Sunday , November 24 2024

News

Panawagan ng Pamalakaya: Hustisya at reporma, para makamtan, Duterte resign

MAKAKAMIT lamang ang hustisya at reporma sa bansa kapag nagbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte  at palitan ng lider na may respeto sa demokrasya at may kakayahang tugunan ang mga hamon ng coronavirus disease (CoVid-19) pandemic. Panawagan ito ng militanteng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), isa sa mga grupong lumahok sa paggunita kahapon ng Global Day …

Read More »

Takeover sa hotels, dormitories isusulong (Para sa quarantine at isolation facilities)

SASAKUPIN ng gobyerno ang mga hotel at dormitory sa bansa para gawing quarantine at isolation facilities upang matugunan ang kakulangan ng pasilidad sa patuloy na paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa bansa. Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na kulang ang mga itinakdang We Heal As One centers at Ligtas Centers ng mga lokal na pamahalaan at maging ang mga …

Read More »

Mega web of corruption: Mula sa P214-M, DepED project sa IBC-13 libre na?

ni Rose Novenario NADAGDAG sa mga misteryo sa state-owned  Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13)  ang biglang paglalaho ng planong P214-milyong kontrata sa Department of Education (DepED) para maging “DepEd Official Channel” sa isinusulong na broadcast-based mode of learning. Sa pulong kamakailan, sinabi umano ni Corazon Reboroso, Officer-In-Charge ng IBC-13, sa mga opisyal ng IBC Employees Union, na naunsyami ang P214-milyong proposal …

Read More »

65,000 residente ikonsidera sa PECO vs MORE power (Iloilo City consumers sa Supreme Court)

CONSUMERS at mga residente ng Iloilo City mismo ang umaapela sa Korte Suprema bilang final arbiter sa legal issue sa pagitan ng dalawang distribution utility — ang More Electric and Power Corp., at Panay Electric Company (PECO) — na magdesisyon sa kaso, na may pagsaalang-alang sa kapakanan ng 65,000 power consumers ng lalawigan. Ang pahayag ay ginawa ng pinakamalaking transport …

Read More »

Duterte todo-tiwala pa rin kay Sec. Duque (‘Godfather’ man ng PhilHealth mafia)

TINAGURIAN man si Health Secretary Francisco Duque III bilang ‘Godfather’ ng mafia sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng whistleblower sa pagdinig sa Senado, may tiwala pa rin sa kanya si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng mga panawagan na sibakin ang Health Secretary at pagkabulgar ng umano’y multi-bilyong anomalya sa PhilHealth na bahagi …

Read More »

Revilla isinugod sa ospital (Dahil sa CoVid-19 pneumonia)

ISINUGOD si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., sa pagamutan nitong Martes, 18 Agosto, halos isang linggo matapos makompirmang positibo siya sa coronavirus disease noong isang linggo.   Sa isang social media post, sinabi ng maybahay ni Revilla na si Bacoor Mayor Lani Mercado, nagkaroon ng pneumonia ang senador ayon umano sa resulta ng kaniyang X-ray.   “Father God, pls help …

Read More »

Brodkaster sa Butuan arestado sa cyberlibel

DINAKIP sa lungsod ng Butuan ang isang brodkaster sa radyo sa lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte, nitong Martes, 18 Agosto, dahil sa akusasyong paglabag sa cybercrime law.   Kinilala ng Butuan police ang suspek na si Ramil Bangues, station manager at anchor ng dxBC sa ilalim ng Radio Mindanao Network (RMN).   Si Bangues rin ang pangulo …

Read More »

2 itinurong ‘tulak’ timbog sa droga (Sa Montalban)

shabu drug arrest

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher at nakuha sa kanila ang 25 transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu sa buy bust operation na ikinasa ng mga awtoridad kamakalawa ng hapon, 17 Agosto, sa bayan ng Montalban, lalawigan ng Rizal.   Kinilala ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Joseph Arguelles ang mga nadakip na suspek na sina Alexander Rañada, alyas …

Read More »

CoVid-19 cases sa Bulacan pumalo lampas sa 2,000  

DANIEL FERNANDO Bulacan

UMABOT sa 2,204 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 18 Agosto, na ang 260 ay nananatiling may sintomas habang 1,008 ay asymptomatic.   Nadagdagan ito ng 98 aktibong kaso, habang 40 ang dagdag sa mga gumaling na.   Samantala, dalawa pa ang nadagdag sa bilang ng mga namatay dahil sa CoVid-19 na …

Read More »

Ex-mayoral candidate sa Meycauayan patay sa pamamaril

dead gun police

PINAGBABARIL hanggang mamatay ang isang negosyante sa lungsod ng Meycauayan, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng tanghali, 17 Agosto.   Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Bernardo Pagaduan, hepe ng Meycauayan City Police Station (CPS), kinilala ang biktimang si Ryan Afable Cayanan, 45 anyos, tumakbo sa pagkaalkalde ng naturang lungsod noong 2019 ngunit hindi nagwagi.   Ayon sa imbestigasyon ng …

Read More »

10 dating rebelde binigyan ng ayuda

NAKATANGGAP ng tseke bilang ayuda ang 10 dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA), mula sa programang Enhanced Comprehensive Local Integration (E-Clip) sa isinagawang awarding ceremony ng mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga, Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA). Sa nasabing seremonya, nakatanggap ng tig-P65,000 ang bawat dating  miyembro ng New People’s Army (NPA) at tig-P15,000 …

Read More »

2-M shares sa Dito binawi ng Mercedes importer

AYAW paawat ni Auto Nation Group, Inc., chair Greg Yu sa pagbebenta ng kanyang shares sa DITO-CME Holdings Corp., ang kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa. Ang Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at  Ram sa Filipinas. Sa report ng isang website, ibinenta ng DITO independent director ang …

Read More »

70 construction sites sa QC, lumabag sa ‘safety protocols’  

QC quezon city

NABUKO ng Department of Building Official (DBO) ng Quezon City government na may 70 construction projects ang lumalabag sa “health and safety protocols” sa gitna ng pandemyang CoVid-19 sa isinagawang sorpresang inspeksiyon.   “We have issued Cease and Desist Orders for the immediate stoppage of construction activities of these non-compliant projects,” ayon kay DBO head Atty. Dale Perral.   Aniya, …

Read More »

Libreng CoVid-19 test sa obrero aprub kay Duterte

Covid-19 Swab test

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga employer na magsagawa ng libreng CoVid-19 test sa kanilang mga empleyado lalo ang mga may “vulnerable condition” o madaling mahawaan ng sakit. “It could be a private or public establishment or area. But the employers, ‘yung mga amo, are highly encouraged to send their employees for testing at no cost to the employees,” …

Read More »

Ex-PNP colonel nadaganan ng 3-palapag na bahay, 20 sugatan (Masbate niyanig ng magnitude 6.6 lindol)

earthquake lindol

PATAY ang isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP), habang sugatan ang iba, nang bumagsak at gumuho ang kanyang tatlong-palapag na bahay sa magnitude 6.6 lindol na yumanig sa bayan ng Cataingan, sa lalawigan ng Masbate, noong Martes ng umaga, 18 Agosto. Unang nasukat ang pagyanig ng lupa sa magnitude 6.5, na tumama 5 kilometro sa timog kanluran ng …

Read More »

Sputnik V ng Russia, Sino vaccine hindi libre – Duterte (Uutangin ng PH)

UUTANGIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bakuna laban sa CoVid-19 sa mga ‘kaibigan’ niyang sina Russian President Valdimir Putin at Chinese President Xi Jinping. Nagpasalamat si Duterte sa China at Russia sa alok na unahin ang Filipinas sa pagkakalooban nila ng COVID-vaccine ngunit kung hindi abot-kaya ang presyo ay uutangin ng Filipinas at babayaran nang hulugan o installment basis. “Bibilhin …

Read More »

Ayuda sa tourism, pinalawak pa sa Bayanihan 2

NAGHAHANDA ngayon ang mga mambabatas na dagdagan pa ng mahigit P15 bilyon ang tulong para sa sektor ng turismo at iba pang industriyang nasalanta ng pandemyang CoVid-19 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan 2). Ang tourism industry na matagal nang dumaraing sa epekto ng pandemya ay maaaring makakuha ng pautang mula sa binabalak na mas pinalaki …

Read More »

Babaeng HR activist pinaslang Bacolod City (Echanis inilibing na)

ISANG babaeng human rights activist na nakabase sa Bacolod, ang pinaslang nitong Lunes ng gabi, ilang oras matapos ihimlay sa kanyang huling hantungan sa Metro Manila ang pinaslang din na NDF peace consultant na si Randall “Randy” Echanis. Si Zara Alvarez, 39 anyos, ng Negros Island Health Integrated Program at dating political prisoner ay pinaslang sa Eroreco Village, Barangay Mandalaga, …

Read More »

 ‘APOR’ nalito at nagkagulo sa border pass ng CSJDM LGU

San Jose del Monte City SJDM

NAGKAGULO ang netizens ng San Jose del Monte sa Bulacan kahapon dahil sa inilabas na bagong direktiba ng pamahalaang lungsod patungkol sa bagong Authorized Persons Outside of Residence (APOR) na gustong ipatupad bukod pa sa inilabas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ayon sa SJDM Public Information Office kailangan mag-fill-up ng APOR form ang lahat para maisyuhan …

Read More »

NCR, 3 probinsiya inilagay sa GCQ (Mula sa MECQ)

COVID-19 lockdown

INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon na isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal matapos ipatupad ang dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ). Inihayag ito ng Pangulo kagabi sa kanyang public address sa Davao City. Aniya, ipatutupad sa buong bansa ang modified GCQ  maliban sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, …

Read More »

Mega web of corruption: P911-M real properties ng IBC-13, ‘nalusaw’ sa ‘midnight deal’

 ni Rose Novenario BAGO nagwakas ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong 2016 ay may ‘nilutong’ midnight deal na nagresulta sa pagkawala ng P911-milyong real properties na pagmamay-ari ng sequestered at state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) sa Broadcast City sa Capitol Hills, Diliman, Quezon City. Opisyal na natapos ang administrasyong Aquino noong 30 Hunyo 2016. Nabatid sa 2016 …

Read More »

Duterte nasa ‘perpetual’ isolation — Palasyo ( 6-feet away sa publiko)

INAMIN ng Palasyo na nasa ‘perpetual isolation’ si Pangulong Rodrigo Duterte at hanggang anim na talampakan ang layo sa mga tao na puwedeng makasalamuha niya. Inihayag  ni Presidential Spokesman Harry Roque na regular na sumasailalim sa polymerase chain reaction tests para matiyak na ligtas sa CoVid-19 ang Pangulo. Ani Roque, nagagampan nang maayos ng Presidential Security Group (PSG) ang kanilang …

Read More »

P1.4-B IRM fund ng PhilHealth sa 51 fraud-ridden hospitals ibinigay (Para sa CoVid-19 patient); PhilHealth’s IRM ipinabubuwag

Philhealth bagman money

SA PAGDINIG ng House committee on public accounts kahapon lumabas ang karagdagang mga isyu kaugnay sa katiwaliang nangyari sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Sa pamumuno ni chairman Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa PhilHealth, lumabas na 51 ospital ang nabiyayaan ng P1.4 bilyon sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM). Ayon kay Defensor, binigyan …

Read More »

20,000 Bulakeño dapat isailalim sa contact tracing — DOH

DANIEL FERNANDO Bulacan

KINAKAILANGANG isailalim sa contact tracing ang nasa 20,000 indibidwal mula sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Health Secreatry Francisco Duque III, ito ay matapos maka­pagtala ng 2,018 kompir­madong kaso ng COVID-19 ang lalawigan, na mayroong 788 recoveries at 58 fatalities. Matatandaan, ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force at National Task Force on CoVid-19 ang bumisita sa Bulacan matapos tumaas ang …

Read More »