Tuesday , November 30 2021
Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022
Rodrigo Duterte, Sara Duterte, Elections 2022

Digong, Sara ‘walang hiya’ kapag tumakbo sa may 2022 (Sa palpak na CoVid-19 response)

HATAW News Team

WALA nang karapatang ipresenta nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte ang kanilang sarili sa harap ng publiko, wala na silang karapatan pang tumakbo sa 2022 national elections.

Iginiit ito ng grupo ng healthworkers na nanindigang ibang administrasyon ang kailangan ng bansa para tuluyang makabangon sa pandemyang sa loob ng dalawang taon ay walang nagawa ang administrasyon Duterte.

Kung sa ibang bansa ay normal na ang pamumuhay, sa Filpinas ay nasa ikatlong CoViD-19 surge pa, bunsod ng palpak na CoVid-19 response ng pamahalaan.

Pahayag ni Medical Action Group (MAG) Chairperson, Dr. Nemuel Fajutagana, “Mayroon pa bang karapatan ‘yung mga ganitong politiko? Ibig sabihin may gana pa ba silang tumakbo at ipresenta ang kanilang mga sarili sa harap ng mga ganitong pangyayari? Sa lahat ng failure of policies, tapos sa harap ng mga ganitong anomalya? Paano ako boboto sa isang grupo ng politiko o mga politiko na pinabayaan ang tunay na kalagayan ng ating mga kababayan sa panahon ng krisis at sa panahon na nakita natin na marami palang pera pero gano’n gano’n na lang binaboy ‘yung proseso sa paggamit nito, habang ang tunay na nangangailangan na healthworkers ay isinugal ang buhay.”

Giit ni Fajutagana, wala sa tamang pag-iisip kung ibabalik ang ganitong klaseng politiko na isinugal ang buhay ng frontliners, nakahiga sa mga hallway, overtime, double duty, at underpaid.

“Ikaw ba sa tamang pag-iisip mo ay gusto mo pa bang bumalik ‘yung mga ganitong klaseng politiko?” mariing tanong ni Fajutagana.

Inamin ng grupo, isa sa naging malaking factor kung bakit pumalpak ang CoVid-19 response ng Duterte administration ay ginamit ang pandemya sa pamomolitika.

Inihalimbawa nito ang vaccination na maraming pagkakataong nag-override ang health officers sa desisyon ng mga bakuna dahil sa pakikialam ng mga barangay, mayor, at governor, lalong magulo pa kung magkaiba sila ng political affiliation.

“Biglang nagse-certify ang local officials na indigent ito pero hindi naman nakalista sa regular na indigent. Bakit nangyayari ito? Kasi malapit na ang eleksiyon, nagamit sa politika ang CoVid response, in aid of reelection ang naging programa,” paliwanag ni Fajutagana.

“Ganito rin umano ang dahilan ng malalaking kontrata sa Department of Health (DOH) na pinondohan ng bilyon-bilyong piso ngunit hindi nakarating sa tao, transparency ang isa sa pinakamalaking kuwestiyon sa Duterte administration,” mariing paliwanag ni Fajutagana

Aniya, sa buong mundo ay iisa lang ang CoVid response na ginagawa at maraming bansa ang natugunan ang pandemic subalit sa Filipinas, ang naging malaking problema ay governance ng administrasyon.

“Naging aid of re-election din ‘yung mga questionable deals ng administration because they need funds for the campaign,” giit nito.

Naniniwala ang grupo na hindi rin si Mayor Sara ang makatutulong at maghahatid ng pagbabago sakaling maluklok sa pwesto, nakasisiguro na ang mga desisyon niya ay impluwensiya rin ng ama.

“Sino pa ba ang mag-i-influence sa anak? Sana nga kung siya, hoping she will be different. E lahat ‘yun ay ‘sana’ na lang e. Pero sa nakaraang kasaysayan na napagdaanan natin for the last almost six years na, mukhang mahirap isugal sa ‘sana.’

“Dapat talaga ay ibang-iba ang ating mailagay, mailuklok. Ibang-iba in the context of both principles, ‘yung totoong crusader sa anti-corruption at totoong concern sa pangangailangan ng mga tao, hindi lang ng health frontliners lalo ‘yung nasa vulnerable sectors na mas nagsa-suffer sa crisis na ito,” paliwanag ni Fajutagana.

Nanindigan ang medical group na hindi na sina Pangulong Duterte o Mayor Sara ang dapat iluklok, para magkaroon ng tunay na pagbabago.

“Kailangan talaga nating tingnan ang taong bago. It should be new politics and will also involve new people na sana ay alam nating malinis,” pagtatapos ng lider ng grupong MAG.

About hataw tabloid

Check Also

Sa kampanya kontra krimen
TULAK, PUGANTE, 14 PA, TIMBOG SA BULACAN

INARESTO ang isang drug suspect, isang pugante, 9 sugarol at limang suspek sa iba’t ibang …

2 kabataan timbog sa pagnanakaw sa construction site

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaki na pumasok at nagnakaw sa isang construction site sa …

Obrero kritikal sa pananaksak ng tatlong kelot

NASA malubhang kalagayan ang isang obrero makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng tatlong lalaki sa Malabon City, …

Win Gatchalian

Sapat na pondo sa SHS financial assistance program giit ni Gatchalian

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian na mapunan ang kakulangan sa pondo ng Senior High School …

Kiko Pangilinan

Pandemya tapusin mamamayan magbakuna — Pangilinan

NANAWAGAN si vice presidential aspirant Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa lahat na huwag sayangin ang …

Leave a Reply