MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ni Ruru Madrid na nagawa niyang pagtaksilan o lokohin ang kanyang girlfriend na si Bianca Umali noon. Pero pinatawad naman siya nito.
At ayon nga kay Bianca, sa isang interview sa kanya, sinabi niya na mas pinili niyang patawarin si Ruru sa pagtataksil nito noon, kaysa magalit at makipaghiwalay.
Naniniwala ang dalaga sa pagbibigay ng second chance sa mga taong nagkamali na sincere sa kanilang pagsisisi at pangakong pagbabago.
Pinaalalahanan din ni Bianca na sana’y palaging piliin ng bawat isa ang maging mabuti sa kapwa sa kabila ng mga nagawang kasalanan, sa kaibigan man o mahal sa buhay.
Sabi ni Bianca, “I think the best advice to give to everyone is to always choose kindness at the end of the day, anoman ang pinagdaraanan natin.
“Nasaktan man tayo. Nakagawa man ng masama sa atin ang mga tao. Kahit sino pa ‘yan.
“Choose to understand the situation in the best way that we could. ‘Wag tayong humawak at manatili sa galit at sama ng loob.
“At wala pong mas tama pa sa pagpapatawad,” mariing sabi pa ni Bianca.
