Saturday , January 11 2025

News

Duterte iniliban total firecracker ban (Isip nagbago)

paputok firecrackers

ILANG araw makalipas ang Bagong Taon, nagbago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing hindi na itutuloy ang nauna niyang planong magpatupad ng total firecracker ban sa bansa. Aniya sa isang public briefing, isinaalang-alang niya ang mawawalang kabuhayan ng mga taga-Bulacan, partikular sa bayan ng Bocaue na kinaroroonan ng industriya ng paputok. Pinapayagang muli ang pagbebenta ng paputok, ngunit …

Read More »

Lalaking nurse duguang natagpuan sa lodging house (Sa Bukidnon)

dead

DUGUAN at wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang kata­wan ng isang lalaki sa loob ng isang silid sa lodging house sa lungsod ng Valencia, lalawigan ng Bukidnon, nitong Lunes, 4 Enero. Kinilala ang biktimang si Soriano Moreno, isang nurse mula sa bayan ng Bayog, Zamboanga del Norte. Agad itinawag sa pulisya ni Jopher Pabate, kahera ng Versatile …

Read More »

3 senior citizen, todas sa sunog (Sa Davao City)

fire sunog bombero

PATAY  ang tatlong senior citizens sa sunog na sumiklab sa Phase 1, Central Park, sa lungsod ng Davao, noong Lunes ng hapon, 4 Enero. Kinilala ni Davao City Fire District Intelligence and Investigation Chief, SFO4 Ramil Gillado, ang mga biktimang sina Claudio Libre, 81 anyos; Gloria Aurora Libre, 79 anyos; at Angelo Ouqialda, 60 anyos. Ayon kay Gillado, sumiklab ang …

Read More »

Babala ni Isko ng Maynila: Bakasyonista dapat magpa-swab test o maharap sa kaso

MANILA — Sanhi ng obserbasyong marami ang bumabalewala sa ipinaiiral na minimum health safety protocol para mapigilan ang pagkalat ng CoVid-19, pinaalalahanan ni Manila mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga residente sa lungsod na nagbabalik mula sa pagbabakasyon sa mga lalawigan na kailangan silang sumailalim sa mandatory swab test bago tuluyang makauwi sa kani-kanilang tahanan sa Kamaynilaan. Nagbabala si …

Read More »

30% capacity rule, dapat sundin ng Quiapo Church (Sa pista ng Itim na Nazareno)

HINDI pumayag ang pamahalaan sa mga apela ng ilan na gawing 50 porsiyento ang capacity na papaya­yagang makapasok sa Quiapo Church para sa lahat ng deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, kailangang sundin ng mga deboto, gayundin ng simbahan ang parehong patakaran na umiiral. Hanggang 30 porsi­yen­to lang aniya ang maaaring …

Read More »

PhilHealth contrib hike pinigil ni Duterte

Philhealth bagman money

IPINATIGIL ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng dagdag sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) member contributions upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa panahon ng CoVid-19 pandemic. “There is a move to increase the contribution ng mga members,” ani President Duterte sa public address nitong Lunes. “At this time of our life, may I just suggest to the …

Read More »

Durante stay put in the barracks, stay away from congress — Duterte (Walang paki, PSG matodas man sa ilegal na bakuna)

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung mamatay ang mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) na naturu­kan ng ‘smuggled’ at ‘unauthorized’ Sinopharm CoVid-19 vaccine. Ibinulalas ito ni Pangulong Duterte kasunod ng babala laban sa ikinakasang imbesti­gasyon ng Kongreso sa isyu ng ilegal na bakunang itinurok sa mga kagawad ng PSG na para sa kanya ay ‘self-preservation’ ng mga sundalo. …

Read More »

Ica namaga sa kaselanan, karayom itinurok sa kamay

nina KARLA OROZCO at NIÑO ACLAN IGIGIIT ng pamilya ng napaslang na 23-anyos flight attendant ang independent post-mortem report mula sa ibang medico-legal. Inihayag ito ni Brick Reyes, abogado at tagapagsalita ng pamilya ng biktimang si Christine Angelica “Ica” Dacera, 23 anyos, sa press conference na ginanap nitong Martes ng hapon. Pinaniniwalaang ang paggigiit ng pamilya Dacera na magkaroon ng …

Read More »

5 sangkot sa droga inaresto (P69K shabu sa Navotas)

shabu drug arrest

LIMANG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang inihanay na top 9 drug personality ang dinakip nang makuhaan ng higit sa P69,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operations ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 1:00 am kahapon nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug …

Read More »

2 lasenggo kalaboso (Matapos magtangkang pumatay)

arrest prison

ARESTADO ang dalawa sa tatlong lalaking binansagang ‘lasengero’ matapos manggulpi at manaksak saka bumalik sa bahay at ipinagpatuloy ang kanilang tagayan ngunit ang isa ay pumuslit na sa Caloocan City. Kalaboso ang mga suspek na kinilalang sina Joseph  John Daniel, 35 anyos, binata; at Michael Daniel Escasulatan, 36 anyos, kapwa residente sa Zaphire St., Brgy. 170, ng nasabing siyudad, habang …

Read More »

Kawatan timbog, mag-asawa pinagpapalo sa ulo

NAARESTO ang isang magnanakaw ng mga nagrespondeng police patrollers habang itinakbo sa pagamutan ang mag-asawang kanyang pinagpapalo sa ulo nang nakawan ang kanilang tindahan at computer shop noong Sabado ng gabi, 2 Enero, sa bayan ng Sta. Rita, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang suspek na si Joven Basera, 24 anyos, walang trabaho, residente …

Read More »

2 tulak, hoyo sa P.4-M shabu

shabu drug arrest

SWAK sa kulungan ang  dalawang tulak ng shabu makaraang maku­ha sa kanila ang mahigit P.4 milyon halaga ng shabu nang masakote sa mag­kahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Valenzuela City Police Chief Col. Fernando Ortega, dakong 8:00 pm nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement …

Read More »

Duterte ‘natuwa’ sa paglabag ng PSG sa rule of law

NAGPASALAMAT si Pangulong Rodrigo Duterte sa  Presidential Security Group (PSG) kahit nilabag ang batas sa pagturok sa kanilang mga kagawad ng ipinuslit at hindi aprobado ng Food and Drug Administration (FDA) na COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm ng China. “Ang ating Presidente ay nagbibigay-pugay sa katapatan ng PSG sa kanilang misyon na protektahan ang ating Presidente,” sabi ni Presidential …

Read More »

Palasyo ‘happy’ sa ilegal na bakuna ng 100k Chinese POGO workers

HINDI lang sa Presidential Security Group (PSG) natuwa ang Palasyo na ilegal na tinurukan ng CoVid-19 vaccine, nagalak din ang Palasyo sa 100,000 Chinese nationals sa Filipinas na binakunahan na rin. Isiniwalat ni anti-crime advocate Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs ang naturu­kan na ng CoVid-19 vaccines. “Pero kung totoo man, ‘e …

Read More »

Koreano ‘nakabigti’ sa BI warden facility

NATAGPUANG nakabigti ang isang Korean national sa kanyang selda sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Camp Bagong Diwa,  Taguig City, kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nakabigting Koreano na si Son Byeongkweon, 51 anyos. Base sa inisyal na ulat ng Taguig City Police,  natagpuang nakabigti ang biktima sa bintana dakong 6:50 am, kahapon, 4 Enero, gamit ang …

Read More »

Provisional rape charge isinampa vs 11 suspek (Sa pagkamatay ng FA sa Makati hotel)

Flight attendant ‘walang malay’ sa hotel bathtub (Idineklarang DOA sa ospital) SINAMPAHAN ng Makati City police sa prosecutor’s office nitong Lunes, 4 Enero, ang 11 kalalakihan ng provisional charge of rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng isang flight attendant noong unang araw ng bagong taon. Matatandaang natagpuang walang malay ang biktimang si Christine Angelica Dacera, 23 anyos, mula lungsod …

Read More »

Lomachenko asar kay Garcia

NAKAPANAYAM ng Snow Queen LA ang dating pound-for-pound king Vasiliy Lumachenko at nagpahayag ito  ng ilang pananaw sa mga kapwa elitistang boksingero sa lightweight division. Pinuna  ni Lomachenko (14-2, 10 KOs) si Ryan Garcia na ipinakakalat na naging matamlay siya sa naging  sparring nila kung kaya natalo siya kay Teofimo Lopez.   Katunayan ay hindi humarap si Garcia sa footage ng …

Read More »

Construction worker todas sa pulis-Pampanga (Napagkamalang magnanakaw)

gun dead

ISANG construction worker ang napaslang nang mapagkamalan ng isang pulis na ang hinahabol na magnanakaw sa bayan ng Sta. Rita, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng gabi, 2 Enero. Agad isinailalim ni P/Capt. Renemer Cruz, hepe ng Sta. Rita police, si P/Cpl. Eframe Ramirez sa restrictive custody at ipinasuko ang inisyung baril sa kanya. Kinompirma ni P/Col. Arnold Thomas …

Read More »

Kasunod ng military ops vs NPA 300 residente sa Capiz nagbakwit

NAPILITANG magbakwit ang halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz, matapos ang operasyon laban sa ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa lugar, kung saan napaslang ang siyam katao. Tinatyang 60 pamilya o halos 300 katao mula sa Barangay Lahug nitong Biyernes, 1 Enero ang mapilitang lumikas dahil sa takot kasunod ng ope­rasyong nangyari …

Read More »

2 karnaper todas sa QC shootout

dead gun police

TODAS ang dalawang hinihinalang karnaper makaraang makipag­barilan sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Bago ang enkuwentro, isang lalaki ang nagpa­saklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo makaraang bumili sa isang tindahan sa Barangay San Bartolome noong Sabado ng gabi. Ayon sa biktima, pag­kasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan siya ng baril …

Read More »

Huli sa aktong ‘pot session’ 3 singhot boys tiklo sa droga

drugs pot session arrest

DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlong ‘singhot boys’ habang abala sa isang pot session sa loob ng bahay ng isang  alyas Pato kamakalawa ng gabi, 2 Enero, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga nadakip na sina Amado Sison, 42 anyos, alyas Patol; Ron Ely Catiis, 23 anyos; at Jolibe Lalisan, 25 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Malanday, sa …

Read More »

31 law breakers nalambat sa Bulacan (Sa unang araw ng 2021)

ARESTADO ng mga awtoridad ang 31 kataong lumabag sa batas sa isinagawang anti-crime operations sa lalawigan ng Bulacan nitong 1 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa nadakip ang 12 drug personalities sa magkakahiwalay na  buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforce­ment Units ng Balagtas, Pandi, at Meycauayan municipal/city police stations. Nakuha …

Read More »

‘Second Wave’ ng HIV sanhi ng Covid-19

KUNG pagmamasdan si Rina ay maayos siya at walang karamdaman. May asawa siya at isang 2-anyos na supling at mahilig siyang bumiyahe at mamasyal bukod sa pagiging abala sa kanyang negosyo sa kanilang barangay sa Paco, Maynila. Ngunit sa likod ng kanyang kaaya-ayang panlabas, may dalang trauma ng pang-aabuso si Rina. Noong 15 anyos pa lang siya, isang 30-anyos na …

Read More »

Tulak nanlaban, patay kasabwat nadakma sa buy-bust

dead gun

NAGWAKAS ang buhay ng isang lalaking sinabing  notoryus na tulak matapos pumalag at manlaban sa pulisya sa isang buy bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan bago ang magpalit ng taon. Ayon sa pulisya, dakong 8:30 pm ay aarestohin si Elpidio Dykee ngunit nakipagbarilan sa mga pulis sa Skyline Village, Brgy. Sto. Cristo hanggang mapaslang. Bago nakatakas ay …

Read More »