Saturday , April 19 2025

‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido

SUSPENDIDO ng 90-araw at kinasuhan ng Palasyo  si Overall Deputy Ombudsman Mel­chor Arthur Carandang, ang sinasabing ‘mole’ ni Sen. Antonio Trillanes  IV sa akusasyong may ill-gotten wealth ang pamilya Duterte.

Sa press briefing kahapon sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pormal nang sinampahan ng Office of the Executive Secretary si Carandang ng mga kasong grave misconduct at grave dishonesty dahil sa ‘di-awtorisadong pag­­lalabas ng umano’y bank transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.

Ang mga dokumento galing kay Carandang na aniya’y mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), ang ginamit ni Trillanes sa pag­hahain ng reklamo kaugnay ng umano’y ill-gotten wealth ng Pangulo.

“We have categorically stated before that the AMLC is not the source of the documents and information attached by Senator Antonio F. Trillanes IV in his complaint regarding the alleged bank accounts of President Rodrigo Duterte. It has neither provided of the Office of the Ombudsman with any report as a consequence of any investigation of subject accounts for any purpose,” ani Roque.

Ang hakbang ng OES ay makaraan imbestigahan ang reklamong inihain nina attorneys Manolito Luna at Elijo Mallari sa Office of the President laban kay Carandang.

Nanindigan si Roque na nasa kapangyarihan ng Pangulo ang pagkastigo kay Carandang.

Ipinauubaya ni Roque sa Pangulo ang pagpapasya kung sasampahan ng kaso si Trillanes sa paggamit ng maling dokumento laban sa pamilya Duterte.

“That’s up to the President. But you see the President, you know, does not pay too much attention to kuwentong kutsero and tsismis,” ani Roque.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na ilegal ang pangangalap ng ebidensiya ni Carandang laban sa kanya at idinaan lang sa ‘pindot.’

Ang paglalabas aniya ni Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang ng umano’y bank account niya na galing sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC), ay ilegal, pinindot lang at lahat ng lumabas na numero ay ‘pinlus’ upang umabot sa bilyon-bilyong piso.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

Philanthropist Cecille Bravo binigyan ng laptop dalagang may Chronic Kidney Diseased

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Phililanthropist and Businesswoman na si Ms Cecille Bravo nang ibigay ang …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Sarah Discaya

Kampo ni Sarah Discaya, Mariing Itinanggi ang Anumang Paglabag sa Batas Kaugnay ng Isyu sa British Passport

MAYNILA — Nilinaw ng legal counsel ni Pasig City mayoral candidate Sarah Discaya na wala …

Blind Item, Mystery Man, male star

Hunk actor suki sa mga political rally kahit ‘di feel ng publiko

I-FLEXni Jun Nardo MAINSTAY na yata ang isang hunk actor na paminsan-minsan eh kumakanta rin sa political …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *