IDINEKLARA ng lokal na pamahalaan ng Rodriguez, sa lalawigan ng Rizal, ang pagsasailalim nito sa state of calamity nitong Lunes, 10 Agosto, sa gitna ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng pinaigting na Habagat.
Sa pahayag ng Rodriguez, Rizal LGU, inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang deklarasyon upang mapabilis ang pagresponde sa mga apektadong residente sa pangunguna ni Mayor Ronnie Evangelista, na pinaboran ng Sangguniang Bayan.
Samantala, nananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong mga paaralan sa naturang bayan ngayong Martes, 11 Agosto.
Isasagawa ang klase ng mga apektadong estudyante sa pamamagitan ng alternative distance learning modalities alinsunod sa patakaran ng kanilang mga paaralan.
Samantala, ginagamit ang ilang mga paaralan sa munisipalidad bilang mga evacuation center para sa mga residenteng apektado ng pagbaha.
