Tuesday , December 7 2021
shabu drug arrest

2 tulak hoyo sa Navotas (P.2-M shabu kompiskado)

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makuhaan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Navotas City Police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Val Christopher Valentin, 32 anyos, at Martin Pangilinan, 46 anyos, kapwa residente sa Brgy. Tangos South.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 11:10 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo Jr., ng buy bust operation sa F. Pascual St., Brgy. Tangos South, nang isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

Nakompiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P170,000, buy bust money, sling bag, digital weighing scale at P90 cash.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Elmo San Diego QC DPOS Quezon City

Kaligtasan, kalusugan ng lahat ang una sa QC — DPOS official

NAKATAKDANG magpulong ngayong Lunes ang pamunuan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at mga …

Barbie Imperial, Diego Loyzaga, AJ Raval

Diego iginiit wala silang dapat ipaliwanag ni Barbie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TINAPOS na ni Diego Loyzaga ang usapin patungkol sa kanyang girlfriend na …

Sa Pasig
3 GINANG, 1 PA TIKLO SA DROGA

KALABOSO ang tatlong ginang at isang lalaki nang bentahan ng ilegal na droga ang tauhan …

Lolo, ginang, isa pa, nalambat sa buy bust

HULI ang tatlong tulak na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lolo at ginang matapos …

PASKUHAN SA MAYNILA isko moreno

Hikayat ni Yorme
“PASKUHAN SA MAYNILA” BISITAHIN

INAANYAYAHAN ni Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso at ni Vice Mayor …