MATABIL
ni John Fontanilla
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang nag-trending na wet look photo ni Nadine Lustre.
Maraming netizens ang naseksihan at nagandahan sa larawan ni Nadine.
Ang larawan ay kuha sa shoot ng kanyang
music video para sa bago niyang single, ang Personal.
Ito ang magiging pagbabalik ni Nadine sa mundo ng musika matapos ang tatlong taon. Ang kanyang huling awitin na Overgrown ay inilabas noong 2023.
Inilabas ni Nadine ang kanyang latest single na Personal last July 31 sa lahat ng streaming app. worldwide.
Bukod sa kanyang newest single, mapapanood din si Nadine sa hit romantic comedy series na Love, Siargao kasama ang Asia’s Multi Media Star na si Alden Richards sa Viu Philippines.
