Saturday , December 6 2025

News

69 bagong CoVid-19 recovery naitala sa Mandaluyong

Mandaluyong

NAITALA sa lungsod ng Mandaluyong ang 69 bagong pasyenteng gumaling mula sa CoVid-19 kamakalawa, 5 Oktubre.   Sa datos ng Mandaluyong Health Department, dakong 4:00 pm noong Lunes, nasa 4,858 ang kompirmadong kaso ng CoVid-19 sa lungsod, 487 dito ang aktibong kaso.   Naitala rin ang 20 itinuturing na probable cases, 1,540 suspected cases at 1,285 ang cleared na.   …

Read More »

Misis na sakay patay mister na driver sugatan (Tricycle sinoro ng SUV)

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang misis na sakay ng tricycle matapos silang banggain ng isang humaharurot na sport utility vehicle (SUV) sa Quirino Highway, lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 5 Oktubre.   Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Sharon Ancheta, habang sugatan ang kaniyang mister na driver ng tricycle na si Genesis Ancheta. …

Read More »

3 estudyanteng nasa online class, may-ari, sugatan (10-wheeler truck sumalpok sa computer shop)

road accident

TATLONG estudyante at negosyante ang sugatan, isa ang malubha, habang nakikipag-ugnayan sa kanilang online classes, dahil sa pagsalpok ng isang 10-wheeler truck sa isang computer shop sa bahagi ng Maharlika Highway, sa lungsod ng Ligao, lalawigan ng Albay, nitong Martes, 6 Oktubre.   Kinilala ni P/SSgt. Joel Llamas, imbestigador ng Ligao City police, ang mga biktimang sugatan na sina Nikko …

Read More »

Sanggol, ina hindi dapat magutom

dead baby

INIHAYAG ni Sen. Grace Poe na dapat paigtingin ng pamahalaan ang pagkilos upang matiyak na walang sanggol at ina na makikipagbuno sa gutom sa gitna ng krisis sa kalusugan dulot ng CoVid-19.   “Kinakailangan magkaroon ng tuloy-tuloy na inisyatiba sa nutrisyon upang mapigilang maging legasiya ng pandemyang CoVid-19 ang gutom at malnutrisyon sa mga sanggol at ina,” ayon kay Poe, …

Read More »

Bilyones na pera ng bayan, napunta sa korupsiyon – Duterte

Duterte face mask

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilyones na pera ng bayan ang ‘naaksaya’ bunsod ng korupsiyon sa gobyerno kaya nais niyang  sagutin ng pamahalaan ang gastos para sa pamamahagi ng libreng Beep cards sa mga pasahero.   “Card lang naman ‘yan, ibigay na ‘yan libre. Bakit pabayaran pa ‘yan? We have been wasting so many billions to corruption tapos ‘yan …

Read More »

Andanar, isumbong kay Duterte – Roque (Sa anomalya sa IBC-13)

HINIMOK ng Palasyo ang mga manggagawa ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na isumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga anomalyang nagaganap sa state-run television network.   Ang IBC-13 ay nasa pangangasiwa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na pinamumunuan ni Secretary Martin Andanar.   “Kung ang unyon po ay gustong mag-imbestiga ang Office of the President e lumiham po kayo …

Read More »

Shabu ipinasisira ni Duterte, SC (Ebidensiya sa Korte)

shabu

PAREHONG pabor ang Korte Suprema at si Pangulong Rodrigo Duterte na sirain ang mga ebidensiyang shabu laban sa drug personalities matapos itong dumaan  sa imbentaryo.   Paliwanag ito ng Palasyo kasunod ng direktiba ni Pangulong Duterte kamakalawa ng gabi na sirain ang lahat ng nakaimbak na ebidensiyang shabu sa drug -related cases.   Kinonsulta ni Presidential Spokesman Harry Roque si …

Read More »

P2.2-B expired, overstocked na gamot, ipamudmod — Palasyo

Medicine Gamot

 IPAMAHAGI ang mahigit P2 bilyong halaga ng gamot na malapit nang mag-expire at nakatambak lamang, gayondin ang medical, at dental supplies. Direktiba ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) kasunod ng lumabas na Commission on Audit (COA) 2019 annual audit report na nagtatago ang DOH ng mahigit P2 bilyong halaga ng  “expired, overstocked or nearly expired medicines …

Read More »

Duterte ‘kangaroo court’ ni Duque

MISTULANG nagsilbi si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘kangaroo court’ na nag-absuwelto kay Health Secretary Francisco Duque III mula sa lahat ng anomalyang naganap sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). Sinabi ng Pangulo, sa isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth scandal, walang natuklasang sapat na ebidensiya upang iugnay si Duque sa katiwalian, gaya ng pagbili ng overpriced computers. “I have read the findings. …

Read More »

Meralco consumers kina Cayetano, Velasco: Isipin rin ninyo kami!

electricity brown out energy

NANAWAGAN ang mga konsumer ng Manila Electric Company (Meralco), kabilang ang Power for People Coalition (P4P), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), Freedom from Debt Coalition (FDC), at Sanlakas kina  Speaker Alan Peter Cayetano at House Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco na pagtuunan ang ‘no-disconnection deadline’ ng “bill shock.” Matatandaan na October 31 ang huling araw na ibinigay na …

