Friday , June 2 2023

Arraignment kay Noynoy et al sinuspende

PORMAL na sinuspende ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kina dating Pangulong Benigno “Noy­noy” Aquino III, dating PNP chief Alan Purisima, at dating Special Action Force (SAF) director Getulio Napeñas, sa mga kasong kriminal kaugnay sa Mamasapano encounter.

“This court thus holds in abeyance the arraignment and pre-trial it tentatively set on February 15, 2018 with respect to Aquino III, Purisima, and Napeñas,” ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan.

Ang suspensiyon ay makaraan mag-isyu ang Supreme Court ng temporary restraining order hinggil sa kaso.

Ang bawat respondent ay nahaharap sa isang bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at usurpation of official function.

Nilagdaan nina Division chairperson Associate Justice Alex Quiroz, Associate Justices Reynaldo Cruz at Bayani Jacinto ang resolusyon noong 12 Pebrero.

Ang kaso laban sa mga respondent ay nag-ugat sa police anti-terror operation noong 2015 na ikinamatay ng pangunahing target na si Malaysian terrorist Zulkifli bin Hir, alias Marwan, ngunit nagresulta sa pagkamatay ng 44 SAF members.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *