Wednesday , September 11 2024

NTC pasaklolo na sa SC vs P2.5B NOW Telecom penalty

NANAWAGAN kaha­pon ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission na magsampa ng Motion for Early Resolution sa Supreme Court para pinal na maresolba ang apela ng NOW Telecom na humihirit ng rekonsiderasyon sa desisyon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67  supervision and regulation fees  at P9,674,190 spectrum user fees ang Next Mobile Inc., na ngayo’y gumagamit ng pangalang NOW Telecom Company, Inc.

Sa isang statement na ipinalabas ni Terry Ridon, Infrawatch PH convenor at dating House legislative franchises committee member, idiniin na ngayong tumitindi ang coronavirus crisis, lahat ng kontribusyon ng bawat ahensiya sa pondo ng bayan ay isang pangu­nahing obligasyon.

Kung mareresolba aniya ang apela ng NOW ay makatatanggap ang gobyerno ng karagdagang P2,566,410,944.99 (P2.566 bilyon) na bagong pondong magagamit laban sa pandemya.

Ito ay base na rin sa sulat ng NTC sa NOW Telecom noong 12 Oktubre 2020, nakasaad ang standing financial obligation ng naturang kompanya sa regulator. Ang halagang ito umano ay sapat para mabigyan ng subsidiya ang may 641,500 households kaya hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng inisyati­bang ito.

Ayon kay Ridon, binanggit ng Commission on Audit sa 2019 annual report nito ang isyu tungkol sa ipino­protestang receivables ng NTC na umaabot sa P3,304,104634.36 (P3.304 bilyon) na ang tanging apat na kaso ang nasasaklaw ng P3.216 bbilyon o 97.3-porsiyento ng kabuuang halaga.

Sa kabuuang receivables umano ng NTC, ang obligasyon ng NOW ay halos 77.7 percent ng kabuuang receivables ng regulator kaya naman maha­lagang maaksiyonan at maresolba ang apela sa SC.

“Relating NTC’s total receivables to NOW’s account, the telco’s  obligations constitute at least 77.6-percent of the regulator’s total receivables. As such, resolving the SC appeal is imperative, not only from a revenue standpoint, but also from an audit standpoint,” pahayag ni Ridon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Ridon ang SC na agad aksiyonan ang naturang isyu para maharap ng regulator ang iba pang receivables na umaabot sa P650 milyon.

“Bawat piso na puwedeng maibahagi ng bawat ahensiya sa laban ng pamahalaan sa coronavirus ay napakahalaga. Kung makokolekta ang natitirang P650 milyon, ang halagang ito ay magbibigay sa gobyerno ng pondo para sa 162,500 pamilya,” ani Ridon.  (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Arrest Posas Handcuff

Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya

ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …

SSS Cellphone

SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official

ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *