Sunday , May 19 2024

News

Sa gulo sa Middle East… Presyo ng langis bantayan — Senator Koko Pimentel

SA nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran, hini­kayat ni Senador Aquilino Pimentel III ang Department of Energy na bantayan ang galaw ng presyo ng langis sa pan­daigdigang pamilihan. Ayon kay Pimentel, dapat din tutukan ang mga bansa na pinag­kukuhaan ng supply ng langis ng Filipinas sa katuwiran na patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo ay maaaring …

Read More »

Para sa Middle East OFWs: Bilyones na contingency fund mungkahi ng Pangulo

IPINANUKALA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magsagawa ng dalawang araw na special session para magpasa ng resolusyon para sa paglalaan ng bilyon-bilyong pisong contingency fund para sa paglikas ng mga Filipino sa Gitnang Silangan kapag lumala ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran. Nais ng Pangulo na may nakahandang pondo upang magamit anomang oras  na kailangang ilikas ang …

Read More »

Bangkay nakasilid sa sako, itinapon sa tapat ng bahay

NAKATALI pa ng kurtina ang kamay at isinilid sa sako nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa harap ng isang bahay sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Sa pagsusuri ng pulisya, nakitaan din ng marka sa leeg na indikasyon na binigti ang biktima na inilarawang nasa edad 30 hanggang 35 anyos, may taas na 5’6 hanggang 5’11, nakasuot ng …

Read More »

P64K shabu nakuha sa 2 tulak

shabu drug arrest

NAKUHA sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nasa P64,000 halaga ng shabu sa buy bust operation ng mga pulis sa Malabon City. Kinilala ni Malabon Police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong sus­pek na sina Darwin Desier­to, 39 anyos, pedicab driver; at John Romilo, 25 anyos, tattoo artist, kapwa residente sa Caloocan City. Sa imbestigasyon ni …

Read More »

4 katao timbog sa pot session

drugs pot session arrest

APAT katao ang naaresto kabilang ang isang menor de edad estudyante na na-rescue ng mga awtoridad matapos maaktohang sumisinghot ng shabu sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan Police Community Precinct (PCP)-1 P/Capt. Jeraldson Rivera ang mga naarestong suspek na sina Janis Ian Tamargu, 43 anyos, Rodel Punay, 55 anyos, Ramil Gonzales, 47 anyos at ang 17-anyos binatilyong …

Read More »

2 kelot nagpakamatay

DALAWANG lalaki ang nagpasyang kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner at pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa Malabon City. Sa ulat ni P/SSgt. Richard Andrew Calaycay kay Malabon Police chief, P/Col. Jessie Tamayao, dakong 9:20 pm, ginigising ng kanyang ina ang biktima na si Jayson Miclat, 33 anyos, helper, sa loob ng kanilang bahay sa …

Read More »

Petisyon laban sa bus ban ihihirit ng Ako Bicol sa SC

MULING hihirit ang Ako Bicol Party-list sa Korte Suprema patung­kol sa pagbabawal ng mga pamprobinsyang bus sa Metro Manila dahil labag ito sa Saligang Batas. Ayon kay Rep. Alfredo Garbin, kailangan umano, ng agarang aksiyon ng Korte dito dahil apekatado ang lahat ng biyahero maging matanda o bata man. “The SC should have taken jurisdiction over the petition on the …

Read More »

Karneng baboy na nagpositibo sa ASF sisiyasatin ng QC Councilor

MAKARAANG mag­positibo sa African Swine Fever (ASF) ang karne ng baboy na ibinebenta sa isang supermarket sa Quezon City, sisiyasatin ng isang QC councilor kung paano nakalusot ang naturang karne nitong nakalipas na Holiday season. Sinabi ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco, nais niyang malaman kung paano nakalusot ang naturang karne ng baboy na hini­hinalang may ASF at naibenta pa …

Read More »

DH ban sa Kuwait suportado ni Go

OFW kuwait

SUPORTADO ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukalang pagba­bawal sa pagpapadala ng domestic workers sa Kuwait. Gayonman, inilinaw niyang kailangan hintayin ang desisyon ni Pangu­long Rodrigo Duterte hinggil sa isyu. Paliwanag ni Go, ibinabalanse ni Pangulong Duterte ang mga ma­wawalan ng trabaho sa deployment ban at kaila­ngang matiyak ang kapa­kanan ng nakararami. Samantala, inilinaw ni Go na hanggang walang kautusan …

Read More »

P4.1-T nat’l budget lalagdaan ngayon ni Pangulong Duterte

NAKATAKDANG pirmahan ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.1 trilyong national budget para sa kasalukuyang taon. Ang paglagda sa 2020 budget ay gaganapin ngayong 4:00 pm sa Palasyo. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, naantala nang isang linggo ang pagpirma sa 2020 budget dahil binusisi nang husto ng Pangulo ang lahat ng probisyon nito. “This President is a lawyer …

Read More »

Exodus ng OFWs sa Middle East iniutos ni Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghanda para agad mailikas ang libo-libong Filipino sa Gitnang Sila­ngan sakaling tumindi ang tensiyon sa pagitan ng US at Iran bunsod nang pagpatay ng Ameri­ka kay Iranian General Qassem Soleimani. “Nagpatawag si Pangulong Duterte ng meeting kasama ang chief of staff ng AFP kung ano ang magiging …

Read More »

Sa pagpatay ng US kay Soleimani… China, Russia makikinabang — Joma Sison

PABOR sa China at Russia sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian General Qassem Solei­mani at mga kasama niyang mga opisyal ng Iran at Iraq sa Baghdad airport kamakailan. Ito ang inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa isang kala­tas. Aniya, ang mga bansa sa Gitnang Silangan na kinondena ang ‘multiple murder’ na iniutos …

Read More »

Quiapo vendors ‘umiiyak’ ‘di makapagtinda nang maayos

‘UMIIYAK’ na ang mga vendor sa paligid ng Quaipo church dahil sa ginagawang clearing operations para sa pagha­handa ng Traslacion 2020 sa Enero 9. Bagamat nakapuwes­to pa sila sa mga gilid-gilid, daing nila, ang hirap ng kanilang sitwasyon dahil halos wala na silang pagkakataong makapag­tinda at kumita nang maayos ‘di tulad sa mga nagdaang panahon. Reklamo ng ilang tinder, maaari …

Read More »

Para sa Traslacion 2020: Zero vendor sa Quiapo, utos ni yorme

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang zero vendor policy sa darating na pista ng Itim na Nazareno sa 9 Enero 2020. Hindi papayagan ni Isko na makapagtinda ang ambulant vendors partikular sa kasagsagan ng  Traslacion 2020. Ang pagbabawal ay ipinahayag ni Mayor Isko sa kanyang “The Capital Report” na nagpa­pa­hayag na tablado ang lahat ng vendor at …

Read More »

Sa Lucky Plaza, Singapore… 2 Pinay todas sa car crash, 4 pa sugatan

PATAY ang dalawang babaeng overseas Filipino workers (OFW) habang apat na iba pa ang sugatan nang masagasaan ng isang kotse sa katabing kalsada ng Lucky Plaza mall sa Singapore kahapon ng hapon, 29 Disyembre. Kinompirma ni Minister and Consul General Adrian Cando­lada ng Philippine Embassy sa Singapore na pawang mga Filipina ang mga biktima sa nasabing freak accident. Dinala ang …

Read More »

P4.1-T 2020 nat’l budget maingat na binubusisi ni Duterte

TODO ang pagbusisi ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa P4.1 trilyon 2020 national budget. Pahayag ito ng Palasyo matapos ratipi­kahan ng dalawang kapu­lungan ng kongreso ang pambansang pon­do. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nababago ang paninindigan ni Pangulong Duterte na i-veto ang mga probisyon na taliwas sa Saligang Batas. Una rito, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na mayroong P83 bilyong …

Read More »

Mungkahi ng NDF: Ceasefire sa Pasko aprub sa Palasyo

Malacañan CPP NPA NDF

KINOMPIRMA ng Malacañang na inire­komenda ng government peace panel at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na magdeklara ng ceasefire ngayong Kapaskuhan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang tugon si Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomen­da­syon ng dalawang grupo. Ipinanukala ng govern­ment peace panel at NDFP na ipatupad ang tigil-putukan sa hating­gabi ng 23 Disyembre 2019 at tatagal …

Read More »

17,000 ANGKAS bikers ‘jobless’… Iregularidad sa LTFRB ruling, umalingasaw

SUMINGAW ang iregu­la­ridad sa proseso ng bagong Technical Working Group para sa motorcycle taxi na naging daan sa pagpapalabas ng kautusan na nagta­tanggal sa trabaho sa 17,000 Angkas drivers simula ngayong Kapas­kuhan.  Mariing kinondena kahapon ni George Royeca, Chief Transport Advocate ng Angkas, ang umano’y hindi patas at hindi makatarungang ruling na nilagdaan ng bagong Technical Working Group (TWG) head …

Read More »

Sa Pulse Asia Survey: Cayetano, highest sa pagtaas ng rating

NAITALA ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pinakamataas na pagtalon ng approval at trust rating sa Pulse Asia Survey sa apat na pinakamatataas na opisyal ng bansa kabilang na dito si Pangulong Duterte   Vice President Leni Robre­do at Senate President Tito Sotto. Ang survey ay isinagawa mula 3-8 Disyembre kasabay ng pagho-host ng Filipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) …

Read More »

House Speaker Alan Peter Cayetano nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings, ayon sa Pulse Asia survey

Lumabas na si Speaker Alan Peter Cayetano ang nanguna sa apat na pinakamataas na opisyal ng bansa sa bagong survey na inilabas ng Pulse Asia, kung saan siya ay nakakuha ng mataas na approval at trust ratings simula pa noong Setyembre. Ayon sa poll mula December 3 hanggang December 8, ang approval rating ni Speaker Cayetano ay nasa 80 percent, …

Read More »

Aktres, on drugs pa rin?

blind item woman

ANG kontrobersiyal na aktres palang ito ang personal na bumibili ng kanyang mga gamot sa botika. Minsan ay nangailangan niyang bilhin ang isang iniresetang gamot ng kanyang doctor, pero hindi umubra ang dinala’t ipinakita niyang prescription sa counter. Ang siste, nasa ilalim pala ng kategoryang prohibited drugs o substances ang binibili niyang gamot na kailangan ng tinatawag na yellow prescription. Kumbaga, hindi …

Read More »

Sa 2009 Ampatuan massacre… 8 Ampatuans, 20 pa kulong habambuhay

RECLUSION perpetua ang ipinataw na parusa batay sa hatol ng Quezon City Regional Trial Court sa ilang miyembro ng pamilya Ampatuan kabilang sina Datu Andal, Jr., at Zaldy na napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” sa pagpaslang 57 katao kaugnay ng naganap na Ampatuan massacre noong 2009. Bukod kina Andal, Jr., at Zaldy Ampatuan na dating gobernador ng Autonomous Region for …

Read More »

Digong sa PSG lang puwedeng magmotorsiklo (Hinigpitan ng PSG)

INAASAHAN ng Presidential Security Group (PSG) na pangunahing target ng asasinasyon ng New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte. “We expect that the President is number one in their list,” sabi ni PSG Commander BGen. Jose Niembra sa press briefing kahapon sa Palasyo. Tiniyak ni Niembra, may sapat na kakayahan ang PSG para proteksiyonan ang Pangulo. “So as to …

Read More »

Taas sahod aprobado sa Kamara

IPINASA na sa Kama­ra ang panukalang pagtaas ng sahod ng mga sibilyang kawani ng gobyerno sa pangat­lo at huling pagbasa sa panukala kahapon. Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quim­bo, ang House Bill No. 5712 ay nagtutulak sa mga kawani ng go­byerno para maging mabilis at mahusay sa serbisyo publiko. Ani Quimbo, ang mataas na sahod ay nagreresulta sa mas produktibong …

Read More »

Onerous provisions sa water concession agreement ipinasilip

tubig water

SINABI ni Go na pina­titingnan ni Pangulong  Duterte sa DOJ ang mga onerous provisions sa concession agreement ng dalawang water company sa gobyerno na hindi pabor  sa taong bayan. Ayon kay Go, intere­sado ang pangulo na malaman kung bakit nagkaroon ng provisions sa kasunduan na hindi pabor sa consumers. Binigyang diin ni Go, dapat ay interes ng mga Filipino ang mangibabaw sa lahat …

Read More »