Wednesday , August 10 2022

ECQ sa NCR, mas estrikto ngayon — Año

MAS magiging mahigpit ngayon ang ipatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula 6 Agosto hanggang 20 Agosto, kompara sa mga naunang ipinatupad na lockdown.

Ito ang paniniyak ni  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Ang lahat ng mga lalabag sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan ay sisitahin muna ng mga pulis at kung hindi tatalima sa instruksiyon na ibibigay sa kanila ay agad silang aarestohin.

Patatawan rin umano ang parusa base sa ipinatutupad na mga ordinansa na inilabas ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ng kalihim, magpapakalat rin sila ng police personnel sa mga lugar na madalas ay maraming tao at nagkaroon ng mga dating paglabag.

“Mas mahigpit tayo ngayong ECQ na ‘to. Ang tawag nga natin hard lockdown…kung may makikita diyan [na violator], talagang aarestohin ng ating mga pulis,” ayon sa DILG chief sa isang panayam.

Matatandaang umapela ang mga alkalde ng Metro Manila na isailalim muli ang rehiyon sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant ng CoVid-19.

Sinabi ni Año, sa panahon ng ECQ, target ng pamahalaan na makapagturok ng hanggang apat na milyong bakuna sa Nation Capital Region (NCR) para maprotektahan sila laban sa CoVid-19.

Daragdagan rin umnao ang kapasidad ng healthcare facilities gaya ng mga intensive care units (ICUs) at isolation centers upang makatanggap ng mas maraming pasyente.

Tiniyak rin ng kalihim na higit pa nilang paghuhusayin ang isinasagawang contract tracing at isolation ng CoVid-19 cases upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sinabi ni Año, ang orihinal na mungkahi ng mga eksperto ay magpatupad ng apat na linggong hard lockdown sa rehiyon ngunit dahil sa inaasahang magiging impact nito sa ekonomiya ay nagpasya ang pamahalaan na gawin na lamang itong dalawang linggo.

Dagdag ng DILG chief, matapos ang ECQ ay ia-assess ng pamahalaan ang CoVid-19 situation upang matukoy kung kakailanganin pa itong palawigin o hindi na. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan Police PNP

ABUSADONG ONLINE SELLER TIMBOG
18 tulak, 4 iba pa kalaboso

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng karahasan kabilang ang 18 tulak …

Prison Bulacan

Bilang ng PDL sa Bulacan Provincial Jail bumaba

BUMABA hanggang sa 1,696 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bulacan …

Mandaluyong

Sahod ng empleyadong JO sa Mandaluyong P10K na

TATANGGAP ng P10,000 ang mga empleyadong nasa ‘job order status’ sa lungsod ng Mandaluyong. Sa …

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

Leave a Reply