Thursday , June 4 2026
arrest prison

Motornapper arestado kasabwat nakatakas

ARESTADO ang isang lalaking sinasabing responsable sa nakawan ng mga motorsiklo sa lalawigan ng Bulacan habang nakatakas ang kaniyang kasabwat na sentro ng pagtugis ngayon ng pulisya sa lalawigan.

Kinilala ang hinihinalang kawatan ng motor na si Relly Rodas, residente sa Sangandaan, lungsod ng Caloocan, na nadakip sa Brgy. Biñang 2nd, sa bayan ng Bocaue, sa nabanggit na lalawigan, nitong Martes, 13 Abril.

Sa ulat mula sa Bocaue Municipal Police Station (MPS), kinuha ng suspek at ng kanyang kasabwat ang motorsiklo ng hindi pinangalanang biktima, isang Yamaha Mio Sporty 115cc na nakaparada sa harap ng kanilang bahay saka itinakas patungong bayan ng Marilao.

Agad inulat ng nakasaksi ang insidente hanggang magkatugisan na umabot sa Brgy. Biñang 2nd sa naturang bayan, kung saan nahuli si Rodas sa tulong ng mga barangay tanod, ngunit nakatakas ang kanyang kasabwat.

Nabawi mula sa suspek ang ninakaw niyang motorsiklo ngunit habang iniimbestigahan sa himpilan ng Bocaue MPS at nang kapkapan nakuha sa kanyang coin purse ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu, pekeng LTO driver’s license, Samsung E 1205 cellphone, at Lacoste na relo.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang matukoy kung ang grupong kinabibilangan ng suspek ang responsable sa sunod-sunod na nakawan ng mga motorsiklo sa lalawigan ng Bulacan.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …