paglilipat ng 20th century, pero ngayon iyo ay nasa Camp Red Cloud, ang kasalukuyang estasyon nila sa South Korea. “BUMAWI …

Read More »

Diño inalok ng Pangulo (Bagong puwesto sa DILG)

KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, inalok niya kay Martin Diño na maging Department of Interior and Local Government (DILG) undersecretary for barangay affairs. Sa panayam kagabi sa Pangulo sa PTV4, sinabi niya, upang maiwasan ang bangayan sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na chairman si Diño at administrator si Wilma Eisma, at para na rin sa interens ng bayan …

Read More »

Ombudsman ‘may utang na loob’ sa dilawan (Impeachment vs Duterte pinaplantsa)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 28, 2017 at 2:02pm PDT MAY bahid ng pamomolitika ang pag-iimbestiga ng Ombudsman hinggil sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte lalo’t marami ang nakaaalam na ‘may utang na loob’ ang kanilang hepe na si Conchita Carpio-Morales sa Liberal Party. Kinuwestiyon ni Pangulong Rodrigo …

Read More »

MC 25: retrato ng politiko bawal na (Sa gov’t offices, school)

WALA nang puwang sa lahat ng tanggapan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pampublikong paaralan, kolehiyo at unibersidad ang mga retrato ng mga politiko at opisyal ng gobyerno. Sa bisa ng Memorandum Circular No. 25 (MS 25), iniutos ni Pangulong Duterte ang pagbabawal sa paglalagay ng kanyang retrato at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga tanggapan ng gobyerno at …

Read More »

2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)

dead prison

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang preso ng Pasay City Police detention cell dahil sa matinding init at sobrang siksikan sa loob ng piitan sa nasabing lungsod. Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo Tenancio, 54, may kasong alarm and scandal, at Oscar Nuñez, na nahaharap sa kasong droga. Sa ulat ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay …

Read More »

Curfew sa Navotas pinigil

SINUSPENDI sa lungsod ng Navotas kahapon ang implementasyon ng curfew sa mga kabataan bilang pagsunod sa inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court na nagsabing labag sa Constitution ang lokal na curfew ordinance. Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, hiniling niya sa kanilang Sangguniang Panlungsod na bumalangkas ng bagong ordinansa patungkol sa curfew base sa mga panuntunan …

Read More »

Atio inihimlay Solano pinalaya

KASABAY ng araw ng libing ni Horacio Tomas “Atio” Castillo III, inilabas ng Department of Justice (DOJ) ang resolusyon na nagpapalaya sa ‘sumukong’ primary suspect sa hazing slay na si John Paul Solano. Dakong 6:00 pm, dumating ang abogado ni Solano na si Atty. Paterno Esmaquel sa Manila Police Headquarters (MPD). Aniya, 4:15 pm ay naroon sila sa DOJ at …

Read More »

Bakwit sa Mt. Banoy pinabalik na ng AFP

PINABALIK na sa kanilang tahanan ang mga bakwit na lumikas sa kasagsagan ng bakbakan ng militar at New People’s Army sa paligid ng Mt. Banoy sa Batangas City. Sa panayam ng Hataw kay Col. Arnulfo Burgos, 202nd Infantry Brigade commander, sinabi niya na inabisohan na nila ang mga bakwit na bumalik sa kanilang mga bahay at maging ang mga klase …

Read More »

2 patay sa trailer truck na nahulog sa tulay (4 sugatan)

NAWALAN ng preno at tuluyang nahulog ang isang 40-footer container van sa Zamora Interlink Bridge sa Zamora St., Pandacan, Maynila na ikinamatay ng mag-lolo at ikinasugat ng apat pa nang madaganan ang kabahayan sa ilalim ng tulay dakong 3:00 pm kahapon. (BONG SON) A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 27, 2017 at 6:23pm PDT …

Read More »

2 sekyu sugatan sa boga (Resbak ng selosong ex-lover)

gun shot

HINIHINALANG selos ang ugat nang pagbaril ng isang lalaki sa dating kinakasamang lady guard at isa pang kapwa guwardiya sa Taguig City, kamakalawa. Inoobserbahan sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Mary Grace Labawan, 32, lady guard sa Samsung Warehouse, residente sa 59 ML Quezon St., Purok 1, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, habang may tama ng bala …

Read More »

2 masahista patay sa motorsiklo vs kotse

road traffic accident

PATAY ang dalawang masahistang lulan ng motorsiklo makaraan salpukin ng rumaragasang kotse sa New Manila, Quezon City, kamalakawa ng gabi. Sa ulat kay Chief Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit Sector 4, kinilala ang mga biktimang sina Rolando Olarte, 34, residente sa 13-B Victory Avenue, Brgy. Tatalon, Quezon City, at Lovely Pesimo, 26, ng …

Read More »

Ika-2 araw ng tigil-pasada kinansela

HINDI itinuloy ang pangalawang araw ng tigil-pasada o transport strike na inilunsad ng Stop and Go Coalition, na sinimulan nitong Lunes ng umaga.  Ayon sa ulat, ito ay dahil hindi naging tagumpay ang nasabing kilos-protesta ng nabanggit na grupo ng transportasyon at hindi nagawang paralisahin ang transportasyon sa Metro Manila, maliban lamang sa ilang piling lugar. Sinasabing umabot lamang sa …

Read More »

49 Navy inalis sa puwesto (Sa pagkamatay ng 2 Vietnamese)

PANSAMANTALANG inalis sa puwesto ang 49 tripulante ng BRP Malvar habang iniimbestigahan ang pagkamatay ng da-lawang Vitnamese na ilegal umanong nangingisda sa dagat na sakop ng Bolinao, Pangasinan.  Ito’y habang iniimbestigahan kung nagmalabis ang mga tripulante sa paggamit ng puwersa habang hinahabol ang fishing vessel ng mga dayuhan. Ayon sa ulat ng Philippine Navy, namataan ng barkong BRP Malvar nitong …

Read More »

6 suspek sa Atio hazing slay itinuga ni Solano (Sa Senate executive session)

INIHAYAG ni Senador Juan Miguel Zubiri na pinangalanan ni John Paul Solano sa executive session ng Senado ang anim niyang ka-brod sa Aegis Juris Fraternity na inabutan niyang nasa lugar na kinatagpuan sa walang malay na si UST law student Horacio Tomas “Atio” Castillo III. Gayonman, binigyang-diin ni Zubiri, hindi maaaring ilantad sa publiko ang pangalan ng anim miyembro ng …

Read More »

Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)

dead gun police

PINAGBABARIL ang isang  Chinese national na may kasong droga ng apat na hindi kilalang lalaki habang kagagaling sa kanyang hearing sa korte sa Las Piñas City kahapon ng hapon. Ilang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Lee Yu Xin,  alyas Alex /Francis Lee, at Wahya,  43, nanunuluyan sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City. …

Read More »