Monday , March 27 2023

SK Fed president pinagbabaril patay (Pinasok sa kuwarto)

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang pangulo ng Sangguniang Kabata­an Federation ng bayan ng Lumban, lalawigan ng Laguna, matapos pasukin at pagbabarilin sa kanyang sariling kuwarto nitong Martes ng hapon, 13 Abril.

Sa ulat, dakong 5:30 pm nang makatanggap ng tawag sa cellphone ang estasyon ng pulisya na nagpapabatid na mayroong insidente ng pamamaril na naganap sa Brgy. Maytalang Uno, sa bayan ng Lumban, sa nabanggit na lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Renzo “Eseng” Matienzo, 26 anyos, kasalukuyang SK Federation President ng Lumban, residente sa Cosme St., sa naturang bayan.

Nabatid na nasa loob ng kanyang kuwarto si Matienzo nang biglang dumating ang suspek at pinagbabaril nang maraming beses hanggang mamatay ang biktima.

Matapos ang pama­maril, agad tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na direksiyon.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng bala ng kalibre .45 baril.

Ayon kay P/Capt. Jose Marie Peña, hepe ng Lumban police, nagkasa na sila ng hot pursuit operation upan matugis at matukoy ang pagka­kakilanlan ng suspek at kanyang motibo sa likod ng pamamaslang.

Sa kanilang Facebook page, labis na nag­dalam­hati ang mga kabataan at kasamahan sa konseho ni Matienzo.

Nakilala bilang isang masayahin, matulungin at mabait na lider-kabataan si SK Eseng na naging malapit din sa mga lider-kabataan ng Bayan ng Siniloan.

Inihayag ng Pam­ba­yang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Siniloan ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya, mga kaibigan at malalapit sa buhay ni SK Eseng.

Kasabay nito, mariing kinondena ang pagpaslang kay SK Eseng.

Nananawagan ang Pederasyon ng hustisya para kay SK Eseng sa anila’y karumaldumal na pangyayari at sa lahat ng mga naging biktima ng extrajudicial killings.

Nagpasalamat sila sa pagiging isang mabuting ehemplo ng mga kabataan sa bayan ng Lumban ni Matienzo.

Anila, baunin nawa ni SK Eseng mo ang pagmamahal ng mga kabataan sa bayan ng Siniloan.

(BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …

Leave a Reply