Saturday , January 28 2023
DBM budget money

Realignment ng 2021 budget target ni Ping (Pondo para sa LGUs na tinamaan ng bagyo)

DETERMINADO ni Senator Panfilo Lacson na tanggalan ng pondo sa 2021 proposed national budget na inaprobahan ng House of Representatives ang mga tinukoy nitong corrupt-ridden at skeleton multi-purpose building projects at ilipat ang budget para pondohan ang rehabilitasyon ng local government units (LGUs) na nahagupit ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Lacson, may P68 bilyong alokasyon ang natukoy na kuwestiyonableng proyekto sa inaprobahang budget ng Kamara, sa nasabing halaga ay isusulong nitong gamitin ang P20 bilyon para pondohan ang rehabilitasyong gagwin ng LGUs.

Katuwiran ni Lacson, tama lamang na gawin ang realignment dahil ang National Expenditure Program (NEP) ay nagawa bago pa man ang pananalasa ng bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses.

“Local multi-purpose buildings (MPBs), which have a proposed appropriation of P68 billion for 2021, are merely duplications of programs not to mention those projects being convenient sources of corruption. if we augment the appropriations for local government units especially those hit by the typhoons, then they could very well rehabilitate and recover,” giit ni Lacson.

Samantala ang iba pang pondo ay iminungkahi ni Lacson na mailipat sa national broadband program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Maliban sa mga kuwestiyonableng proyekto na pinondohan ng P4.5 trilyon sa 2021 national budget ay una nang ibinunyag ni Lacson ang hind patas na hatian ng alokasyon sa mga infrastructure budget ng mga Kongresista na ang pinakamalaki ay mula sa distrito sa Davao, Benguet, Albay, at Abra.

Ang isang Distrito sa Davao ay may budget sa infrastructure na aabot sa P15.351 bilyon, sa Albay ay P7.5 bilyon, sa Benguet ay P7.9 bilyon habang sa Abra ay P3.75 bilyon pero may ilang kakarampot na P42 milyon.

Imbes honor roll ay ‘horror roll’ umano ang tawag sa mga kongresista na pinaboran sa mga bilyong infrastructure projects.

Tikom at wala pang ipinalalabas na reaksiyon ang tanggapan ni House Speaker Lord Allan Velasco sa naging rebelasyon ni Lacson habang sinabi ni House Appropriations Committee Chairman at ACT CIS Partylist Rep Eric Yap na ang Department of Public Works and Higways (DPWH) ang nagprograma ng infrastracture projects kaya ang ahensiya ang nasa tamang posisyon na sumagot sa usapin.

Matatandaan, sa naging House Speakership row kamakailan ay ginawang isyu kay dating House Speaker at Taguig Rep Alan Peter Cayetano ng mga kaalyado ni Marinduque representative at ngayon ay House Speaker Lord Allan Velasco na sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, 1 Pacman Partylist Rep, Mikee Romero, at Oriental Mindoro Rep Doy Leachon ang hindi pantay na infrastructure allocations sa budget at inakusahan si Cayetano na pinaboran ang ilang mga mambabatas.

Kasunod ng naging pagpapalit ng liderato ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Velasco naipasa ang 2021 budget.

About hataw tabloid

Check Also

Arnell Ignacio OWWA

Health and wellness ng mga OWWA employee tututukan ni Admin Arnell

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang concern ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Arnell Ignacio hindi …

SAF 44 National Day of Remembrance bulacan

Bulacan cops ginunita ang Fallen SAF 44 sa National Day of Remembrance

PARA sa National Day of Remembrance ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF), …

Arrest Posas Handcuff

Puganteng rapist at kilabot na kawatan, timbog

Dalawang lalaki na kabilang sa most wanted person sa Bulacan ang magkasunod na naaresto sa …

dead gun

Ika-5 suspek sa pagpatay sa 2 pulis sa Mabalacat, Pampanga, patay sa shootout

ANG ikalimang  suspek at lider ng Flores group na pumatay sa dalawang anti-drug cops ng …

dead gun

Wanted patay sa engkuwentro

Patay ang  lalaking wanted sa kasong robbery nang manlaban sa mga awtoridad na aaresto sa …

Leave a Reply