Wednesday , August 10 2022

Top 4 MWP ng Zambo del Norte nasakote sa Bulacan

NADAKIP ang itinuturing na pang-apat na most wanted person (MWP) ng Leon Postigo, Zamboanga Del Norte sa inilatag na manhunt operation ng pulisya sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 1 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang nadakip na suspek na si Jonathan Ambang Sangcom na nasukol sa Sto. Niño Robinson, sa nabanggit na lungsod.

Ikinasa ang manhunt operation laban sa akusado ng magkasanib na mga operatiba ng CIDG Zambaoanga Del Norte PFU9 bilang lead unit, CIDG ZSP PFU, CIDG ZCFU, CIDG DSOU, RHPU9, Leon Postigo MPS, at Meycauayan CPS, Bulacan PPO.

Inaresto si Sangcom sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Rape kaugnay sa RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) na walang itinakdang piyansa.

Nakatakda nang ibiyahe ng mga awtoridad ang suspek patungong Leon Postigo, Zamboanga del Norte kung saan naganap ang kinasasangkutang krimen. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

fire dead

Sunog sumiklab sa Bataan
MAG-AMA PATAY, 14 BAHAY NATUPOK

PATAY ang isang lalaki at kanyang 20-anyos anak na babae sa sunog na tumupok sa …

arrest posas

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan …

arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package …