Thursday , May 26 2022
Don Ramon Bagatsing, Honey Lacuna, Isko Moreno, Manila
Don Ramon Bagatsing, Honey Lacuna, Isko Moreno, Manila

VM Honey can lead Manila, kung ‘aakyat’ si Yorme Isko — Bagatsing

“KUNG sakaling ‘aakyat’ o papalaot pa sa karera ng politika si Yorme Isko, kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila.”

Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing.

“Walang nakaalam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksiyon kundi siya at ang kanyang destiny. Kung aakyat siya next year, Yorme can pass the baton to Honey Lacuna. She can lead Manila, continue the fight against CoVid, and continue the development of the City,” ani ni Bagatsing.

Sinabi ni Bagatsing na workaholic, magaling, matalino, may pusong dalisay, at busilak na pagmamahal sa mga Manilenyo si doktora Honey Lacuna.

“I’ve seen firsthand how she handled the CoVid pandemic, behind the scenes. No fanfare, no gimmicks, just work.”  

Ayon kay Bagatsing, kung mananatili pa ang CoVid-19 sa ating bansa hanggang next year ay  kailangan ang lider na may medical experience at malawak na karanasan para i-manage ang lokal na ekonomiya at lumikha ng maraming trabaho sa mga Manilenyo.

“CoVid-19 is here to stay for the next few years, so leaders need medical experience first, in tandem with managing the local economy and creating jobs for all Manileños.”

Giit ni Bagatsing, kailangan ay maipag­patuloy ang magandang nasimulan sa Maynila.

“You will need continuity in policies next year, because and’yan pa ang CoVid at bagsak ang ekonomiya. May plano na e, ikinasa na ni Isko, so itutuloy na lang ni Honey,” sabi ng dating Konsehal.

“‘Pag paangat na ang Maynila, you don’t change horses in mid stream,”  ani Bagatsing.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply