Tuesday , July 8 2025

Ex-Palawan gov Reyes sumuko sa Sandiganbayan

SUMUKO si dating Palawan governor Joel Reyes makaraan iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto sa kanya dahil sa graft kaugnay sa mining permit case.

Ang dating local government official ay nagtungo sa Sandiganbayan 3rd Division pasado 3:00 pm kahapon.

Nauna rito, nagpalabas ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa kanya dakong umaga kahapon.

Ang order ay ipinalabas halos isang buwan makaraan siyang palayain mula sa pagkaka­kulong dahil sa pagpaslang kay radio host at environmentalist Gerry Ortega.

Pinagtibay ng Sandiganbayan Third Division ang August 2017 ruling na naghatol kay Reyes ng pagkakakulong nang anim hanggang walong taon dahil sa pag-apruba sa permit ng small-scale mining company.

Kasabay nito, ipinawalang-bisa ng korte ang kanyang piyansa dahil sa kanyang pagtakas mula sa bansa makaraan siyang kasuhan sa 2011 murder kay Ortega.

Tumakas si Reyes sa Thailand noong 2012 bagama’t may inilabas na hold departure order laban sa kanya.

Siya ay naaresto noong 2015, ayon sa Sandiganbayan.

Magugunitang ipinawalang-bisa ng Court of Appeals ang pag-aresto kay Reyes dahil sa murder bunsod ng kawalan ng ebidensiya na nagsasangkot sa kanya sa pagkamatay ni Ortega.

Si Ortega ay binaril at napatay habang namimili sa Palawan.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

070825 Hataw Frontpage

Sa gitna ng welga ng union officers
KAWASAKI MOTORS IGINIIT PATAS, “COMPETITIVE” PASAHOD SA MANGGAGAWA

HATAW News Team IGINIIT ng Kawasaki Motors (Phils.) Corporation (KMPC) na makatarungan at competitive ang …

EPD Eastern Police District

EPD pinalakas kampanya sa Dial 911

PINALAKAS ng pamunuan ng Eastern Police District (EPD) ang paggamit ng Dial 911 emergency hotline …

DepEd Gulayan Sa Paaralan

DepEd pinalawak “Gulayan Sa Paaralan” at Farm School projects

PINALAWAK ni Education Secretary Sonny Angara ang Gulayan sa Paaralan Program (GPP) na naglalayong mapagbuti …

Marikina

Sa Marikina  
Hi-tech public schools target ni Cong. Marcy

PLANO niMarikina 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro na magkaroon ng high technology na kagamitan …

Medicine Gamot

Mga gamot, wala nang VAT — Rep. Tiangco

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng value added tax (VAT) exemptions sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *