NALAPNOS ang katawan ng dalawang residente matapos tupukin ng apoy ang kabahayan sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ang mga biktima na sina Emmanuel Gaba, 39 anyos, may pinsalang first degree burn sa kaliwang braso at magkabilang paa; at Delia Buatro, 61 anyos, nakitang may hiwa sa kaliwang hita. Sa ulat ng Quezon City Bureau …
Read More »3 tulak ng droga, nalambat sa Navotas
NALAMBAT ng pulisya ang tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang 62-anyos lolo sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City Police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Carl Lewis Urqueza, 21 anyos; Ernanie Santos, 43 anyos; nakalista sa pagiging pusher at Reynaldo Cruz, 62 anyos, lolo, pawang residente …
Read More »Serye-exclusive: Villamin gustong pumasok sa politika
ni ROSE NOVENARIO NAGING instant bilyonaryo si Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., dahil sa kanyang programang Pa-Iwi at Microfinance. Kung dati’y napakaaktibo ni Villamin sa lahat ng social media platform at maging sa radyo at telebisyon, ni anino niya ngayo’y hindi mahagilap ng libo-libong investors na naniningil ng kita ng kanilang inilagak na puhunan sa DV Boer programs. …
Read More »Gov. Suarez umaming ‘pagal’ na (Quezon kulelat sa bakuna)
HINDI naitanggi ni Governor Danilo “Danny” Suarez sa grupo ng ilang mamamahayag na pagod na siya at nais nang magretiro sa politika kaya naman mababa ang vaccination rate sa buong lalawigan ng Quezon, pagbubulgar ng isang source sa HATAW.. Ginawa umano ni Suarez ang pag-amin, matapos umangal ang isang grupo ng mga taga-Quezon na napakabagal ng pagtugon ng kanilang gobernador …
Read More »Parlade, Badoy ‘binusalan’ ni Esperon (Manahimik kayo!)
ni ROSE NOVENARIO BINUSALAN ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., ang dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bunsod ng walang habas na red-tagging sa mga promotor ng community pantry. Halos isang linggo nang inuulan ng batikos sina Lt. Gen. Antonio Parlade at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Lorraine Badoy, parehong taggapagsalita …
Read More »Community pantry sa Cagayan de Oro nagsara (Organizer na-red tag)
PANSAMANTALANG itinigil ang operasyon ng isang community pantry sa lungsod ng Cagayan de Oro, lalawigan ng Misamis Orienral, nitong Miyerkoles, 21 Abril, matapos maakusahan ang organizer na may kaugnayan sa mga komunistang grupo. Inianunsiyo sa Facebook ng Kauswagan Community Pantry, na matatagpuan sa Pasil-Bonbon Road, na pansamantalang isasara ito matapos ang dalawang araw na pagsisilbi sa mga nagugutom na mga …
Read More »2 pugante nalambat sa Olongapo at Subic
TIMBOG ang dalawang pinaniniwalaang mga pugante sa lungsod ng Olongapo at Subic nang mahuli ng mga awtoridad sa magkahiwalay na mga operasyon nitong Miyerkoles, 21 Abril. Ayon kay P/Col. Jeric Villanueva, acting director ng Olongapo City police, itinuturing na most wanted sa lungsod ang isa sa mga nadakip. Nadakip ang hindi pinangalanang suspek, na inireklamo sa kasong domestic violence, sa …
Read More »Vintage bomb nahukay sa Batanes
ISANG vintage bomb, pinaniwalaang ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang nahukay sa Bgy. Chanarian, bayan ng Basco, lalawigan ng Batanes, nitong Miyerkoles, 1 Abril. Nabatid na nag-o-operate si Joey Hornedo ng backhoe sa lugar nang madiskubre niya ang bomba na may habang kalahating metro at may diametrong 12 pulgada. Ayon sa mga awtoridad, kung sasabog ang bomba, aabot ang pinsala …
Read More »Velociraptor nakunan ng video sa Florida
NATATANDAAN n’yo pa ba iyong tatlong velociraptor sa pelikulang Jurrasic World — na ubod nang bilis tumakbo at kumilos at talaga namang nakatatakot kapag sinalakay ka? Aba’y ito umano ang nakunan ng security camera sa isang tahanan, salaysay ng may-aring si Cristina Ryan ng Florida, USA. Ayon kay Ryan, hindi sinasadyang makunan ng security camera ang tinukoy niyang isang “baby dinosaur” …
Read More »Community pantry ng PNP-PRO3 laganap sa CL
PARANG mga kabuteng nagsulputan ang mga community pantry ng PRO3-PNP sa Central Luzon upang tumulong sa mga naunang community pantry na naging biktima ng red-tagging ang mga organizer nito. Sa panayam ng programang Rektang Konek ng PNP Wide, hinimok ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, mga hepe ng 32 police stations sa buong lalawigan at ang …
Read More »2 big time tulak tiklo sa anti-narcotics ops ng PRO3
ARESTADO ang dalawang pinaniniwalaang big time na mga tulak ng shabu, kabilang ang isang high value individual (HVI) sa ikinasang anti-narcotics operations ng PNP-PRO3 nitong Miyerkoles, 20 Abril, sa Brgy. Cabalantian, sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/BGen. Valeriano de Leon ng mga suspek, ayon sa ulat ni P/Col. Arnold Thomas Ibay, provincial director ng Pampanga PPO, …
Read More »Rehab center sa Bulacan naka-hard lockdown (80 CICL, mga tauhan positibo sa CoVid-19)
ISINAILALIM sa hard lockdown ang isang rehabilitation center sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan makaraan ang mga residenteng kabataan at mga tauhan sa pasilidad ay nasuring positibo sa CoVid-19. Ayon sa ulat, may 80 children in conflict with the law (CICL), siyam na social worker, at anim na jail guard sa Bahay Tanglaw Pag-asa ang tinamaan ng malubhang viral …
Read More »20 ‘sugarol,’ 2 arestado (Habang nasa MECQ, sugal ginawang libangan)
PINAGDADAMPOT ang 20 katao na ginawang pampalipas oras ang pagsusugal habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Bulacan. Sa ulat kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, dinakip ang 20 suspek sa ikinasang magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Marilao MPS, San Jose Del Monte CPS, at 2nd Provincial Mobile Force …
Read More »P3.4-M bato nadakma sa drug bust, 2 supplier ng droga timbog sa PDEA
TINATAYANG nasa P3,400,000 ang nakompiskang halaga ng hinihinalang shabu sa dalawang pinaniniwalaang mga big time tulak at supplier ng ilegal na droga sa inilatag na entrapment operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA3) Miyerkoles ng gabi, 21 Abril, sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Ninoy Aquino, (Marisol), lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni Director …
Read More »COVID-19 protection law isinulong
ISINULONG ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang pagkakaroon ng batas para maprotektahan ang mga tao na nagpabakuna ng CoVid–19. Ani Barzaga ang batas ay para sa proteksiyon ng mga nabakuhan laban sa mga ayaw magpabakuna. Aniya, nakasaad sa General Welfare clause na ang Estado ay inaatasang gumawa ng panuntunan at mga regulasyon upang maprotektahan ang buhay ng karamihan. “A person …
Read More »Eskinita sa Kankaloo, ini-lockdown (Maraming kaso ng CoVid-19)
ISINAILALIM na sa lockdown ang ilang bahagi ng Barangay 35 bunsod ng mataas na bilang ng mga CoVid-19 cases kahapon ng madaling araw. Pansamantalang isinara ang Block 6, Sawata, Area 2, Maypajo (nasasakupan ng LRTB Compound at Dagat-Dagatan Avenue) simula 12:01 a.m., Miyerkoles, 21 Abril hanggang 11:59 pm, Martes, 27 Abril. Ayon kay Caloocan Mayor Oca Malapitan, layunin nito na …
Read More ».5-M doses ng bakunang Sinovac dumating sa NAIA
AABOT sa 500,000 doses ng Sinovac vaccines na karagdagang binili ng gobyerno ng Filipinas ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon sakay ng komersyal flight ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 359 mula sa Beijing, China. Sasalubungin ng ilang opisyal ng gobyerno ang pagdating ng mga bakuna na pangungunahan nina vaccine czar Carlito Galvez, Jr., Secretary …
Read More »Community pantry sa Maynila ‘di dapat pakialaman ng MPD (Babala ni Mayor Isko)
INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Police District (MPD) na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila. Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemyang dulot ng CoVid-19. Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila, ititigil nila ang operasyon …
Read More »Balita tungkol sa community pantry, ‘di krimen — NUJP (Pagtulong ‘di subersiyon)
KUNG tingin ng estado ay panganib ang pagsusulputan ng napakaraming community pantry sa buong bansa, ang pagtulong sa panahon ng krisis ay hind subersibo at ang pagsusulat tungkol sa mga nasabing inisyatiba ay hindi kailanman isang krimen. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagkondena sa red-tagging sa miyembro at dating director na si …
Read More »Serye-exclusive: Pera ng investors, ibinili ng P100-M piggery ng DV Boer
ni ROSE NOVENARIO MISTULANG binagsakan ng langit at lupa ang Pa-Iwi partners at Microfinance investors ng DV Boer Farm nang mabistong nawalang parang bula ang multi-bilyong pisong inilagak nila sa agribusiness ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin. Ang DV Boer Microfinance ay itinatag ni Villamin upang magbigay ang subfarms ng kontribusyon mula sa kinita sa Pa-Iwi investors para sa …
Read More »Parlade ‘modelong’ hindi karapat-dapat (Sen. Kiko sa AFP junior officers)
ni ROSE NOVENARIO HINIMOK ng isang senador ang junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag tularan si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesman, Lt. Antonio Parlade, Jr., sa pagputak na taliwas sa disiplina at propesyonalismo ng militar. Kinuwestiyon ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pagbalewala ni Parlade sa direktiba ni AFP …
Read More »Bicol region, pinalakas Hugpong Sara 2022
SA MISMONG baluwarte ni Vice President Leni Robredo nagkaroon ng panunumpa ang mga bagong opisyal ng Hugpong para Kay Sara 2022 kamakalawa. Sa personal na pagdalaw ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general at dating Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario sa Legazpi City, Albay, pormal na nanumpa bilang mga opisyal ng Hugpo sa ilalim ng Legazpi City Chapter …
Read More »Katawan ng 2 lalaki natagpuan sa Camotes Island, Cebu (Dalawang araw nang nawawala)
NATAGPUAN nitong Miyerkoles ng umaga, 21 Abril, ng mga awtoridad ang mga katawan ng dalawang lalaking dalawang araw nang nawawala habang lumalangoy sa tubigan ng Camotes Island, sa lalawigan ng Cebu. Kinilala ang biktimang si John Mark Donaire Gerodias, 18 anyos, nakitang palutang-lutang sa Canlusong Wharf sa bayan ng San Francisco, sa naturang lalawigan, dakong 9:05 am kahapon. Isang oras …
Read More »Tulak todas sa parak
PATAY ang isang tulak ng shabu makaraang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Nalagutan agad ng hiningan ang suspek na kinilalang si Arnel Rabot, 23 anyos, residente sa Brgy. Potrero ng nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Batay sa ulat ni Malabon …
Read More »2nd dose ng Sinovac lumarga sa Parañaque
NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril. Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Parañaque City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine. …
Read More »