Read More »

Wanted sa Aklan timbog sa Bulacan

arrest prison

ARESTADO ang isang ‘most wanted person’ dahil sa kasong rape, sa pagpapatuloy ng anti-crime drive ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang noong Linggo, 4 Oktubre.   Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si John Lee Villegas, kabilang sa Top 10 Most Wanted Person sa lalawigan ng Aklan.   Hindi …

Read More »

Biñan council secretary, doktor todas sa ambush

dead gun police

PATAY ang kalihim ng Biñan City Council sa lalawigan ng Laguna, na si  Edward “Edu” Alonte Reyes, at ang kasamang doktor, nang tambangan at pagbabarilin noong Linggo ng gabi, 4 Oktubre, sa Barangay San Antonio, sa bayan ng Biñan.   Miyembro si Reyes ng kilalang angkan ng mga politiko sa nasabing lungsod, at pinsan ni Biñan Rep. Marlyn Alonte.   …

Read More »

2021 nat’l budget ‘ikinakamada’ ng 25 kongresista (Sa bilang na 304 House reps)

NANAWAGAN si Buhay Party-list Rep. Jose “Lito” Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano na payagang dumalo sa plenaryo ang mga kongresista upang makasama sa mga importanteng pagdinig lalo sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Desmayado si Atienza sa nangyayari sa Kamara na 25 kongresista lamang ang pinapayagang makadalo at halos lahat dito ay mga kaalyado ni …

Read More »

Suporta pabor kay Cayetano (Sa isyu ng speakership)

ANIM na kongresista pa ang nadagdag sa mga naniniwalang si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano ang dapat na mamuno sa kanila habang nasa gitna ng budget deliberation ang kamara. Sa kabuuang bilang, lomobo sa 190 ang mga kongresista na sumusuporta sa pamunuan ni Cayetano sa gitna ng pagpupumilit ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na ipatupad ang …

Read More »

63-anyos pari natagpuang patay sa banyo ng kombento (Sa Ormoc City)

dead

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang matandang pari sa loob ng banyo ng kaniyang silid sa isang kombento sa lungsod ng Ormoc, sa lalawigan ng Leyte, noong Biyernes ng hapon, 2 Oktubre. Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng paring kinilalang si Fr. Rafael Pepito, 63 anyos. Ayon kay P/Maj. Reynaldo Honrado, hepe ng …

Read More »

Senadora nagpugay sa titsers

Risa Hontiveros

SA UNANG araw ng klase, nais ni Senadora Risa Hontiveros na magpugay sa ating mga guro sa patuloy nilang pagpapanday sa kinabukasan ng ating bansa sa gitna ng matinding pagsubok at pagbabago bunsod ng epekto ng CoVid-19. Kasabay ng pahayag ng Senadora ang pagkilala sa ating teachers ang masigasig na panawagang bigyan sila ng sapat na suporta para maisagawa nang …

Read More »

DepEd Budget pinamamadali sa Kongreso

DepEd Money

TIWALA ang Palasyo sa kakayahan ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayon at tiniyak sa mga magulang at mga estudyante na nakahanda ang kagawaran na gampanan ang kanilang obligasyon sa panahon ng pandemya. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring hindi perpekto ang sistema at may mga isyung lulutang sa paglipat sa flexible …

Read More »

Ordinaryong ‘nanay’ sa IATF-EID kailangan

HINIMOK ni Senador Imee Marcos ang pamahalaan na seryosong ikonsidera ang pagtatalaga ng isang ‘nanay’ na ordinaryong maybahay sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) o magtayo ng special committee na pamumunuan niya para suriin ang epekto ng CoVid-19 sa mga kababaihan. “Ang bagong paraan ng ‘blended education’ ay kapwa matinding hamon sa mga sistema sa eskuwe­lahan at …

Read More »

Andanar, deadma sa korupsiyon sa IBC-13

ni ROSE NOVENARIO BIGO ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na sugpuin ang korupsiyon sa kanyang administrasyon dahil nasa tungki lang ng kanyang ilong ang mga nagaganap na anomalya sa Intercontinental Broadcasting Corporation  (IBC-13) pero binabalewala ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar. Ang pagbatikos sa anti-corruption campaign, kay Andanar at sa management ng IBC-13, isa sa attached …

Read More »

Tirador ng gadgets todas sa parak 3 kasabwat tiklo

dead gun police

PATAY ang isang magnanakaw sa bayan ng Obando, sa lalawigan ng Bulacan matapos manlaban at makipagbarilan sa mga alagad ng batas habang nadakip ang tatlo niyang kasabwat sa mainit na pagtugis na umabot hanggang Barangay Pantoc, sa lungsod ng Meycauayan, noong Biyernes ng hapon, 2 Oktubre. Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, …

Read More »

65-anyos ina arestado sa P4-M shabu

shabu drug arrest

AABOT sa P4 milyong halaga ng shabu ang nakuha sa  isang 65-anyos ina at sa kanyang anak na lalaki sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na sina Taya Sulong, 65 anyos; at anak na si Abdul Sulong, 33 anyos, …

Read More »