Thursday , June 4 2026

Drug suspect patay sa buy bust sa Bulacan, 20 pa pinagdadakma

NAPASLANG ang isang drug suspect habang arestado ang 20 iba pang drug personalities sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng mga awtoridad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang kahapon, 14 Abril.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Espero Dacanay, alyas Nico, iniulat na sangkot sa talamak na pagtutulak ng ilegal na droga.

Batay sa ulat, ikinasa ang buy bust operation laban kay alyas Nico ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marilao Municipal Police Station (MPS) dakong 10:35 pm kamakalawa, sa Looban 2, Brgy. Loma de Gato, bayan ng Marilao, sa nabanggit na lalawigan.

Matapos ang transak­siyon, nakatunog ang suspek na may mga pulis sa paligid kaya binunot ang baril at habang tumatakbong palayo ay pinapuputukan ang poseur buyer na agad nakakubli.

Dito napilitang guman­ti ang back-up team at sa ilang minutong palitan ng putok ay nasapol ang suspek na nagresulta sa agaran niyang pagka­ma­tay.

Samantla, nadakip ang 20 pang drug suspects sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng municipal/city police stations ng Angat, Bulakan, Marilao, Meycauayan, Obando, at San Rafael.

Nakompiska ng mga awtoridad ang kabuuang 40 plastic sachets ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, at buy bust money mula sa mga suspek na nakatakdang sampahan ng kaso sa hukuman.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …