Wednesday , December 1 2021

Rider, pedestrian dedbol sa motorsiklo

ISANG motorcycle rider at pedestrian ang binawian ng buhay, habang sugatan ang babaeng angkas sa motorsiklo sa nangyaring aksidente sa tulay kamakalawa sa Taguig City.

Kinilala ang mga biktima na sina Richard Villan, 39 anyos, self-employed, residente sa Damayan, Taytay, Rizal, driver ng CBR 150 Motorcycle, may plakang ND 71958; at Novem Abelong, 31 anyos, binata, pedestrian, residente sa Plaridel, Bulacan.

Minor injury ang pinsala ng back rider at kinakasama ni Villan na si Alma Albaro, 48 anyos.

Sa ulat ni P/SMSgt. Luthgarda Osea, imbestigador ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa Commando Bridge, C-5 Road southbound lane, Brgy. Pinagsama sa nasabing lungsod, dakong 8:30 pm.

Sa inisyal na imbestigasyon, mula sa Market Market binabagtas ng motorsiklo ang C-5 Road patungo sa Taytay, Rizal sakay sina Villan at Albaro.

Ngunit pagsapit sa tulay, nahagip ang tumatawid sa kalsada na kinilalang si Abelong.

Ayon sa pinsan ni Abelong, nakaladkad ng naturang motorsiklo ang biktima ng hanggang 20 metro ang layo na nagresulta ng agarang pagkamatay ng biktima.

Bukod kay Abelong, iniulat din ng awtoridad na namatay ang rider na si Villan dahil sa insidente habang bahagyang nasugatan ang angkas nitong si Albaro. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Hataw Frontpage Bong Go umatras sa 2022 prexy race

Bong Go umatras sa 2022 prexy race

ni ROSE NOVENARIO             TINULDUKAN ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang ambisyong maluklok bilang susunod …

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay …

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa …

3 tulak tiklo sa droga (Sa Pasig) Edwin Moreno

Sa Pasig
3 TULAK TIKLO SA DROGA

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy …

Mary Mitzi Mitch Cajayon-Uy

Cajayon-Uy:
OMBUDSMAN, KAILANGANG REPORMAHIN

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong 12 …