Wednesday , May 18 2022

P75-M para sa Mayon evacuees (Inilaan ni Duterte)

NAGLAAN si Pangulong Rodrigo Duterte ng P25-M para sa relief operations sa mga lumikas dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon.

Sa kanyang pagbisita kahapon sa Albay, ipinangako ni Duterte na magbibigay pa ng dagdag na P50 milyon para sa Mayon evacuees.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino bilang special emissary niya sa nasabing lalawigan.

“Hindi naman ako makabalik, marami ako trabaho. My special emissary, assistant si Atty. Tolentino. Si Francis, he used to be the mayor of Tagaytay City. Siya na lang ang pabalik-balikin ko. Francis, ikaw na mag-coordinate sa lahat. I want it done by the weeks end. So Saturday, tapos na ‘yan. It is delivered na. Ako I count by the hours and I’m not fan of committee committee, isang tao lang, ikaw ‘yan,” anang Pangulo.

Nais ng Punong Ehekutibo na tutukan ang kalusugan ng evacuees, sanitation, bukod sa pagkain.

Inatasan niya si Tolentino na magdala ng maraming portable toilet para magamit ng evacuees.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

P3-M Ketamine kompiskado sa Taiwanese

ARESTADO ang isang Taiwanese national sa 600 gramo ng ketamine na aabot sa P3,000,000 ang …

The Women Club Nova Villa Tetchie Agbayani Tina Paner

The Woman Club ng Kapitana Media umaarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na onboard ng Emirates at Philippine Airlines ang digi-film na The Women …

Taguig

Sariling eco bags hinikayat sa Taguig mobile market

NANAWAGAN ang local government unit (LGU) sa mga mamimili sa Mobile Market na magdala ng …

MMDA MMRF Recyclables Mo Palit Grocery Ko

Recyclable materials nakolekta ng MMDA

NAKAKOLEKTA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 224.70 kgs recyclable materials mula sa Barangay …

Romania

Laban sa illegal recruiters
OFWs SA ROMANIA BINALAAN NG POLO SA MILAN

PINAG-IINGAT ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Milan ang mga Filipino laban sa mga …

Leave a Reply