Friday , June 2 2023
Joel Villanueva, Tesdaman

TESDAMAN pinasalamatan ng state universities & colleges

PINURI at pinasala­ma­tan ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) si re-electionist at Senator Joel “TESDAMAN” Villanue­va dahil sa ‘di matata­warang suporta at tulong sa sektor ng edukasyon tulad ng mga dagdag na pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2022 national budget.

Kinilala ng PASUC si Villanueva bilang Champion of Higher Technical and Vocational Education sa senado dahil sa isinulong nitong mga batas at mga inisyatiba at reporma sa edukasyon.

Ilan sa mga batas na ito ang Free Tuition Law, Philippine Qualifications Framework Law, Labor Education Law, National Higher Education Day Law, at ang mga batas na nagtatag ng mga bagong satellite campuses at conversion ng mga public college para maging state university.

Sa ilalim ng 2022 national budget, isinulong ni Villanueva ang P3 bilyong pondo para sa “smart campus” at ang modernisasyon ng mga pasilidad at kagamitang pang-ICT na magagamit sa flexible learning, ang student assistance program para sa mga mag-aaral ng mga SUC at ang halos P3 bilyong pondo para sa Medical Scholarship at pagtatayo ng mga bagong schools of medicine sa ilalim ng Doktor para sa Bayan Law na trinabahong maging batas ng Senador.

Tinukoy din ng PASUC na talagang tunay na empleyado sa senado si Villanueva dahil sa hangarin niyang makalikha ng trabaho at matiyak na magkaroon ng trabaho ang mga bagong graduates.

Saludo rin ang PASUC kay Villanueva dahil sa kanyang mga adbokasiya at walang kapagurang paglilingkod para protektahan ang interes ng mga mangga­gawa at upang maibalik ang mga nawalang trabaho at hanapbuhay dahil sa CoVid-19.

Agad nagpasalamat si Villanueva sa papuri at pasasalamat at tiwalang nakuha mula sa PASUC.

Ani Villanueva, gina­ga­wa niya ang sinum­paang tungkulin bilang halal na mambabatas.

Tiniyak ng re-electionist senator na hindi siya magsasawang maglingkod para iangat ang kalidad ng eduka­syon, tulungan ang mga guro at mga mag-aaral, at mapalakas ang mga industriya para matiyak na may maganda at mara­­ming trabahong maku­kuha ang fresh graduates.

Sinabi ni Villanueva, tuloy ang kanyang misyon at naniniwala siyang lalong kailangan si TESDAMAN sa Senado upang hindi maudlot ang mga nasimulang reporma sa edukasyon lalo ang pag-angkop ng mga pamantasan at training institution sa digital technology at pagbibigay ng pangmatagalang solusyon sa problema ng job-skills mismatch.

Sa ilalim ng 2022 national budget, ang sektor ng edukasyon ang isa sa mayroong pinaka­lamaking pondo na umabot sa P788.5 bilyon na mas mataas ng P36.8 bilyon o 4.9%  kompara noong nakaraang taon.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …