Thursday , August 11 2022
arrest, posas, fingerprints

Sigue Sigue Sputnik nasakote sa shabu (Nakaw na motorsiklo narekober)

INARESTO ng mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa bayan ng Porac, lalawigan ng Pampanga, ang isang pinaniniwalaang notoryus na miyembro ng isang criminal gang nitong Huwebes, 7 Oktubre.

Sa ulat mula kay P/Col. Robin Sarmiento, acting provincial director ng Pampanga PPO, dakong 9:00 pm, habang nagpag­papatrolya ang Mobile Patrol Team at Intelligence Unit ng Porac Municipal Police Station (MPS) ay naglatag sila ng dragnet operation sa Brgy. Cangat­ba, sa naturang bayan.

Kaugnay ito sa itinawag na ulat na ninakawan ng motorsiklo ang biktimang kinilalang si Jerby Quendan, nagresulta sa pagkakadakip kay Arcee Dizon, 25 anyos, nakatala bilang drug personality at miyembro ng notoryus na Sigue Sigue Sputnik Gang.

Lumitaw sa imbes­tigasyon, pinahinto ng operating troop ang motorsiklong minamaneho ng suspek ngunit imbes makipagtulungan ay biglang nag-U-turn sa pagtatangkang umiwas sa mga pulis ngunit nakorner din kalaunan.

Narekober bilang mga ebidensiya mula kay Dizon ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng bala; dalawang selyadong plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na dalawang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P13,600; dalawang pirasong P100 bills; at motorsiklong Yamaha Mio, walang plaka, positibong kinilala ni Quendan na kanyang pag-aari.

Kasalukuyang naka­kulong ang suspek na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 3, Article 151 ng RA 10883; Section 11 ng RA 9165; at RA 10591 na isasampa sa korte.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

ABUSADONG ONLINE SELLER TIMBOG
18 tulak, 4 iba pa kalaboso

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng karahasan kabilang ang 18 tulak …

Prison Bulacan

Bilang ng PDL sa Bulacan Provincial Jail bumaba

BUMABA hanggang sa 1,696 ang bilang ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Bulacan …

Mandaluyong

Sahod ng empleyadong JO sa Mandaluyong P10K na

TATANGGAP ng P10,000 ang mga empleyadong nasa ‘job order status’ sa lungsod ng Mandaluyong. Sa …

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …