Monday , July 15 2024
Arrest Caloocan

Nasakote sa Kankaloo (Top 6 wanted sa Ormoc City)

NAGWAKAS ang 11-taon pagtatago sa batas ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kapitbahay sa Ormoc City nang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.

Ayon kay Northern Police District (NPD) director, P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30 anyos, tubong Leyte at residente sa Purok 6, Calapakuan, Zambales ay sangkot din sa serye ng motornapping incidents sa Caloocan City at kalapit na probinsiya at napag-alaman na sub-leader ng notoryus na Limos motornapping group.

Nadakip  ang suspek sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong 8:00 am ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangu­nguna ni P/Lt. Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, kasama ang NPD- Regional Intelligence Unit of National Capital Region (RIU-NCR), NPD Highway Patrol Group (HPG) at Ormoc City Police Station.

Ani BGen. Hidalgo, si Jumao-as ay tinagurian bilang top 6 most wanted person sa Ormoc City, may standing warrant of arrest na inisyu noong 12 Hulyo 2011 ni Hon. Judge Clinton C. Nuevo ng Ormoc City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination na walang inirekomendang piyansa.

Batay sa rekord, sapilitang hinalay ni Jumao-as ang 16-anyos niyang kapitbahay sa loob ng isang bahay sa Sitio Tongonan, Brgy. Montereco, Ormoc City noong 9 Oktubre 2010 saka nagtago nang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima laban sa kanya.

Nang makatanggap ng intelligence information si DSOU head Lt. Col. Dimaandal mula sa NPD-RIU-NCR na si Jumao-as ay naispatan sa Bagong Silang, kasama ang grupo ng hinihinalang motor­napping syndicate ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni Lt. Pabon, sa coordination sa Ormoc City Police Station saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkaka­aresto sa akusado.

 (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …