Monday , August 8 2022
dead gun police

Cebu frat leader todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang lider ng isang fraternity nang tambangan ng mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Calamba, lungsod ng Cebu, nitong Biyernes ng hapon, 8 Oktubre.

Kinilala ang biktimang si Richard Buscaino, pangulo ng Alpha Kappa Rho (AKRHO) fraternity sa Central Visayas, na agad namatay sanhi ng apat na tama ng bala ng abril sa kanyang katawan.

Ayon kay P/SSgt. Vincent Gonzalve ng Sawang Calero Police Station, nagmamaneho si Buscaino patungong Brgy. Labangon nang pagba­barilin ng mga suspek na may suot na full-face helmet saka mabilis na tumakas.

Ayon sa pulisya, naka­tanggap ang lider ng AKHRO ng mga pag­babanta sa kanyang buhay bago ang pananambang.

Noong 2018, nakaligtas si Buscaino mula sa tang­kang pagpatay sa kanya.

Samantala, narekober ng pulisya ang anim na basyo ng bala ng hindi pa natutukoy na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen.

Ipinag-utos ni PNP chief P/Gen. Guillermo Eleazar nitong Linggo, 10 Oktubre, sa police regional police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon upang malutas ang pama­maslang kay Buscaino.

Gayondin, nanana­wagan ang pinuno ng pambansang pulisya sa mga mga nakasaksi sa insidente o kaya ay may hawak na impormasyon sa pangyayari na makipag­tulungan sa mga awtoridad para sa agarang ikalulutas ng kaso at ikadarakip ng mga suspek.

About hataw tabloid

Check Also

prison

DOJ kumonsulta sa prison expert, pamamalakad ni Bantag napuna

MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersiyang …

Vic Rodriguez Bongbong Marcos BBM

Paninira kay ES Rodriguez ibinuking na black propaganda

ISANG black propaganda ang ulat na nagbitiw sa puwesto si Executive Secretary Vic Rodriguez. Ito …

Drivers license card LTO

Puna ni LTO Chief Guadiz sa LTO IT contractor mali

DUMEPENSA ang information technology (IT) contractor ng Land Transportation Office (LTO) sa hepeng si Teofilo …

shabu drug arrest

P2.1-M shabu nasamsam 4 big time tulak timbog sa Pampanga at Bulacan

NADAKIP ang apat na pinaniniwalaang malalaking drug peddlers sa patuloy na pinaigting na kampanya laban …

Money Bagman

Instant milyonaryo
BULAKENYO TUMAMA SA LOTTO

NAGING instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Balagtas, Bulacan matapos mapanalunan ang jackpot sa …