Sunday , November 24 2024

News

Klase sa Agosto ipinagpaliban sa Senate Bill

Students school

PUMABOR sa panukalang ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa 24 Agosto 2020, ang botong 23-0 sa Senado, para sa “Third” at “Final Reading” ng Senate Bill No. 1541.   Nakapaloob sa pinagtibay na panukalang batas ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda ng araw ng pasukan sa panahon o pagkatapos ng pandemyang COVID-19.   Sa Senate Bill …

Read More »

Anti-Terror Bill masahol pa sa HSA 2007 — NUJP (Duterte pinapapaspasan sa Kamara)

SINERTIPIKAHAN bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang House Bill 6875 upang dagdagan ang ngipin ng batas kontra-terorismo sa bansa. Sa liham ng Pangulo kay House Speaker Alan Peter Cayetano na ipinadala kahapon, hiniling niya ang kagyat na pagsasabatas ng bagong Anti-Terror Bill para masugpo ang mga gawaing terorista na binabanggit sa pambansang seguridad at para sa kapakanan ng mga …

Read More »

Misis bawal umangkas kay mister (Kabit na sidecar puwede sa motorsiklo)

DAGDAG-GASTOS para sa nagdarahop na manggagawa ang panukala ng Department of Interior and Local Government (DILG) na lagyan ng sidecar ang kanilang motorsiko kung gustong maisabay ang asawa o kaanak sa biyahe papasok sa trabaho.   Inihayag ito ng DILG matapos isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, ngunit ipinagbabawal pa rin ang angkas sa motorsiko.   “Papaano …

Read More »

P50-M overpriced medical supplies, nasamsam ng BoC-CIIS

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang tinatayang nasa P50 milyong halaga ng medical supplies at equipment mula sa mga bodegang sinalakay nila sa Wilson Street, Greenhills, San Juan at Malabon cities, na pagma-may-ari ng Omnibus Biomedical System, Inc. Ang naturang kompanya ay tinukoy kamakailan sa isang pagdinig sa Senado na nagbebenta ng overpriced automatic extraction machines …

Read More »

Hari ng Bahrain naggawad ng Royal Pardon sa 16 Pinoy

LUBOS na pasasalamat ang ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte kay King Hamad Bin Isa Al Khalifa sa paggawad ng  Royal Pardon sa 16 Pinoy sa Kingdom of Bahrain, kasama ang dalawang pinagkalooban ng pardon sa okasyon ng Eid’l Fitr.   Sa kalatas ay sinabi ng Pangulo na ang pagpapatawad ni King Hamad ay nagbigay-daan sa paglaya ng 16 Pinoy at pagbabalik …

Read More »

Suspensiyon ng LTFRB MC 2020-019 hirit ng bus passengers

LTFRB bus terminal

HINILING ng iba’t ibang sektor kabilang ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan, ang suspensiyon ng implementasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular (MC) 2020-019  o ang “Guidelines for the Operation of Public Utility Buses (PUBs) during the period of General Community Quarantine (GCQ)” sa Metro Manila. Ang unang maaapektohan ng implementasyon ng naturang LTFRB Memo na …

Read More »

Go rumesbak sa kritiko (Hindi ito panahon ng politika)

“HINDI nga natin alam kung aabot pa tayo ng susunod na taon kaya dapat unahin ang survival ng bawat Filipino.” Buwelta ito ni Sen. Christopher “Bong “Go sa mga kritiko na iniuugnay ang mga isinusulong niyang programa at panukalang batas sa umano’y ambisyon sa 2022 presidential elections. Ayon kay Go, hindi ito panahon ng politika at hanggang 2025 pa ang …

Read More »

Sakripisyo ng bansa ‘wag sayangin sa GCQ – Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbabalik-trabaho ng ilang sektor simula ngayon sa pag-iral ng general community quarantine (GCQ) upang hindi masayang ang sakripisyo ng lahat sa nakalipas na pitumpong araw. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kaya ng gobyernong labanan mag-isa ang coronavirus disease (COVID-19) at kailangan ang kooperasyon ng lahat. …

Read More »

Fake news vs Omnibus pinabulaanan (Walang monopolyo at dagdag-presyo)

MARIING itinatanggi ng  Omnibus Bio-Medical Systems. Inc, — ang tagapamahagi ng Sansure Biotech Inc., dito sa Filipinas — ang mga paratang na nagbenta sila ng gamit sa COVID-19 testing nang mas mataas na presyo sa nararapat. Ayon sa Omnibus, walang batayan at katotohanan ang lahat ng mga paratang. Bilang isang kompanya na nagbebenta ng gamit pang-medikal sa loob ng mahigit …

Read More »

P15 pasahe kasado sa San Juan (Sa muling pagbiyahe ng tricycle)

BALIK-BIYAHE ang mga tricycle sa pasaheng P15 kada isang pasahero simula kahapon, 28 Mayo, sa lungsod ng San Juan.   Tiniyak ito ni San Juan City Mayor Francis Zamora at kailangang isa lamang ang sakay kada biyahe.   Bawal din umano ang back rider o pasahero sa likod ng driver.   Ani Zamora, naglatag ng panuntunan ang pamahalaang lungsod upang …

Read More »

Cash incentives ipamamahagi sa public school graduates sa Navotas

Navotas

NAWALAN man ng oportunidad na makaakyat sa entablado para kunin ang diploma dahil sa ipinaiiral na health protocols sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sanhi ng pandemyang coronavirus, hindi naman mapipigilan ang graduates ng Navotas na makuha ang kanilang cash incentives mula sa pamahalaang lungsod.   Inianunsiyo ni Mayor Toby Tiangco nitong Lunes na mamamahagi ang pamahalaang lungsod …

Read More »

Bus puwede sa GCQ — Año

MAKABIBIYAHE na ang mga pampasaherong bus sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).   Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pero inilinaw na kinakailangan sumunod pa rin sa ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan, kabilang ang pagsasakay ng 50% ng kanilang passenger capacity upang matiyak na maoobserbahan ang physical distancing.   …

Read More »

2nd tranche ng SAP, mas mabilis — DILG (Sa tulong ng PNP)

MAGIGING mabilis ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP). Ito ang pagtitiyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa tulong ang Philippine National Police (PNP) sa pamamahagi lalo sa mga geographically isolated at disadvantaged areas sa bansa. Pero ang pangunahing mangangasiwa sa pamamahagi ay local government units (LGUs) at Department …

Read More »

Misis na lung cancer patient, mister patay (Ambulansiya sumalpok sa footbridge)

road accident

PATAY na ang mag-asawa sa limang sakay ng ambulansiya na bumangga sa foot bridge kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Rida Balanay, 38 anyos, lung cancer patient; at mister nitong si Emmanuel Balanay. Base sa ulat ng Quezon City Police District – Traffic Enforcement Unit (QCPD-TEU),  dakong  9:00 pm nang maganap ang insidente sa EDSA corner East …

Read More »

Puna ni Hontiveros: COVID-19 test results mas mabilis sa Chinese workers kaysa OFWs

  NAGTATAKA si Senadora Riza Hontiveros dahil halos Apat na araw lang ay nakukuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang kanilang COVID-19 test results.   Pinuna ito ni Hontiveros kaugnay ng kaso ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) na mahigit isang buwang naka-quarantine at hindi pa nakauuwi sa kanilang pamilya dahil sa nakabinbing COVID-19 test results.   Binigyang diin …

Read More »

“Bayanihan Act” pinalawig hanggang Setyembre 2020 (Zubiri inihain sa Senado)

NAGHAIN si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng panukalang batas na palawigin ang bisa ng Bayanihan to Heal as One Act hanggang 30 Setyembre 2020.   Sa ilalim ng naturang batas ay binibigyan ng dagdag na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para matugunan ang problema sa pandemyang coronavirus (COVID-19). Nakatakdang mapaso sa Hunyo ang naturang batas.   Sa panukala …

Read More »

Chinese alternative medicine sa ‘illegal hospitals’ puwede sa medical tourism (Kung aprobado sa FDA)

MAGIGING tanyag ang Filipinas sa larangan ng medical tourism o daragsain ng mga turistang magpapagamot  sa bansa kapag naaprobahan ng Food and Drug ADministration (FDA) ang traditional medicine na ginamit ng mga Chinese sa operasyon ng kanilang underground hospital na sinalakay ng mga awtoridad. Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagrerehistro ng FDA sa traditional medicine na ginamit …

Read More »

Balik Probinsiya implementer pinaalalahanan (Sa 2 beneficiaries na positibo sa COVID-19)

GAMPANAN nang wasto ang responsibilidad sa Balik Probinsya, Balik Pag-asa Program (BP2) upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Panawagan ito nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher “Bong” Go  kasunod ng ulat na dalawang umuwi sa Leyte mula sa Metro Manila sa pamamagitan ng BP2 ay nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa swabbing …

Read More »

Panganib sa ‘Balik Probinsiya’… 2 sa 100 umuwi sa Leyte positibo sa COVID-19

DALAWA sa 100 katao na umuwi sa lalawigan ng Leyte sa pamamagitan ng programang Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa (BP2) ang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19). Ayon sa tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Eastern Visayas sa isang press conference kahapon, Huwebes, 28 Mayo, ang mga nagpositibo ay isang 26-anyos lalaki mula sa bayan ng Tanauan, at isang 28-anyos na lalaki …

Read More »

Contact tracing libre sa PNP tech (Para sa target na COVID-free PH)

WALANG gastos ang gobyerno sa contact tracing o paghahanap ng mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) kung gagamitin ang teknolohiya mula sa Philippine National Police (PNP) gaya ng ginawa ng Baguio City, para sa layuning maabot ang COVID-free Philippines. “Wala po, libre po ito,” sabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, isang retiradong police general, sa …

Read More »

255 trike driver sa Manda positibo sa COVID-19

Covid-19 positive

POSITIBO ang 255 tricycle drivers sa COVID-19 samantala 400 market vendors ang negatibo sa virus sa isinagawang “rapid test” kamakalawa, 26 Mayo, sa lungsod ng Mandaluyong. Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, mahigpit na ipinatutupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) protocol sa lungsod. Bukod dito, susunod din aniya sa health protocol ang mga magbubukas na mall. Sa ngayon, …

Read More »

5 tiklo sa droga sa Marikina (Kahit nasa ilalim ng MECQ)

shabu drug arrest

ARESTADO ang limang katao sa isang drug bust operation nang bentahan ng hinihinalang droga ang isang pulis sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga nadakip na sina Ethel Cain Bonadio, 23 anyos, at kalaguyong si Russel Cruz, 19 anyos; Amber Bermudo, 36 anyos; James Monforte, 24 anyos, at Wecan Mae Bomio, pawang mga nadakip sa #75 Angel Santos St., Barangay …

Read More »

Coast guard patay, 6 pa sugatan sa tumaob na van sa Batangas

road traffic accident

HINDI nakasalba sa kamatayan ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang anim ang sugatan makaraang tumaob at magpaikot-ikot ang sinasakyang van, kamakalawa ng hapon sa Star Tollway ng Ibaan, Batangas. Ayon sa inilabas na pahayag ng PCG, hindi na umabot ng buhay sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center si Coast Guard Apprentice Seaman (ASN) Cenen Epetito. Kasalukuyang inoobsebahan …

Read More »

P12-M shabu nakuha sa 4 tulak (Pagluwag ng quarantine sinamantala)

SINAMANTALA ng mga notoryus na tulak ang bahagyang pagluluwag ng panahon nang sumailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) kaya umarangkada sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ang apat na suspek. Ngunit natimbog at nakuhaan ng tinatayang P12 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang mga suspek sa ikinasang buy bust operation kamakalawa ng hapon, 26 Mayo ng pinagsamang puwersa ng …

Read More »