MAHIGIT isang dosenang aso na nakatakdang katayin ang nasagip ng mga awtoridad at volunteers mula sa isang dog meat trader sa isinagawang pagsalakay sa bayan ng San Ildefonso, sa Bulacan kamakalawa.
Ayon sa Animal Kingdom Foundation at CIDG Bulacan, kalunos-lunos ang kalagayan ng mga aso na isinako at handa nang i-deliver sa buyer sa Baguio at Pangasinan para katayin at gawing karne.
Sinabi ni Heidi Caguiao, AKF program director, ang nahuling suspek ay kilalang big-time supplier ng mga aso sa Bulacan.
“Malakihan po talagang mag-supply ang mamang ito. Nakita naman natin sa kanyang lugar na napakarami pong kulungan. Marami po talagang asong nakakalat doon,” aniya.
Ang pagbebenta at pagkain ng karne ng aso ay labag sa batas, sa ilalim ng Animal Welfare Act, ito ay may karampatang parusa na pagkakulong at multa.
Gayonman, pinaniniwalaan ng mga kumakain nito na aphrodisiac ang karne ng aso pero babala ng mga eksperto, hindi ligtas para sa tao ang pagkain nito.
Ayon kay Dr. Rey Del Napoles, AKF animal health partner, biggest risk ng dog meat trading ay rabies transmission at hindi maipagkakaila na 98% ng rabies cases ay nakukuha mula sa aso, at marami nang naidokumentong kaso na nakuha sa pagkain ng karne ng aso.
Dagdag ni Napoles, bukod doon ay puwede rin magkaroon ng bacterial infection, o ng bulate ang mga karneng ito na hindi nainspeksiyon at hindi dumaan sa tamang proseso.
Panawagan ng AKF sa publiko, kaagad ireport sa kanilang tanggapan o i-message sa kanilang Facebook account ang mga insidente ng pananakit, pang-aabuso, pagbebenta o kalupitan sa mga hayop.
Check Also
Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?
Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …
Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz
NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …
Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa
IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …
Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog
SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …
Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man
KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …