Saturday , June 21 2025

Fake news sa PNA, PIA inamin ni Andanar

INAMIN ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanilang pagkamamali sa nailabas na sa fake news sa Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe, hindi itinanggi ni Andanar ang pagkakamali ng kanyang ahensiyang pinamumunuan, sa paglalabas ng maling impormasyon o balita.

Tinatanong ni Senador Grace Poe si Presidential Communication Office Secretary Martin Andanar at Rappler CEO and Chief Executive Editor Maria Ressa tungkol sa fake news sa pagdinig sa senado kahapon. (MANNY MARCELO)

Ngunit iginiit ni Andanar, inayos na ang mga pagkakamali at mas lalo nilang pinagbuti ang kanilang paghahatid ng ba-lita sa pamamagitan ng PTV 4, PNA at Radyo Pilipinas.

Sa naturang pagdinig, ipinakita ni Andanar sa power point presentation ang mga pagbabagong ginawa sa loob ng PCOO.

Magugunitang mismong si Andanar ay naglabas noon ng fake news laban sa Senate media, na sinasabing tumanggap tig-$1,000 dollars bawat isa mula kay Senador Antonio Trillanes IV, na mariing itinanggi ng mga mamamahayag.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Benny Abante Jr Luis Joey Chua Uy

Abante panalo sa 2025 midterm polls – Comelec

IDINEKLARA ng Commission on Elections (Comelec) si Cong. Bienvenido “Benny” Abante Jr. bilang nanalong kandidato …

Arnulfo Teves

Teves balik-hoyo kapag naka-recover at magaling na

IBABALIK sa detensiyon si dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves, Jr.                Iyan ay pagkatapos …

Antuking pulis bawal sa SPD

Antuking pulis bawal sa SPD

MAGALANG at hindi tutulog-tulog na pulis ang nais ng bagong talagang District Director Officer-In-Charge (DD-OIC) …

Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI

Pasaherong nakatulog ni-rape na ninakawan pa  
TNVS DRIVER NASAKOTE NG NBI

TIMBOG sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang transportation network vehicle …

062025 Hataw Frontpage

29 PNP top honchos binalasa

HATAW News Team EPEKTIBO kahapon, 19 Hunyo, nasa kani-kanilang bagong puwesto ang 29 matataas na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *