NADAKIP ang tatlong suspek na ilegal na nagtitinggal (hoarding) ng isopropyl alcohol sa entrapment operation ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Kaingin, sa bayan ng San Rafael, kamakalawa, 22 Marso. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, ang mga naarestong suspek na sina Marvin Verdillo, 27 anyos; Jose Rafael de Guzman, 36 …
Read More »Wala nag mabilhan… Libreng PPE ipagkakaloob ng DOH sa ospital na kapos sa supplies
MAMAMAHAGI ng personal protective equipment (PPE) ang Department of Health (DOH) sa mga ospital na naubusan ng supply dahil sa paghawak ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ayon kay Health spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan magpadala ng mga ospital ng request sa e-mail address na: [email protected]. “Pagkatanggap ng requests ipoproseso ito ng DOH at maglalaan ng …
Read More »Accreditation ID ‘di kailangan ng health workers
HINDI kailangan ng health workers na kumuha ng accreditation mula sa Inter-Agency Task Force, dahil ang kanilang identification card mula sa Department of Health (DOH) ay sapat na upang hindi sila maharang sa itinayong checkpoints sa ilalim ng enhanced community quarantine laban sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ito ang pahayag ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Kasunod ng pahayag …
Read More »Espesyal na sesyon ng mga senador walang quorum
SINIMULAN ng senado ang ipinatawag na special session ng dalawang kapulungan ng kongreso upang mabigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para labanan o tugunan ang suliranin sa coronavirus 2019 o COVID-19. Ngunit agad na ipinatigil ang sesyon ng senado dahil sa kawalan ng quorum ng mga senador na dumalo sa sesyon. Bukod kay Senate President Vicente Sotto …
Read More »82 cases nadagdag… 462 positibo, 33 namatay, 18 nakarekober sa COVID-19
NADAGDAGAN pa ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Filipinas. Ayon sa Department of Health (DOH) hanggang 4:00 pm nitong Lunes, 23 Marso, nadagdagan ng 82 kaso ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Ito ang pinakamataas na naitala sa bansa sa loob ng isang araw. Dahil dito, pumalo sa 462 ang kabuuang confirmed COVID-19 patients sa kasalukuyan. Samantala, sinabi …
Read More »Sa Pasay City… 3 positibo sa COVID-19
TATLONG bagong kaso ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa Pasay City, iniulat kahapon. Base sa ulat ng Pasay City Public Information Office (PIO) kahapon dakong 12:00 nn, umabot sa 43 ang kanilang persons under monitoring (PUMs), na ang lima rito ay hindi galing sa Pasay City habang 34 persons under investigation (PUI), walo rito ang residente sa lungsod at 26 …
Read More »150 health workers ng The Medical City isinailalim sa quarantine
PANSAMANTALANG isinailalim sa quarantine ang 150 health workers ng The Medical City sa Pasig City dahil sa kanilang exposure sa ilang pasyente ng ospital na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19). Inamin ito ng presidente at chief executive officer ng ospital na si Dr. Eugenio Jose Ramos sa isang panayam, na nagpayo sa ilang nurse at doktor na umuwi muna at …
Read More »Health Sec. Duque negatibo sa COVID-19
KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) na negatibo sa coronavirus disease (COVID-19) si Sec. Francisco Duque III. Ayon kay Usec. Maria Rosario Vergeire, lumabas ang resulta ng test na ginawa sa kalihim nitong nakalipas na linggo. Nasa mabuting lagay ngayon si Duque na nananatiling naka-work from home. Unang inirekomenda ang pagpapa-test sa COVID-19 ni Duque matapos mabatid na ilang beses siyang …
Read More »13,054 global death toll sa COVID-19
NADAGDAGAN ng 1,667 ang bilang ng mga namatay sa buong mundo bunsod ng coronavirus o COVID-19, iniulat kahapon. Dahil dito, umabot sa 13,054 ang global death toll mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Italy, naitala ang pinakamaraming bilang ng namatay sa nakalipas na 24 oras. Umabot ito sa 793. Narito ang death toll sa iba’t ibang bansa: China …
Read More »‘Emergency powers’ para sa pondong walang ‘mandatory bidding’ isinulong?
KAPANGYARIHANG bumili ng telecom facilities, properties, protective gear, at medical supplies na hindi idaraan sa mandatory bidding ang inihihirit na emergency powers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso. Ito ang kumalat na impormasyon kahapon. Bahagi umano ng mga probisyon ng panukalang batas na Bayanihan Act of 2020, idedeklara nina Pangulong Duterte ang isang COVID-19 national emergency na magbibigay sa kanya …
Read More »Positibong balita laban sa COVID-19 ng media inspirasyon sa publiko
HINIMOK ng ilang kongresista ang mga miyembro ng media na maglabas ng mga positibong istorya tungkol sa isyu ng COVID-19 upang mabigyan ng pag-asa ang sambayanang Filipino. Ayon kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga at Batangas Rep. Raneo Abu importanteng mabigyan ng halaga ang positibong kaganapan laban sa coronavirus (COVID-19) upang magkaroon ng inspirasyon ang taong bayan na magkaisa laban …
Read More »Vico Sotto at Isko Moreno, deadma sa trike ban ng Palasyo
DEADMA sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa panawagan ng Palasyo na ipagbawal sa kanilang mga siyudad ang pagbiyahe ng tricycle para sa emergency cases at exempted sa travel ban. Binatikos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya ang hiling na exemption ni Sotto sa tricycle sa travel ban …
Read More »10 barangay sa Maynila ‘lockdown’ (3 hotel nagkaloob ng libreng kuwarto sa health workers)
LOCKDOWN ang sampung barangay sa Maynila upang maiwasan ang paglabas ng tao sa kani-kanilang tahanan sa lumalawak na banta ng COVID-19. Sa pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kabilang sa lockdown ang mga barangay 48, 49, 50, 51, 52, 53, 54, 55, 307, at 308. Malinis at wala wala na ang mga street vendor na nagkalat sa C.M. Recto …
Read More »P4-M shabu kompiskado sa ‘supplier’ ng ilegal na droga
NABUKO ang tangkang pagdadala ng isang lalaking supplier ng shabu sa Pampanga na kinuha pa sa kanyang ‘source’ kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Taguig. Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Maj. Gen. Debold Sinas, ang inarestong suspek na si Gilberto Lagunzad, 29 anyos, walang trabaho, tubong Tacloban, Leyte kasalukuyang naninirahan sa Adian 2 Extension, Barangay …
Read More »DOTr nagpadala ng 10 bus para sa health workers
NAGPADALA ng sampung bus ang Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magsisimula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magsilbing service vehicle ng health workers na apektado ng “enhanced community quarantine” o “total lockdown” sa buong Luzon. Ayon Kay DOTr Assistant Secretary Mark de Leon, iba’t ibang ruta ng mga naturang bus na mag-iikot …
Read More »DFA muling nagpasaring sa Immigration
NAKATIKIM muli ng banat mula kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin ang Bureau of Immigration (BI). Sa kanyang post sa twitter account, sinabi ni Locsin na ang BI ang may kasalanan kung bakit hindi makalipad ang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na sasakyan sana ng overseas Filipino workers (OFWs) na pabalik sa Hong Kong. Sinabi ni …
Read More »Foreigner, OFWs, balikbayans puwedeng bumiyahe
INILINAW ng Palasyo na tanging ang mga turistang Pinoy lang ang pagbabawalang makalabas ng bansa habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine sa rehiyon dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga outbound passenger ay maaaring umalis ano mang oras kahit umiiral ang quarantine. Gayonman, dapat ang kanilang departure ay naka-schedule sa loob ng 24 …
Read More »ECQ pass ipamamahagi sa Maynila
IPINAHAYAG ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na mamamahagi ang mga barangay sa Kamaynilaan ng home quarantine pass sa bawat pamilya sa gitna ng “enhanced community quarantine” na ipinatutupad sa Luzon. Sa Facebook post ni Sangguniang Kabataan Chairman Erick Lat, ibinahagi niya ang larawan ng passes na ibibigay sa bawat bahay sa Barangay 775 sa Santa Ana, Maynila. Maaaring gamitin …
Read More »7,000 namatay sa COVID 19 sa buong mundo
UMABOT na sa 7,984 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay matapos na makapagtala ng 823 binawian ng buhay sa nakalipas na magdamag. Ang Italy ay mayroon nang 2,503 bilang ng mga namatay habang 988 ang bilang sa Iran. Narito ang breakdown ng mga naitalang namatay sa iba’t ibang bansa at …
Read More »Ayuda sa kawani ng Quezon city hall hiniling sa konseho
BUNSOD ng kinakaharap na krisis ngayon dahil sa ipinatutupad na “enhanced community quarantine” dala ng coronavirus disease (COVID 19), isang panukalang resolution ang ipinanukala sa Quezon City Council para matulungan ang mga empleyado ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng calamity at financial assistance sa mga kawani ng pamahalaan ng lungsod Quezon. Isang resolution ang ipinanukala ni 5th District Councilor …
Read More »Kalusugan ni Digong ayos lang — Sen. Bong
WALANG dapat ipag-alala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni senator Christopher “Bong” Go na so far ay maayos ang kalusugan nila ng Pangulo. Mula aniya nang sumailalim sila sa COVID-19 test, wala namang nararanasang ano mang sintomas ng sakit ang Pangulo tulad ng sipon, ubo, lagnat o pananakit ng lalamunan. Gayonman, inamin ng …
Read More »Sa enhanced community quarantine… AFP/PNP, health workers frontliners vs CoViD-19 (Tao sa bahay; BPO/IT, ports tuloy sa operasyon)
EVERYONE must stay at home. Ito ang direktiba ng Palasyo sa lahat ng mamamayan sa buong Luzon alinusunod sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad ng gobyerno para labanan ang COVID-19. Inatasan ng Palasyo ang mga punong barangay ang mahigpit na pagpapatupad na isang tao lang ang puwedeng lumabas sa bawat bahay upang bumili ng mga batayang pangangailangan ng kanilang …
Read More »COVID-19 para masugpo… Malabon Mayor Lenlen Oreta nanawagan sa water concessionaires
HINIMOK ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta ang mga kompanyang responsable sa supply ng tubig sa lungsod tulad ng Maynilad at Manila Water na dagdagan ang supply ng tubig sa mga kabahayan sa Malabon mula sa maititipid nilang tubig na nakalaan sa mga mall at iba pang komersiyal na establisimiyento, alinsunod na rin sa “enhanced community quarantine” na ipinatutupad ngayon …
Read More »Pakiusap ni Isko sa lessor… ‘Wag munang maningil ng renta
UMAPELA si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga lessor o nagpaparenta ng commercial establishments na huwag munang maningil ng upa sa kanilang mga nangungupahan sa gitna ng nararanasang krisis ngayon sa COVID-19. Sa urgent appeal na inilabas ng Manila Public Information Office na pirmado ng alkalde, hiniling nito sa mga nagpapaupa sa mga pangkomersiyong establisimiyento sa lungsod ng Maynila …
Read More »P340K shabu nasamsam sa Maynila
NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang nasa P340,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang suspek na naaresto sa buy bust operation sa Maynila nitong gabi ng Lunes. Isang 50-anyos babae at 45-anyos lalaki ang natimbog matapos bentahan ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer dakong 7:45 pm sa Barangay 132, Tondo, Maynila. Narekober sa mga suspek ang …
Read More »