BINUWELTAHAN ng bagong distribution utility na More Electric and Power Corp., (More Power) ang Panay Electric Company (PECO) at inakusahan ng pagmamanipula ng mga numero sa insidente ng naranasang power outrages sa Iloilo City para palabasin sa Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkukulang at hindi karapat-dapat bilang power supplier ng Iloilo City. Ayon sa More Power malinaw na paninira at …
Read More »Kaban ng bayan nasimot ayuda ubos na (Sa bagong Modified ECQ)
SAID na ang kaban ng bayan kaya’t wala nang kakayahan ang administrasyong Duterte na magbigay ng ayudang pinansiyal at pagkain sa mga mamamayan. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi na kaya hindi na niya maaaring isailalim sa enhanced community lockdown (ECQ) ang Metro Manila, ayon sa apela ng health workers, ay bunsod ng kapos na kakayahan ng gobyerno …
Read More »Alternative work arrangement sa LGU offices ikinasa ni Isko (Ngayong Modified ECQ)
INATASAN ni ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang lahat ng departmento at tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ipatupad ang ‘alternative work arrangement’ ngayong panahon ng panibagong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod. Inilinaw ni Mayor Isko, kahit nasa MECQ dapat siguruhin ng lokal na pamahalaan na magpatuloy ang operasyon at pagkakaloob nila ng mga pangunahing …
Read More »Matinding korupsiyon sa LGUs pahirap sa Telcos
NAPAG-ALAMAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang matinding kuropsiyon at red tape sa mga LGU o lokal na pamahalaan ang sanhi ng mabagal na pagpapabuti at reporma sa serbisyo ng mga telco sa bansa. “It’s really corruption,” pahayag ng pangulo sa pakikipag-usap sa presidente at chief executive officer ng Globe na si Ernest Cu. Nangyari ang pag-uusap matapos magbanta si …
Read More »18 pulis, sibilyan tinamaan ng COVID-19 (Camp Olivas naka-lockdown)
KASALUKUYANG isinailalim sa lockdown ang Camp Olivas sa lalawigan ng Pampanga matapos makompirmang positibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 18 pulis na pawang nakatalaga sa PRO3 (Police Regional Office) sa loob ng kampo, at isang sibilyan sa isinagawang swab test nitong Huwebes, 30 Hulyo. Ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, karamihan sa kanila ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine upang …
Read More »Ambulansiya inambus nurse, driver kritikal (Sa Palawan)
BINAWIAN ng buhay ang isang nars habang sugatan ang isa pa nang tambangan ng hindi kilalang mga salarin ang isang ambulansiyang may sakay na mga volunteer medical rescuer patungong bayan ng Roxas, sa lalawigan ng Palawan, noong Sabado ng hapon, 1 Agosto. Kinilala ni P/Lt. Col. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police, ang namatay na nars na si Aljerome …
Read More »Siquijor nagtala ng unang kaso mula sa 2 LSI (Pitong buwan COVID free)
NAGTALA ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang lalawigan ng Siquijor mula sa dalawang locally stranded individuals (LSIs) mula Metro Manila, na umuwi sa probinsiya kamakailan at kasalukuyang nasa quarantine facility. Sa loob ng pitong buwan, nanatiling COVID-19 free ang lalawigan dahil sa mahigpit nitong implementasyon ng health at safety protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging …
Read More »Dagdag na pondo para sa COVID-19 vaccine, isinusulong ni Sen. Go
ISUSULONG ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pagkakaroon ng karagdagang pondo para sa pagbili ng bakuna para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) upang mas maraming mamamayan ang mapagkalooban nito. Ayon kay Go, karagdagan ito sa P20 bilyon na una nang inilaan ng Department of Finance (DOF) para makabili ng bakuna para sa 20 milyong indibidwal. “In addition to the …
Read More »Palasyo tikom-bibig sa 100K plus COVID-19 cases sa PH
KUNG dati-rati’y todo paliwanag ang Palasyo hinggil sa patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, kahapon ay tikom ang bibig ni Presidential Spokesman Harry Roque. “We defer to DOH,” matipid na sagot ni Roque nang usisain ng media sa kanyang reaksiyon sa pagpalo sa 103,185 kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon. Inihayag ni Roque …
Read More »Laging Handa, Laging Palpak
HINDI pala laging handa sa coronavirus disease (COVID-19) ang state-run television network na mouthpiece ng administrasyong Duterte sa kampanya kontra sa pandemya. Nabisto ito nang nagkagulo sa tanggapan ng People’s Television Network Inc. (PTNI) matapos matanggap ang ulat na apat na kawani nila ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) noong Sabado ng hapon. Base sa update ng Presidential Communications Operations …
Read More »Mega web of corruption: Obrero ng IBC-13, pinaasa sa wala ng Duterte admin
ni ROSE NOVENARIO TSINUBIBO ng administrasyong Duterte ang may 132 obrero ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) at napako ang mga pangakong mababayaran ang daan-daang milyong utang sa kanila ng management. Nabatid na may nakahaing reklamo ang IBC-13 Employees Union (IBCEU) sa Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay ng unfair labor practices (ULP) na nagaganap sa IBC-13. Kabilang sa inalmahan …
Read More »Crucifix sa ospital pinaaalis (Marcoleta binatikos)
BINATIKOS ng netizens ang panukala ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta kaugnay sa pagnanais na alisin ang “crucifix” sa lahat ng kuwarto ng ospital. Nakapaloob sa House Bill No. 4633 na, “making the hanging of religious mementos, such as crucifixes, in hospital suites optional.” Aalisin ang “crucifix” sa mga kuwarto ng ospital at hayaan na lang ang mga pasyenteng magpasya …
Read More »Mega Manila modified ECQ (Duque mananatili sa DOH)
BAGAMAT ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega sa kanyang tanggapan sa Palasyo kagabi para sa isang one-on-one meeting, nanatiling hepe ng ahensiya si Secretary Francisco Duque III. Nabatid sa Palace source, ang pulong ay naganap bago harapin ni Pangulong Duterte ang ilan sa kanyang “key cabinet members” para talakayin ang panawagan ng …
Read More »Maritime police timbog sa parricide
INIHARAP ng Provincial Intelligence Branch na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Vicente Cabatingan kay Cavite Police Provincial Office Director (PD) P/Col. Marlon Santos ang nadakip na pulis na si Patrolman Ricky Rico ng Maritime Group makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong parricide. Ayon sa imbestigador na si P/SSgt. Armin Matro ng General Trias CPS, naglabas ng warrant ang korte …
Read More »Pagkamkam sa 2 telcos maghahasik ng takot sa mga mamumuhunan (Babala ng advocacy group)
NAGBABALA ang isang lawyers’ advocacy group sa gobyerno kung tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bantang pagkamkam sa dalawang higanteng kompanya ng telekomunikasyon sa bansa ay maghahasik ito ng matinding takot sa mga mamumuhunan, dayuhan man o lokal. “Labag sa prinsipyo ng Konstitusyon na hadlangan ang pag-unlad at operasyon ng mahalagang industriya sa manipis na dahilan kahit maaaring maisaayos …
Read More »Approval ng cell tower permit pinabibilisan ni Duterte sa LGUs (Mula 200 days gawing 16 days — Sec. Año)
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng local government chief executives sa bansa na aksiyonan nang mabilis ang aplikasyon ng telcos para sa tower building permit, o harapin ang ‘pinakamasamang epekto’ ng pagkakaantala ng cell sites. Sa COVID-19 briefing sa Malacañang, masusing tinalakay ng halatang nayayamot na Pangulo ang mga paraan kung paano mapagbubuti ang internet connectivity para sa …
Read More »6,136 lockdown violators, naaresto sa Navotas
UMABOT sa 6,136 indibidwal ang nahuli ng mga awtoridad na lumabag sa ordinansa at health protocols sa ipinatupad na 14-day lockdown na nagtapos nitong Miyerkoles ng gabi dahil sa COVID-19 sa Navotas City. Ayon sa ulat ni Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas kay Mayor Toby Tiangco, 5,805 ang mga nahuling nasa hustong gulang habang 331 ang mga menor …
Read More »2 ex-OFWs, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu
NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Special Enforcement Service (PDEA-SES), Regional Office – National Capital Region, at Taguig City Police ang nabulagang tatlong suspek sa ikinasang buy bust operation na nakompiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, nitong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na …
Read More »Pasaway sa Marikina binalaan ni Teodoro (Pulis, barangay chairmen mananagot)
NAGBABALA si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa ilang barangay chairman dahil sa paglabag sa quarantine protocols. Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng panayam sa radyo hinggil sa mga ulat na nagkakaroon ng mass gathering gaya ng inuman at videoke sa ilang barangay sa Marikina City, kabilang sa Fortune, Parang, at Marikina Heights. “Bawal ‘yan. Hindi dapat mangyari… …
Read More »167 Filipino seafarers dumating na sa bansa
NASA bansa na ang karagdagang 167 Filipino seafarers mula sa Germany. Dumating mula Hamburg International Airport lulan ng charteted Condor airlines flight ang nasabing seafarers na mula sa iba’t ibang maritime companies. Ang pinakamalaking bilang ng crew members na may 70 manggagawa ay mula sa kompanyang Marlowe Shipping Management Company na nakabase sa Germany. Isinagawa ang repatriation …
Read More »48 LSIs sa Rizal Stadium positibo sa COVID-19
UMABOT na sa 48 locally stranded individuals (LSIs) na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar. Matatandaan na umabot sa libo-libong LSIs ang dumagsa sa stadium sa layong makapagpa-rapid …
Read More »14 Pinoy seafarers sa Brazil nagpositibo sa COVID-19
LABING-APAT pang Pinoy seafarers na nasa Brazil, ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Brazil Philippine Ambassador Marichu Mauro. Sa report, sinabing nasa 11 seafarer ang naka-recover, 2 ang nananatili sa ospital at isa ang pumanaw. “Mayroon tayong Filipno seafarers, hindi po sila nakatira rito sa Brazil ngunit dumaong ang ship sa Brazilian ports, mayroon po tayong mga 14 …
Read More »Titser na pinapasok sa iskul sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO ang isang guro ng Manuel A. Roxas Senior High School sa Maynila matapos makaramdam ng sintomas ng COVID-19. Sa ulat, ang naturang guro ang pangulo ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC), Manila chapter na si Ildefonso “Nono” Enguerra III. Ayon sa report, 22 Hulyo nang sumailalim ang nasabing guro sa swab test matapos magkaroon ng mataas na lagnat, …
Read More »19 bodega sa Tondo naabo
TINUPOK ng apoy ang isang commercial area sa Bambang Street, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Fire Senior Superintendent Geranndie Agonos, District Fire Marshall ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang malalaking warehouse building na nagsisilbing bodega sa 19 establisimiyento ang natupok. Sa report, pawang mga tela, laruan, medical supplies at furniture ang laman ng warehouse …
Read More »3 akusado sa hazing na ikinamatay ni Dormitorio inilipat sa Baguio City Jail
ILILIPAT sa Baguio City Jail ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa hazing at pagpatay kay 4th cadet class Darwin Dormitorio. Kasunod ito ng kautusan ni Baguio Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera. Sa kanyang kautusan, sina PMA 3rd class cadets Shalimar Imperial, Felix Lumbag, at Julius Tadena ay pinalilipat …
Read More »